PARANG bumagal ang pagkilos ng lahat sa paligid ni Khalid. Nakita na lang niya na nasa harapan na ni Gavin si Noah para saksakin ito sa dibdib. That devil no longer have the right to live. Ang ilang guards ay pinaputukan ng bala ang helicopter kaya ito nawalan ng balanse at bumagsak sa isang bahagi ng cruise matapos na mamatay ang piloto nito. Isang nakabibinging pagsabog ang naganap at gumewang ang sasakyang-pandagat. Nagulat na lang siya nang bumigat ang katawan nI Angel, dumantay ito sa kanyang katawan. He doesn’t know what to think at that moment. Nadampian na lang ng kamay niya ang kung anong namamasa na nagmumula sa katawan ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Khalid nang makita ang pulang likido sa kanyang palad. Hindi maipaliwanag na emosyon ang bumalot sa kanya sa oras na iyon. Niyu

