Chapter 10 - Alone

1806 Words
HINDI alam ni Angel kung saan hahanapin si Khalid. Bitbit ang knapsack ay tumakbo siya palabas ng LIU. Pabaling-baling din siya sa kaliwa't kanan habang papalabas dahil baka sakaling hindi niya mapansin ang lalaki sa paligid. Hinahabol niya ang hangin hanggang sa makarating siya ng malaking gate ng school. May kalayuan ang library hanggang gate kaya nakaramdam siya ng pagod. Eksakto rin na pasado alas sais na ng gabi at madilim na ang kapaligiran. Kinuha niya ang cellphone at saka tinawagan si Khalid. Matagal na puro ring lang ang naririnig niya kaya humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone habang nakadikit iyon sa kanyang kanang tenga niya. Nakaramdam ng lungkot si Angel nang hindi nito sagutin ang tawag niya. Mahalaga sa kanya si Khalid dahil nasanay na siya sa presensya nito. Pero iyon nga lang ba talaga ang dahilan niya? Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nito na dumidikit siya kay Gavin. Samantalang wala naman siyang kinalaman sa kung anuman na alitan ng mga ito. Natutuwa siya sa huli dahil natutulungan siya nito sa aralin at sa iba pang mga bagay. Bakit hindi iyon maintindihan ni Khalid? Nagdadalawang-isip siya kung aalis ng school para puntahan si Khalid sa bahay nito. Hindi naman gano’n kalayo ang school sa white mansion ngunit kailangan niya ng sasakyan kung tutungo doon. Pribado kasi ang daan papuntang bahay ng Shi. Panay pa rin ang ring ng cellphone ni Khalid makalipas ang ilang pagtangka niya sa pagtawag dito. Dumaloy tuloy ang lungkot sa kanya at hindi niya naiwasan na mapaluha. Mabagal at bagsak ang balikat na naglakad siya pabalik sa dorm. Nagsisimula na rin siyang suminghot at panay ang punas sa bahagyang pamamasaha ng mata. Para siyang nakaramdam ng pagod na huminto sa bench na nadaanan. Naisip niyang tawagan si Simon para tanungin kung nasaan ang tatlo. Hindi naman siya nabigo na sinagot nito ang tawag niya makalipas ang dalawang ring. "Sis Angel?" Naririnig niya na maingay sa lugar nito. "Where is Khalid?" "Kasama namin. Kadarating lang din niya. Napagdesisyunan kasi naming tatlo na mag-KTV bar. Dito kami mag-di-dinner," sabi nito sa kabilang linya. Lalo siyang malungkot dahil hindi man lang siya naisip na isama. "Oh! Muriel, you're here too!" Bigla nitong sinabi sa kabilang linya. Hindi siya nag-react kahit pa nga nakadagdag iyon sa sama ng loob niya. Mabuti pa ang babae ay nagawa ng mga ito na imbitahan para sa pagsasalo na iyon, para sa pagsasaya ng mga ito sa KTV. "Ganon ba. Sige. I have to go." Bahagya pa siyang suminghot habang kausap ito. "Are you okay?" Pinilit niyang pagaanin ang boses para hindi ito makaramdam sa kabilang linya. "Yes." "W-why are you crying?" "Emm… I'm not," saad niya kahit pa nga namamasa na ang pisngi niya sa pagluha. Nag-angat siya ng mukha nang may mag-abot sa kanya ng panyo. Seryosong mukha ni Gavin ang nakita niya. "Salamat!" bulong niya dito. Pinatay niya na lang ang cellphone niya para hindi na makahalata pa si Simon. Pinilit niya na pakalmahin ang sarili para hindi nakakahiya kay Gavin. Iniwanan pa naman niya ito sa library habang tinuturuan siya sa aralin. "Just let me know if you need some company. I will call Santa," sabi nito. "Thanks! Pero babalik na lang ako sa dorm." Tumango lang ito. Tumayo naman si Angel para bumalik sa dorm dahil nakakahiya sa ibang mga estudyante kung sakali na makikita siyang umiiyak sa daan. Ibinagsak niya katawan sa malambot na kama nang makarating siya sa loob ng kwarto saka niya niyakap ang malaking unan. Wala na siyang gana na ipagpatuloy pa ang pagbasa sa libro o kahit na ano pang aralin. Tumagilid siya at hinarap ang pader, nakatitig lang siya doon. Bakit nga ba siya nasasaktan sa inaakto ni Khalid kung may pagka-childish ang inaakto nito? Hindi niya rin gusto na may close itong ibang babae. Malalim siyang nag-iisip hanggang sa makatulugan na lang niya ang sama ng loob. ….. MAY ilang araw din na hindi nag-usap si Khalid at Angel; at nakakasama iyon sa dalaga dahil hindi siya makapagpokus sa aralin kaiisip sa lalaki. Sa totoo ay maraming ginagawa ang lalaki. Busy ito sa maraming bagay. Tinatapos ni Khalid ang advanced class niya sa loob ng dalawang linggo para sa mga susunod na araw ay maaari na siyang hindi pumasok. Makalipas ang ilang araw ay nagtungo ito sa Japan. Alas tres ng madaling araw nang magising si Angel. Sumasakit ang tiyan niya. Nangangasim at sumasakit ang sikmura niya na parang hinahalukay. Napagtanto niya na tanghali pa siya huling kumain nang nagdaang araw. Nang hapon ay tanging Yakult lang ang ininom niya na pinabili niya sa kasama nang oras ng praktis. Tumawag siya sa clinic sa school para magpasundo dahil hindi niya kaya ang sakit. Isang nurse ang sumagot sa kabilang linya. "This Angel Jang from ladies dorm A, room 304. Nurse, sobrang sakit po ng tiyan ko." Halos mamilipit siya sa sakit habang nakahiga sa ibabaw ng kama. May mga tinanong pa ito na hindi na niya naintindihan dahil nawalan na siya ng malay. Ilang saglit pa ay maingay na sa gusali ng ladies dorm dahil sa emergency car na nakapark sa harap nito. Napilitan ang admin na buksan ang kwarto niya dahil walang sumasagot sa loob. Natagpuan ng mga ito si Angel na nangungulay asul na nakahiga sa ibabaw ng kama. Sinuri siya ng nurse na nakausap at halos takasan ito ng kulay nang makita siya. "Bring her! Let's bring her to the hospital!" Hindi na nagdalawang-isip ang mga kasama nito na binitbit si Angel palabas ng kwarto. ….. WALANG nagawa ang mga pinuno ng eskwelahan kung hindi ang tawagan ang magulang ni Angel na si Bella at Kai Jang kahit naroon pa ang mga ito sa ibang bansa, ilang oras lang matapos madeklara sa hospital na nalason ang dalaga. Nangangatog ang Dean sa telepono habang kausap si Kai Jang dahil hindi kaila sa kanila kung sino ang lalaki. Galit na galit ang lalaki sa kabilang linya. "We are sorry, Mr. Jang. Hindi rin po namin inaasahan ang nangyari na ito sa anak niyo. Hindi po namin namomonitor ang mga kinakain ng mga estudyante," sabi ng Dean kay Kai sa telepono. "I will not accept that! Iligtas mo ang anak ko kung hindi ay susunugin ko ang buong eskwelahan. Call Anthony Jackson or kahit sino pang panginoon. I trusted your school kahit na ilang milya pa ang layo ng bahay namin sa school niyo. You must do something to save my Angel!" "Yes po." Tanging ito lang ang nasabi ng Dean. Ipinagpasalamat nila na tumawag ang dalaga sa nurse station ng LIU para manghingi ng tulong at agad na gumawa ng paraan ang huli nang mawala sa linya si Angel Jang. Kung nahuli sila ng oras o hindi pinansin ang tawag, sigurado na hindi nila gugustuhin ang resulta. ….. TINAWAGAN ni Kai si Shi Cally kahit ilang milya pa ang layo nito sa kanya. Alas singko ng madaling araw ang kasalukuyang oras sa Seoul, Korea. Samantala ng alas nueve ng gabi sa Bristol, UK. Wala pang ideya si Cally sa naganap sa anak nito na nasa Pilipinas. "Shi, I need help." "What is it?" "Si Angel. Not sure what happened to her, pero tumawag sa akin ang Dean ng LIU kahit dis-oras ng gabi para ipaalam sa amin na nalason ang nag-iisa kong anak sa Pilipinas. Hindi ko maiwasan na kabahan. Sa palagay mo ba kalaban ang may gawa nito?" tanong ni Kai. Natahimik si Cally, matagal bago siya nakaimik muli. "Ang totoo, we received threats from Hantataiga kaya nasa Japan ngayon ang anak ko." Lalong kinabahan si Kai sa narinig. "Shi…" Hindi siya makagawa ng paraan lalo na at ilang taon na siyang hindi miyembro ng Dark Guards. Simula ng pumasok siya sa mundo ng business, ipinilit niya na ituon ang lahat ng atensyon dito at sa pamilya dahil ayaw niyang mapahiya sa magulang. Ilang taon na pinaghirapan ng mga ito ang trabaho kaya napilitan siya na ayusin ang bagong buhay. "Shi, alam mo na mahalaga ka sa akin at nirerespeto ko ang pamilya mo pero mas mahalaga sa akin ang pamilya ko. Nang magkaroon ng problema sa pagitan ng pamilya natin mahigit isang dekada na ang nakaraan, I stayed with your side dahil naniniwala ako na walang kinalaman si Christen sa pagkamatay ng lolo ko." "But Shi, if something happened to Angel…" hindi matuloy ni Kai ang sasabihin pero alam ni Cally kung ano ang nasa isipan nito. Walang nagawa ang huli kung hindi ang ikuyom ang kamao. Unang beses na magbanta ni Kai Jang sa kanya kahit pa nga walang dating ang tono nito. Hindi niya rin naman ito masisisi dahil hinayaan nito ang anak nito sa poder ni Khalid. "I understand. I'll call Christen o kung sinong doktor na pwede kong ipadala agad." "Salamat," ang naging sagot ni Kai. ….. SA LOOB ng mga sumunod na oras, tinawagan ni Cally si Anthony na pinsan niya, na kasalukuyan na namamahala sa eskwelahan para hingin ang panig nito. Tinawagan din nito ang kapatid na si Christen na Tita ni Angel para papuntahin ito sa ospital kung saan naroon ang dalaga para magkaroon sila ng magandang sagot kay Kai. Mabilis naman na umaksyon si Christen para tumungo sa ospital at iligtas ang pamangkin niya. Sa emergency room ng ospital ay mabilis na kumikilos ang medicine doctor at nurse nang pumasok si Christen. "Doctor Park," bati ng doktor nang makita siya. Nakilala si Christen bilang Dr. Park at hindi na niya 'yon pinabago pa. Hindi naman niya ito sinagot at sinuri na muna niya ang kalagayan ni Angel. Patuloy lang ito sa pagreport sa kanya kung ano ang mga nangyari at mga napansin ng mga ito sa dalaga. Matapos ang mabilis niyang mga pagkilatis sa katawan ng dalaga ay may kinuha si Christen na gamot sa bag na bitbit. Kasalukuyan na walang malay si Angel kaya naman nanghingi siya ng dextrose para pumasok ang gamot sa katawan ng dalaga. "I need dextrose," sabi niya sa staff. Mabilis naman na kumuha ang nurse sa cabinet ng mga gamit na kailangan. Si Christen na ang kusang nagturok ng karayom sa braso ng dalaga. Kahit ang paglagay ng gamot na dala niya. Bahagya siyang pinagpapawisan dahil hindi niya alam kung ano ang klase ng  lason ang nainom ni Angel. "Anong oras available ang blood and urine test?" tanong niya sa mga tao doon. "After 2 hours pa daw, Doc. Iyon na ang pinakamabilis na oras." Saad ng medicine doctor. Tumango siya. Ipinaliwanag niya ang mga napuna dito kay Angel. Nagkakasundo naman sila sa mga napansin. Inutusan niya ang nurse na bantayan ang dextrose at saka siya lumabas para hanapin ang Dean. Natagpuan naman niya ito na nasa hallway para sa update. Alas siyete na ng umaga. "Dr. Park." bati nito nang makita siya. "Anong nangyari?" "Ayon sa mga estudyante na nakasama niya ay may ininom siyang Yakult na pinabili niya sa kasama sa Drama Club... Nagtanong na ako sa security at nakita nila na hindi lumabas ng eskwelahan si Miss Jang. Hindi rin siya kumain ng hapunan at tanging ang Yakult ang huli niyang ininom," mahabang paliwanag nito. "Mayroon ba tayong way para makuha ang bote ng Yakult na ininom ni Angel?" Tanong niya dito. "Dr. Park wala na po." Kakamot-kamot na sagot nito. "Dean, hindi ito basta food poisoning, someone was trying to harm my niece. Please investigate kung sino ang bumili ng Yakult."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD