CHAPTER 11 - Yakult

1863 Words
IPINATAWAG ng Dean ang lahat ng miyembro ng Drama club sa opisina nito particular ang mga nakasama ni Angel nang nagdaang araw at si Gavin bilang Leader ng grupo. Seryoso si Gavin habang naghihintay sila sa pasilyo na papasukin sa loob ng opisina. "What really happened to Angel, Leader?" usisa ni Santa. Hindi niya rin ito masagot dahil nabigla rin siya nang malaman mula sa kasama na may sinundo na estudyante sa ladies dormitory nang madaling araw na iyon. Nabalitaan niya lang din na si Angel Jang ang estudyante na tinutukoy. Plano niya sanang puntahan ang dalaga sa ospital ngunit nakatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Dean na pinapatawag sila nito. May kaunting ideya na siya dahil inimbestigahan ng eskwelahan ang mga huling kinain ni Angel at kasama sa imbestigasyon ang Yakult. Hindi niya lang masabi sa mga kasama para hindi matakot o kabahan ang mga ito. Wala siya sa practice ng nagdaang araw dahil kailangan niyang habulin ang iba pa niyang aralin. Sabay-sabay silang napalingon sa pintuan nang umingit iyon at nagbukas. Lumitaw sa paningin niya ang Dean. "Pumasok kayong lahat sa loo," utos nito. Nakayuko ang mga kasama ni Gavin na pumasok sa loob ng opisina nito. Maluwag ang kwarto ng opisina ng Dean; may malapad na mesa sa pinakadulong bahagi na malapit sa bintana. Sa magkabilang mesa ay may dalawang sofa na pang-tatluhan kung saan maaari silang umupo; makintab na kahoy ang sahig na halatang alaga ito sa linis ng facility staff. Sa pader ay makikita ang iba't-ibang larawan ng kung sinu-sinong respetadong tao sa eskwelahan na iyon. Umupo ang Dean sa likuran ng mesa nito. Seryoso at walang kangiti-ngiti na makikita sa mga labi. Sinakop naman ng drama club ang magkabilang sofa, ang iba sa kanila ay nakatayo lang sa likod at naghihintay ng sasabihin sa kanila ng Dean. "Hindi na ako magpa-paligoy-ligoy pa. Siguro naman ay naiintindihan ninyo kung bakit ko kayo ipinatawag dito sa opisina ko. Naospital si Miss Angel Jang dahil nalason siya at isa sa mga hinihinala namin ay ang Yakult na nainom niya kahapon." "Nais kong malaman kung sino ang bumili ng mga pagkain ninyo kahapon. At, saan kayo bumili ng pagkain?" Kinakabahan naman na nagtaas ng kamay ang isa sa mga kasamahan ni Gavin sa drama club. Halos mamutla ito dahil sa takot. "Dean, ako po." Si Miguel Paras na 2nd year college sa kursong journalism. Napalunok ito at sinabi na sa 7-eleven nito binili ang lahat ng pagkain ng mga kasama. "Dean, nais naming malaman kung nakakasiguro po ba tayo na sa Yakult nakuha ni Angel ang lason," usisa ni Gavin. "Yes. Dahil ang mga nakain ni Miss Jang bukod sa Yakult ay ang pagkain sa canteen na kinain din ng iba pang mga estudyante. Sa ngayon ay si Miss Jang lang ang apektado sa lahat ng kumain doon. Bukod pa dito, literal na nalason si Miss Jang." Habang sinasabi iyon ng Dean ay nakatitig ito kay Miguel Paras. Napalunok naman si Miguel dahil sa narinig. Bigla itong lumuhod sa gitna ng magkabilang sofa na ikinagulat ng mga kasama nito sa Drama Club. "Dean, I'm sorry… hindi ko po alam kung ano po ang nangyayari pero sa tingin ko po ay may pagkakamali po ako." Seryoso ang lahat ng tao sa loob ng kwarto na 'yon na nakatingin kay Miguel. "Tell us," mahinahon ng saad ng Dean kahit pa nga seryoso at malamig ang mata nito. "A-ang totoo po n'yan Dean, kahapon ay may nagpadala sa akin ng text message na bibigyan niya daw po ako ng bente mil kapag tinurukan ko ng gamot ang Yakult ni Angel. K-kulang po kasi ako ng allowance kaya ako pumayag…" "A-ang sabi naman po sa akin ng tao na iyon ay i-p-prank niya lang si Angel na mapait ang Yakult na iinumin nito." Nakagat nito ang labi. Mabilis naman na uminit ang ulo ni Gavin. "Ibig mo bang sabihin ay pumayag ka kahit hindi mo alam kung ano 'yung gamot na inilagay mo sa Yakult? Saka paano mo nakuha ang gamot? at bakit hindi ka man lang nag-isip ng mabuti?" naiinis na sunud-sunod na tanong niya kay Miguel. "Leader, I'm sorry. Nagmamadali kasi ako kahapon kaya hindi ko na sinuri pa. 'Yung gamot ay nakuha ko sa garden. Pinakuha sa akin ng nag-utos sa likod ng halaman." Halatang guilty ito. "Pero paano nalaman ng nag-utos sa iyo na Yakult ang iinumin ni Miss Jang?"  tanong ng Dean. Sumabad si Santa sa usapan.  "Dean, kasi Yakult ang madalas na ipabili ni Angel sa amin o sa tuwing kasama ako kapag nagpupunta kami sa 7-eleven. Nasanay na siya na umiinom ng Yakult pagkatapos naming magpractice." Naisip ni Gavin na totoo ang sinabi nito. Napansin din niya na mahilig si Angel sa Yakult. "I'm sorry Mr. Paras but I want to see your parents tomorrow... Siguro naman ay magiging aral na ito sa inyo… isang estudyante ang muntik nang mamatay. Kung hindi siya nadala agad sa ospital ay baka bangkay na ang inabutan namin sa Ladies Dormitory." "Everyone, I'm sorry pero suspended ang Drama club sa loob ng isang buwan. Hindi niyo magagamit ang theatre simula ngayong araw. That's all. Dismissed." Bagsak ang mga balikat na lumabas sila ng opisina. ... ALAS NUEVE pa lang ng umaga ay naideklara nang ligtas si Angel mula sa kapahamakan o sa lason. Nagkaroon na rin siya ng malay ngunit hindi siya pinayagan na bumalik agad sa Dorm. Kinakailangan siyang bantayan ng ospital. "How are you?" tanong ni Christen nang balitaan ito ng nurse na bantay na nagkamalay na si Angel. "Anong nangyari sa'kin, Auntie?" tanong niya dito. Ang huling natatandaan niya ay sobrang sakit ng tiyan niya. Tumawag siya sa clinic at huling nakausap niya ay ang nurse doon. "Nakainom ka ng lason kahapon ng hapon mula sa Yakult. Masyado mo kaming pinag-alala lahat. Even your Dad called my brother sa UK para lang manghingi ng sagot mula sa school. I talked to your dad at ibinalita ko na sa kanila na ayos ka na. But I think they will still be here anytime soon." "Ipinagpasalamat namin na tumawag ka sa clinic kaninang madaling araw. Pero nais kitang pagalitan dahil hindi ka kumakain ng maayos nitong mga nagdaang araw sa eskwelahan. Ano ang nangyayari sa'yo? Mayroon ka bang dinadamdam na kailangan mong i-share sa amin?" Umiling si Angel kahit pa nga nagsimulang tumulo ang luha niya. "Tell me…" mahinahon na saad ni Christen. "I'm not doing good at school, Auntie? I thought I would be good because I have friends here. But I felt lonely recently." Lumapit si Christen at saka siya niyakap. Hinaplos nito ang buhok niya. "Cally is doing something important in Kyoto. We are sorry kung hindi ka niya magabayan recently. Are you comfortable staying in LIU? Pwede kong kausapin ang Daddy mo para ilipat ka sa ibang school kung hindi ka ayos sa LIU." "I'll stay in the meantime. I will tell him kapag hindi pa rin po ako okay sa mga susunod." "Good." Tumawag ito ng nurse sa labas. "Siya muna ang titingin sa'yo. Kung kailangan mo ng kausap, pindutin mo lang ang buton sa likuran mo para sa nurse assistance. You need to rest. Kailangan ka naming obserbahan sa loob ng tatlong araw." Paliwanag ni Christen. Tumango lang si Angel. Humiga siya muli sa kama at saka pinilit na pumikit. Palibhasa ay masama ang pakiramdam niya, mabilis siyang nakatulog. …... NANG sumapit ang hapon ay dumalaw si Gavin sa hospital kung saan naroon nagpapahinga si Angel. May bitbit ang lalaki na isang basket ng prutas. Nagtanong na siya sa Dean at ibinigay naman nito ang numero ng kwarto ni Angel kaya hindi siya nahirapan. Kumatok na muna siya sa pintuan ng kwarto bago niya iyon pinihit at binuksan. Natagpuan niya ang dalaga na nakahiga at nakatitig sa kisame. Malungkot ito. Bahagya siyang ngumiti. "Kamusta?" Lumingon sa kanya si Angel. Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng bisita ang dalaga. "Haaay, may bisita na rin ako sa wakas." Umupo ito mula sa pagkakahiga. Napangiwi ito dahil bahagyang kumirot ang braso nito dahil sa karayom na nakakabit doon. "Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakadalaw. Nagmeeting pa kasi kami sa eskwelahan kasama ang drama club dahil sa nangyari sa iyo." "Ano ang nangyari sa school?" Nagsimulang magkwento si Gavin. Isinalaysay niya ang lahat ng nangyari katulad ng pagsuspinde sa drama club ng Dean ng isang buwan at ang pagpapatawag nito sa magulang ni Miguel Paras. Nalungkot si Angel sa nalaman. "Nais nga pala ni Miguel na manghingi ng pasensya sa'yo. He has been careless. Naniwala siya sa isang text message," naiinis na saad ni Gavin. Marahas na bumukas ang pintuan bago pa makasagot ang dalaga. Sabay silang lumingon sa gawi nito. "Angel!" Malakas na tawag ni Khalid sa pangalan niya. Pumasok sa loob ng kwarto ang lalaki kasama ang tatlong chipmunks. Nakakunot ang mga noo nito nang makita si Gavin sa loob ng kwarto. Tulad ng mga nakaraang araw ay malamig ang tingin ng ipinukol ni Khalid sa binata. "What are you doing here?" he asked. "Bisita ko siya," malamig na sagot ni Angel. Huling nagkita sila ay noong araw pa nang nagtampo ito sa kanya. Matapos iyon ay hindi na siya nito tinawagan o kinausap. Hindi siya nito pinansin. "Tapos na ang dalaw mo, makakaalis ka na," sabi nito sa bisita niya. "He's my friend! Why can't you accept that?!" "Go!" Pagpapalayas dito ni Khalid. "I'm going," sabi ni Gavin. Ayaw lang nito ng gulo lalo na at nasa ospital sila. Seryoso na lumabas na ito ng kwarto. Tumawa ng mapait si Angel saka nagsimulang tumulo ang luha niya. "Yeah, bakit nga pala ako nagtatanong? You didn't even bother to see me in the past. Gavin kept his distance against me because he noticed my action, because I followed you. I thought na kakausapin mo na ako once you noticed that I granted your wish." Nagawa niya pang humikbi. "Pero ginawa ko na ang lahat at naiwan pa rin ako na mag-isa sa mga nakalipas na araw. Nag-iisa ako at wala man lang nakaisip kahit isa sa inyo kung kamusta ba ako. Sa mga nakalipas, hindi man lang ako makapag-aral ng mabuti dahil iniisip ko kung may problema ba kayo sa akin. Ayaw mo na nakikipagkaibigan ako kay Gavin pero iniwanan mo rin ako nang nag-iisa." Tumahimik ang buong kwarto. Humiga muli si Angel sa kama at tinakpan ng kumot ang buong katawan. "I want to be alone," sabi niya mula sa loob ng kumot. Sinenyasan ni Khalid ang tatlo na lumabas ng kwarto. They are all guilty. Naiwan si Khalid na mag-isa at tahimik na pinagmasdan ang dalaga. Naririnig niya ang pagsinghot at pag-iyak nito sa ilalim ng kumot. Akala naman ni Angel ay mag-isa na lang siya sa kwarto kaya nagawa niyang umiyak ng umiyak. Para siyang mauubusan ng hangin at pawis na pawis sa loob ng kumot kaya naman binaba niya muli iyon hanggang leeg. Nagtagpo ang mata nila ni Khalid na parang nakikiramay sa mga pag-iyak niya. Tatakpan muli sana niya ng kumot ang sarili ngunit mabilis na itong tumabi sa kanya sa masikip na hospital bed at saka siya niyakap. Idinikit nito ang ulo niya sa dibdib nito. "I'm sorry, bonsai. Nagdadalawang-isip ako nang nakaraan at nakaramdam ako ng hiya sa inakto ko kaya hindi ko magawang tumawag sa'yo. But I always checked on you. I'm sorry kung masyado akong naging busy. I just want you to know that I am doing what is best for you," malumanay na saad nito. Seryoso ang mukha ni Khalid habang nakadikit ang ulo ng dalaga sa dibdib niya. Naramdaman niya na nag-init ang dibdib niya habang kayakap ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD