PANAY ang iyak ni Angel habang kapit na kapit sa kasuotan ni Khalid. "Master, I'm sorry. Hindi ko siya dapat hinayaan na maiwan sa loob ng kwarto," pagpapaumanhin ni Marina. Hindi sumagot si Khalid. Walang ibang may kasalanan sa nangyari na iyon kun'di ang walang hiyang si Gavin. Isinakay niya ang dalaga sa loob ng sasakyan bago nagbigay ng utos kay Marina at Noah. "I want you to wipe out all Gavin's business here in twenty-four hours. Kailangan na pag-isipan ng mga partners ng mga Yongs kung sa akin sila papanig o kay Gavin." Sa palagay ni Khalid masyadong nag-eenjoy ang lalaki sa bansang iyon at kailangan na nitong umuwi sa bahay nito. Alam niyang mahirap ang plano niya na iyon dahil hindi rin naman madaling tibagin ang pamilya nito kaya nga may plano siya para kay Gabby. There would

