SA VILLA na inupahan ni Gavin. May tatlong araw na si Angel sa bahay na iyon. Pinatawag ng binata si Angel na magtungo sa isang kwarto. Pilit niyang isinama si Marina ngunit pinigil ito sa pintuan. Matalim ang tingin na ipinukol ni Angel sa dalawang guard na nagbabantay. "Don't worry, Miss Angel. I'll stay here," saad ng babae sa kanya. Nagbigay muna siya ng inis na tingin sa dalawang lalaki bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Galit siya nang binuksan niya ang pintuan. Nakita niya si Gavin na nakaupo sa isang la-z-boy. Wala naman siyang makitang kakaiba sa kwarto na iyon kung hindi dalawang sofa at ang inuupuan ni Gavin. Pumasok siya sa loob at saka tumayo sa tapat nito nang nakahalukipkip. "What do you want Gavin?" "I want to marry you tomorrow afternoon. Dadalhin kita sa Sin

