ARAW ng Huwebes. Tinanghali ng gising si Angel dahil magdamag siyang nag-aral nang nagdaang gabi para sa exam niya sa araw na iyon.
Halos takbuhin niya ang klase mula sa ladies dorm ng LIU. Psychology class ang papasukan niya para sa umaga na iyon. Nahuli na siya ng 15 minutes.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Unti-unting lumalakas sa pandinig niya ang boses ng professor na si Miss Gomez. Marami na ring estudyante sa loob at tahimik na nakikinig dahil istrikto talaga ang matandang dalaga na professor.
Halos yumuko siya para hindi siya nito makita habang tinutungo ang silya na naka-assign sa kanya. Mabuti na nga lang at sa bandang duluhan siya nakaupo.
"Miss Jang!"
Halos napatayo siya nang marinig ang pangalan mula sa striktong professor. Kasalukuyan na nasa gitnang bahagi siya ng isle. "Ma'am!"
Hindi niya napansin na iilang hakbang lang pala ang layo nito sa kanya. Hindi niya alam kung kailan siya nito nakita at nahuli.
"You're. late!"
Nakagat niya ang labi. Tatlong oras ang klase niya para sa subject na iyon at naisip niya na kahit ma-late siya ng 15 minutes ay ayos lang, itutuloy pa rin niya ang klase.
"I'm sorry, Ms. Minchin este Miss Gomez," nakayuko na pagpapaumanhin niya dito. Lalo naman itong sumimangot.
"Meet me at my office after class," ang huling sinabi nito bago bumalik sa bungad.
Tumango na lang siya dito at saka naglakad patungo sa silya niya. Ayos lang kahit mapagalitan siya nito dahil kasalanan naman niya talaga. Ang mahalaga ay makapasok siya sa klase na iyon. Determinado siya na pagbubutihin niya ang aralin para hindi sayang ang bayad ng magulang niya sa school na iyon.
Makalipas ang tatlong oras ay tinungo nga niya ang matandang dalaga sa opisina ng mga professor sa katabing building.
Nakatayo lamang siya sa gilid ng mesa nito habang pinagagalitan siya ng babae. Nakayuko lang siya kaya hindi niya napansin na pumasok na pala si Gavin sa loob dahil may hinatid itong mga gamit sa isa pang professor na nag-o-opisina sa parehas na kwarto.
"In three weeks, every 4 o'clock I will assign you at the library para ayusin ang mga libro doon na ginamit ng mga estudyante. You will start this afternoon."
Nag-alala si Angel sa sinabi nito dahil mayroon pa kasi siyang Drama Club na isa sa mga kailangan niyang asikasuhin.
"Don't be late next time," huling paalala nito.
"Yes po."
Bagsak ang balikat na lumabas siya ng opisina nito. Ang dami niya kasing kailangan na intindihin; sa klase, sa drama club at dumagdag pa ang library.
"Angel!"
Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niya si Gavin na nakangiti habang papalapit sa kanya.
"O, Gavin."
"May problema ba?" tanong nito.
"Naparusahan kasi ako ni Miss Gomez na ayusin ang mga nagamit na libro sa library tuwing alas kwatro ng hapon," sabi niya dito.
"Don't be sad," sabi nito.
"Hindi kasi ako sanay sa library. Hindi ko alam kung paano ayusin ang mga libro doon."
"I will help you."
Bigla siyang nag-angat ng paningin dito dahil sa narinig. Nagtagpo sila ng mga magandang mata nito.
"Hindi ba't marami kang gagawin dito dahil graduating ka rin? Di ba't marami kang kailangan na asikasuhin?" Nahihiya naman siya na magpatulong dito dahil alam niya na busy rin ang lalaki.
Bigla itong tumawa. "H'wag kang mag-alala. Ako talaga ang tumatao sa library kaya matutulungan talaga kita."
Nagliwanag ang mukha ni Angel. Nakakita siya sa wakas ng kakampi na tutulong sa kanya. "Kung gano’n, ngayon pa lang ay magpapasalamat na ako."
Nagpaalam na siya dito dahil kailangan niyang pumunta sa susunod na klase.
….
LIMANG minuto bago ang alas kwatro ng hapon...
Nasa b****a na ng library si Angel nang tinawagan niya si Khalid para ipaalam dito na tatao siya sa library tuwing alas kwatro ng hapon.
"Hello."
"Brother Khalid, nasa library ako."
"H'wag mong sabihin na desidido ka nang mag-aral ng mabuti?" tanong ni Khalid sa kabilang linya.
Alam niya na tinutudyo lang siya ng lalaki.
"Shut up! Naparusahan lang ako ni Miss Gomez kaya ako nakatoka na mag-ayos ng mga ginamit na libro dito sa library."
"Sige. Mag-ingat ka. Balitaan mo lang ako ng mga nangyari sa'yo. Hindi kita masusundo ngayon dahil sobrang busy ko rin. Hindi rin kita masusundo sa weekend para dalhin dito sa white mansion dahil pupunta ako sa Japan."
Bahagya siyang nalungkot sa narinig. Tatlong araw niya na kasing hindi nakikita ang lalaki. "Kailan ang balik mo?"
"After two weeks," sagot nito
"Ano ang gagawin mo doon?"
"It's confidential."
"Okay, mag-ingat ka," saad niya. Malamang ay may kinalaman sa mga Dark Guards ang rason nito.
"Hmm… ikaw din. Ayokong dumidikit ka kay Gavin."
Angel "..."
Napakamot siya sa ulo lalo na at makakasama niya ang lalaki sa araw na iyon. Nangako ito sa kanya na tutulungan siya nito sa library.
"I have to go. May klase pa ako," paalam nito.
"Okay…" halos hindi na niya masabi. Pumasok na lang siya sa loob ng napakalaking library.
Hindi pa man siya magsisimula ay sumasakit na ang ulo niya.
…..
TINURUAN siya ni Gavin kung paano mapapabilis na ayusin ang mga libro sa tamang rack. Tinulungan na rin siya nito na magbalik ng mga libro sa mga nakasalansan.
Malaki ang pasasalamat niya at naroon ang lalaki para magbigay sa kanya ng tulong. Hanggang alas nueve lang ng gabi ang bukas ng library. Karamihan din naman kasi sa mga estudyante ay may dala o may kanya-kanyang mga laptop or personal computer sa mga kwarto ng mga ito.
Alas singko y medya lang ay tapos na si Angel sa pagbalik ng mga libro sa rack. Nagpasalamat siya kay Gavin.
"Gavin, salamat sa tulong."
"No problem," sagot nito habang inaayos ang mga gamit at mga hiniram na libro.
Kailangan pa rin naman niya na mag-aral kaya naman nag-stay siya sa library para hindi siya malungkot sa dorm. Mag-isa lang kasi siya doon.
Pinili niya ang mesa na malapit sa bintana para natural ang liwanag na nagmumula sa labas. Kahit pa nga bahagyang nakakasilaw iyon sa mata dahil papalubog na ang araw.
May ilang minuto pa lang siya na nagbabasa ng mga aralin nang tumabi sa kanya si Gavin.
Nakakunot ang noo niya saka ito nilingon. Ngunit dedma ito na nagbukas lang din ng sarili nitong libro at saka nagsimulang magtantos doon ng light green na stabilo.
"Akala ko ay babalik ka na sa dorm mo," sabi niya dito.
"Madalas akong mag-aral dito. Since nandito ka, naisip ko na dito na lang din muna ako dahil baka may plano ka ring itanong sa akin," sabi nito.
"Pero nahihiya na ako sa'yo," saad ni Angel.
Iniisip niya na sobra na ang paghingi niya ng tulong dito, lalo na at tinulungan siya nito sa loob ng isa't kalahating oras na iligpit ang napakaraming libro sa rack.
"Ayos lang 'yan. Ilibre mo na lang ako ng dinner at ayos na 'yon sa akin," sabi nito nang hindi nag-aangat ng mukha at nananatili sa mga libro ang mga paningin.
Napangiti tuloy si Angel sa lalaki. "Sige! Salamat!"
Ibinalik niya muli ang paningin sa binabasang libro. Saka niya naalala na binantaan nga pala siya ni Khalid na huwag makikipag-usap sa lalaki. Huminto ang mga mata niya sa nakasulat sa libro nang maalala ang lalaki.
Sa totoo lang ay wala siya makitang dahilan para hindi makipagkaibigan kay Gavin dahil madalas siya nitong tulungan at mabait din ito sa kanya.
Sa isip niya ay wala namang kinalaman si Khalid sa pagkamatay ng namatay na nobya ni Gavin at wala rin naman siyang kinalaman sa kung ano man na hidwaan ang mayroon ang mga ito.
Itinuon niya ng mabuti ang lahat ng atensyon sa mga nakasulat sa libro. Ilang saglit pa ay mayroon na siyang hindi naiintindihan sa libro kaya naman sinubukan niyang magtanong sa lalaki.
"Gavin, help me on this one." Itinuro niya ang isang accounting problem sa libro.
Kinuha ni Gavin ang notebook niya na nasa mesa at nagsimula ito na ituro sa kanya ang lahat. Panay ang tango naman niya sa mga sinasabi nito habang tutok ang paningin niya sa isinusulat nito. Hindi niya napapansin na magkalapit na pala ang mga mukha nila nito.
Nabigla na lang siya nang may humarang ng liwanag sa tapat nila.
Napilitan siya na mag-angat ng mukha at nagtagpo ang mata nila ni Khalid. Nagdidilim ang mata nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ng kasama.
Napalunok siya. Pinilit niya na pakalmahin ang sarili.
"I thought hindi ka makakapunta," saad niya. Gusto niyang magtanong kung bakit mabilis itong nakakarating sa tuwing magkikita sila ni Gavin.
"Sa tingin ko ay hindi mo iniintindi ang mga sinasabi ko," malamig na saad nito. Matapos na sabihin iyon ni Khalid ay umalis na ito sa harap nila.
Napakamot si Angel sa ulo. Hindi niya alam kung paano paaamuhin ang binata. Malungkot siya na nagsimula na ayusin ang gamit. Ang plano niyang pag-aaral ay hindi na naman natuloy dahil bigla na naman na nagtampo sa kanya ang lalaki.
"Don't go, wala ka namang kasalanan. He always acted like a king na para bang pag-aari niya ang lahat. Huwag mo'ng hayaan na manduhan ka ni Khalid ng ganun-ganon na lang." Narinig niya kay Gavin habang seryoso ito na nakatingin sa libro nito.
"But Gavin he's not just a friend. He's like…" Hindi niya alam kung ano ang isusunod sa sinabi. Ano nga ba si Khalid bukod sa kaibigan?
"He's like what? Angel, he's been unreasonable. Alam ko na magkaibigan kayong dalawa. Pero Angel, ang ilayo ka niya sa akin nang dahil lang sa mayroong hindi magandang pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa ay hindi tama. Am I a bad influence to you?" Inangat nito ang mukha at sinalubong ang mata niya.
Lalong nakaramdam ng pagka-guilty si Angel dahil sa narinig, may katotohanan kasi ang sinabi nito. Simula day one ay walang masamang ginawa sa kanya ang lalaki. Sa halip ay para pa nga silang magbarkada lang kung magkwentuhan at mag-usap.
"We are not dating, we are studying. At iyon ang dahilan kung bakit ka nandito sa library."
"Alam ko Gavin, alam ko. But aside from studies. Mahalaga sa akin si Khalid." Sabi niya kaya niligpit niya ang mga gamit saka nagmadaling umalis para habulin si Khalid.