BINIGYAN si Khalid ng isa pang pagkakataon ni Kai na makabawi. Iniwan na muna niya ang mag-anak at plano niya na umuwi na muna sa White Castle para pag-isipan ng mabuti ang gagawin.
Nagpasundo siya sa pinsan na si Simon dahil mas close sa kanya ang lalaki kumpara sa dalawa pang kapatid nito. Tulad ng dati ay nakarinig siya ng reklamo dito lalo na at kaunti pa lang ang tulog nito.
Matiyaga niya itong hinintay sa main entrance ng ospital.
Alas tres y media ang oras kaya bahagyang mahamog ang paligid sa labas ng ospital. Parang nilalamig ang buo niyang pagkatao lalo na ang pag-alala niya sa mga narinig mula kay Kai.
Ilang saglit lang at nakita niya na ang pagpasok ng kotse ni Simon sa property ng ospital.
"How's Angel?" bungad nito nang makasakay siya sa kotse nito.
"Nasabon ako ni Uncle Kai," malungkot na saad ni Khalid.
Napangiwi si Simon. Naisip nito na mabuti na lang pala at hindi na ito bumaba pa ng sasakyan. Pero sigurado na ang mga ito ang sasalo ng banlaw ng tatay ni Angel.
Habang-daan pabalik sa White Castle, hindi maiwasan ni Khalid na mapasinghot. Napalingon si Simon sa kanya at muntik pa itong mabangga. Mabuti na lang at pinigil nito agad ang break.
"You're crying?" Nilingon siya nito. Iniwas niya ang mukha saka pasimpleng pinunasan ang mata.
"I'm not! Ituloy mo na lang ang pag-drive," sabi ni Khalid.
Nagpipigil na matawa ni Simon dahil baka kutusan niya ito. Matalim naman na tumingin si Khalid sa pinsan niya. "Sige, tumawa ka. Tingnan ko lang kung magawa mo pa ang tumawa kapag narinig mo ang sinabi sa akin ni Uncle."
Nagpatuloy ito sa pagmamaneho. "Sorry... Hindi ko lang inaasahan na mapapaluha ka dahil kay Uncle Kai. It's not your thing. Kahit nga sa Daddy mo ay hindi ka umiiyak."
"Naiinis kasi ako sa sarili ko. Hindi ko naalagaan si Angel," malungkot na saad ni Khalid.
Huminga ng malalim si Simon. "Gusto mo si Angel kaya mas nahihiya ka kay Uncle Kai?"
Hindi sumagot si Khalid. Napayuko lang siya.
"Ang daming love letters dito para sa kanya. Ibibigay ko bukas kay Angel para may mabasa siya sa ospital," tudyo nito. Binuksan nito ang isang box at lumitaw sa mata ni Khalid ang napakadaming sulat.
Nilingon niya ang pinsan saka pinukulan ng masama. "Kung paalisin kaya kita sa LIU. No, hindi lang pala sa LIU, paano kung pauwiin kaya kita sa inyo?" banta niya.
"Peace. Hindi ka na mabiro."
"Hmp! I'm not joking."
Nakarating sila sa White Castle dahilan para mapigil ang inisan nilang dalawa. Dumeretso si Khalid sa opisina ng Daddy niya.
"I need answers," sabi niya dito. Pinindot ang isang buton saka umangat ang isang LCD screen mula sa malapad na mesa.
"You will never expect what I found," sagot nito.
Umupo naman si Simon sa naghihintay na silya sa tapat ng monitor. May mga pinindot sa LCD na kulay asul ang border. He grabbed something on the monitor and put it on the desk. Isang software na keyboard iyon na kulay asul din ang border. Umiilaw ang mga letra at numero sa keyboard.
Mabilis na pumindot ang lalaki. Halos katok sa kahoy na mesa ang madidinig dahil para lang ilusyon ang keyboard nito.
"Here's what I found," saad ni Simon.
Isang video ang inihanda nito kay Khalid. "This is Miguel." Tinuro nito ang kaeskwela sa screen.
Kita nila na hinawi nito ang kumpol ng halaman sa gilid ng theatre saka kinuha ang isang supot na kasinglaki ng supot ng ice candy. May laman iyon na maliit na syringe. Kasing laki lang iyon ng ginagamit sa insulin. Lumingon si Miguel sa paligid saka nito kinamot ang ulo at itinurok sa Yakult ang karayom.
"And here's what I found next. Nahirapan ako na hanapin ito."
Sunod na ipinakita ni Simon ang video ng isang babae na nakahoodie. Hinanap iyon ng binata nang makuha nito ang cellphone na nagpadala ng mensahe kay Miguel.
Kita nila sa screen ang paghagis ng babae sa cellphone na napulot ni Simon sa school na isa sa mga ebidensiya. Ngunit mas ikinabigla nila kung sino ang babae nang umikot ito. Si Santa. Saka ito tumakbo palayo.
Napaisip si Khalid. "Iyan lang ba ang video?"
"Wala na akong makita na iba pa e."
Umupo si Khalid sa isang couch saka nag-isip ng malalim. Kung tutuusin. Mataas ang posibilidad na ang kaibigan ni Angel ang salarin. Alam nito ang mga ginagawa ni Angel sa araw-araw. Alam nito ang kinakain ng dalaga.
Nakakasama rin ni Angel sa pagkain ang babae sa video. Pero wala siyang makita na dahilan ni Santa na saktan ang kaibigan nito. O may na-missed na naman siyang importanteng impormasyon?
Hindi sila close ng kaibigan ni Angel kaya hindi niya rin alam ang personalidad nito. Malalim siyang nag-isip. Ilang saglit pa at napapitik si Khalid sa hangin.
"Imposibleng si Santa. Sigurado na nakuha niya lang ang cellphone na yan," saad niya.
"Are you sure?" duda ni Simon.
"I am sure. Though the cellphone is a waste. She couldn't afford na gumastos ng twenty thousand at ibayad kay Miguel. Natatandaan mo ba na scholarship ang dahilan kung bakit siya nasa school? Saka 'di ba nakita na natin siya minsan na nagp-part-time sa 7-eleven." tanong ni Khalid.
Nag-isip si Simon. "Yeah, I remember. You are right."
"Gusto ko siyang makausap." Kinuha ni Khalid ang jacket at plano niya na harapin na ang dalaga.
"Aalis na naman tayo? Alas kwatro pa lang ng madaling araw!" reklamo ni Simon.
Napangiwi si Khalid matapos sumilip sa relo. Nakalimutan niya na dis-oras pa nga pala ng gabi. Sarado ang ladies dorm.
"Fine! You must be at her door ngayong umaga. Continue your job as my assistant."
Sumimangot ito. "Assistant? Wala naman akong sweldo dito."
"You must be thankful na maging assistant ko. No need for the fees."
Simon "..."
…..
KAKAIBA ang umagang-hamog na bumabalot sa mga estudyante sa loob ng LIU. Malapit na kasi ang tag-ulan. Kani-kanina lang ay nagkaroon ng pag-ambon kaya bahagyang basa ang kalsada.
May mga nag-jo-jogging sa gilid ng kalsada ng LIU. Particular ang mga miyembro ng sports club.
Isang itim na kotse ang kumukuha ng atensyon sa tapat ng Ladies Dormitory. Bibihira kasi na may isang binata ang maghihintay sa tapat ng gate ng mga ito. Bilang mga dalaga, they are thinking differently. Their heads are full of romance. Nasa isip ng mga ito na maaga pa ngunit naghihintay na ang isang manliligaw ng isang estudyante na tumutuloy sa dorm.
Tulad ng usapan ni Simon at Khalid. Maaga pa lang ay naghihintay na ang una sa tapat ng gate ng Ladies Dormitory.
Bahagya siyang nakaramdam ng inis dahil sa pananaw niya ay hindi naman niya dapat trabaho itong gagawin niya. Kung hindi lang siya natatakot na ipatapon ni Kai sa ibang planeta dahil kay Angel ay hindi niya gagawin na maghintay sa tapat ng dorm at maghintay sa kung kanino.
Nakasandal siya sa kotse na gamit niya. May suot siyang salamin sa mata dahil alam niyang bahagya nang nangingitim ang gilid ng mga mata niya dahil sa puyat.
He is silently cursing the person na gumawa ng masama sa kaibigan nilang si Angel. Sa kabilang banda ay alam niya na may kasalanan silang magkakapatid sa nangyari dito.
Their Uncle Kai is ruthless at ayaw niya na makatikim ng kakaiba dito kapag wala silang nagawa na paraan. Marami na silang narinig sa history nito.
May mangilan-ngilan na mga estudyante na ang mga nagsisipaglabasan mula sa loob ng main gate ng dorm. Kumuha siya lalo ng atensyon sa mga kababaihan. Halatang kinikilig ang mga ito ngunit hindi niya pinapansin ang mga ito.
Parang agila ang mga mata niya na tinitingnan isa-isa ang mukha ng mga lumalabas ng gate.
Inabot na yata siya ng isang oras mahigit bago niya nakita ang babaeng hinihintay niya. Halatang puyat din ito at nangingitim din ng bahagya ang mata nito.
Matamlay si Santa na lumabas ng main gate kasabay ng pag-diretso ng katawan ni Simon na nakasandal sa kotse. Nilapitan niya ang dalaga at hinarangan ito pagkalabas nito ng gate.
Umiwas si Santa sa gilid ng binata at hinarangan muli ni Simon. Napilitan na mag-angat ng mukha ang dalaga. Umasim ang mukha nito nang makita siya.
Gumilid muli ito para umiwas sa kanya. Ngunit mabilis din na hinarangan muli ni Simon ang dalaga. Ito ang suspect niya kaya hindi niya ito tatantanan. Importante ang kailangan niya sa babae.
"May problema ka ba sa akin?" hindi na nito napigilan na magtanong. Humalukipkip ang dalaga at hinarap siya.
"I need you," sagot niya dito.
Iba naman ang dating nito kay Santa. Sa pagkainis ng dalaga, nabigla siya ng tinuhod siya nito sa hinaharap.
"Aughhh…" Mabilis na napahawak si Simon sa hinaharap niya. At namilipit siya sa sakit. Pakiramdam niya ay binasag nito ang dalawang mamahalin na itlog niya. Para na rin siyang naturuan ng leksyon ni Kai.
"Manyak na 'to!" singhal ni Santa saka siya inirapan at nagpatuloy ito sa paglakad.
"Wait! Si Angel…" usal niya habang hawak ang hinaharap. Nanggigigil siya sa babae.
Bakit parang siya pa yata ang mabilis na naparusahan? Saka bakit siya lang ang may parusa? Gusto niyang sakalin ang babae. Ito pa lang ang kauna-unahan na gumawa sa kanya ng ganito.
Sa kabilang banda, huminto naman si Santa matapos marinig ang pangalan ni Angel saka nilingon si Simon.
"What is it?" maangas na tanong niya sa namimilipit na binata.
"Dadalhin kita kay Angel." Napapangiwi pa rin ito at nagkikiskis ang mga ngipin. Halatang nawala na ito sa poise. Mukhang sinira niya ang magandang imahe na binuo nito sa mga isipan ng mga kababaihan sa school na iyon
Pansin niya rin na nakatingin sa gawi niya ang ibang babaeng estudyante at halatang nasaksihan ng mga ito ang ginawa niya sa binata. Mukhang sinira niya ang pantasya ng mga ito.
Napilitan siyang lapitan ang binata. Naranasan niya ang ma-bully sa school na iyon sa mga nakalipas na taon. Noong mga unang buwan niya sa school. Ayaw naman niya na maulit muli iyon dahil dito.
"Kamusta si Angel?" tanong niya. Seryoso ang mukha
"Sakay!" Binuksan ni Simon ang pintuan ng kotse nito.
Matalim naman na tumingin ang dalaga dito.
"Hindi kita gagawan ng masama okay. Para rin ito sa'yo. Ikaw ang first suspect sa nangyari kay Angel kaya mas mabuti pa na sumama ka sa 'kin sa ospital."
Kinabahan naman siya sa narinig dito. "Ako? Suspect?" tanong niya habang turo ang sarili.
Nilapit nito ang mukha ilang ‘di ba sa kanya. "Yes. kaya nga sumama ka sa akin. Wala akong plano na gumawa ng masama kahit sa dulo ng buhok mo. Hmp!"
Gumilid na ito at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Hinayaan nito na nakabukas ang pintuan sa tapat niya. Sumakay na ito sa gawi ng driver's seat.
Walang nagawa si Santa kung hindi ang sumakay sa kotse ni Simon at sumama dito para dalhin siya sa kaibigan.