CHAPTER 18 - Be Strong

1881 Words
MAY plano si Santa na pumunta ng ospital para kamustahin si Angel kaya naman bahagya niyang ipinagpasalamat na inabangan siya ni Simon sa tapat ng dormitoryo para personal na ihatid sa kaibigan. Hindi na siya mahirapan na magpunta pa sa sakayan ng bus. Bigla niyang nilingon ang lalaki, weird ang lalaki na ito sa paningin niya. Hindi nalalayo ang tangkad nito kay Khalid at halos balikat nga lang siya nito. Madalas na nakasuot lang ito ng T-shirt tuwing makikita niya. Alam din niya na hindi masyadong sumasama si Simon sa ibang estudyante pero may mga kaibigan din naman ito. May sariling mundo ang lalaki at madalas na ang dalawang kapatid lang nito ang kasama bukod kay Khalid. Madalas niya na makita na may bitbit itong tablet. Wala itong pakialam sa paligid. Bibihira rin na ngumiti ang lalaki. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit popular ito sa mga babae. Wala namang karapatan ang iba pang mga kalalakihan na mainis dito dahil madalas itong kasama ni Khalid. May pagkakatulad sila ni Simon kung ang pag-uusapan ay kaseryosohan sa buhay dahil pokus niya ang tulungan ang sarili na makatapos sa pag-aaral. Madalas na jeans at blusa ang suot niya araw-araw. Wala kasi siyang kakayahan na bumili ng magagandang gamit. Wala siyang pakialam sa mga estudyante na glamorosa. Kaya nga nagtaka siya na naging close niya si Angel Jang na halatang mamahalin ang mga kasuotan. Ang dalaga ang isa sa mga naging malapit niya na kaibigan dahil down to earth si Angel. Hindi rin siya nito binibigyan ng special treatment. Bigla niyang naisip ang sinabi ni Simon na isa siya sa mga suspect sa nangyari sa kaibigan na si Angel. "Teka lang! Linawin mo nga 'yung sinabi mo kanina. Paano ako naging suspect? Wala akong plano na lasunin si Angel, hindi ba at umamin na si Miguel? Saka, kahit pa hindi siya umamin hindi ko sasaktan ang kaibigan ko." "Woah! Miss, hold your tongue. Mamaya ka na magtanong. Hindi ako ang haharap sa'yo kun'di si Khalid," sagot ni Simon. Halata ang disgusto sa mukha nito para sa kanya. Napalunok si Santa nang marinig ang pangalan ni Khalid. "Si Khalid?" Bahagya siyang natakot. Ayaw niya na magkaroon ng pangit na ugnayan sa lalaki. "Yes, si Khalid," aniSimon. Naisip niya tuloy itanong na hindi naman siguro nito maiisip na dahilan ang pagiging close niya kay Angel para mapabilang siya sa suspek. Tama? Tulad ng sabi niya dito, wala siyang dahilan para lasunin ang kaibigan. Saka bakit niya gagawin? Angel is a good friend. Huminto ang sasakyan ni Simon sa tapat ng isang tindahan ng mga bulaklak. "Wait here," anito. Lumabas ang lalaki at saka kinausap ang isang binatilyo rin. Itinuturo ng huli ang mga bulaklak na nasa display. Napailing na lang si Santa habang tinitingnan si Simon na parang nahihirapan sa pagpili ng mga bulaklak. Halatang wala itong alam sa mga iyon. Bumaba rin siya ng sasakyan at saka kinalabit sa balikat si Simon. "Bibili ka ba ng bulaklak para kay Angel?" "Malamang 'di ba? Alangan naman para sa'yo," inis na saad nito. Sumimangot siya sa sinabi nito. "Tutulungan lang naman kita kung paano pumili, kung ayaw mo e'di huwag! Hmp!" Biglang naisip ni Simon na bakit nga ba hindi siya nito kunsultahin? Tinalikuran niya ito para bumalik na sana sa sasakyan ngunit naramdaman na lang niya na hinawakan nito ang neckline ng suot niya ng blusa. Bahagyang umangat ang blouse niya at lumitaw amg tiyan niya. Sinipa niya ito patalikod dahil sa inis. Mabilis siyang binitawan ng lalaki at saka umaray muli ito. "Aughhh! F*ck! Malapit na akong hindi magkakaanak dahil sa'yo," reklamo muli nito habang namimilipit sa sakit. "Bawas-bawasan mo kasi na maging manyak sa akin, okay?" Inirapan niya ito. Nag-aaral talaga si Santa ng basic skills para protektahan ang sarili. Madalas kasi siyang inaabot ng magdamag sa convenience store at may mga customer na pumapasok doon na lasing o kaya naman ay mga grupo ng mga kabataan na laging hanap ay away; kaya naman kailangan niyang protektahan ang sarili. "Kailan ako naging manyak? At saka, ikaw mamanyakin ko? in your dreams!" saad nito. "Wala akong paki sa iisipin mo!" singhal niya dito. Lalong nalukot ang mukha ni Simon. Sigurado na iniisip nito na kung hindi lang siya babae ay malamang na nasaktan na siya nito ng pisikal. "Pumili ka na ng bulaklak para makaalis na tayo dito at makapunta sa ospital." Nakatingin sa kanila ang binatilyong tindero habang nakangiti. "Ang sweet naman po pala ninyo." "Anong sweet ka diyan?!" Angil ni Santa. "Bigay mo sa amin 'yung sunflower! 'Yan ang order ng kumag na ito." Kakamot-kamot sa ulo ang tindero na nilapitan ang sunflowers na nasa timba at saka maayos na ibinalot para maging bouquet. Inirapan ni Santa ang binata at saka bumalik sa loob ng sasakyan nito. "Pangit na 'to! Parang sinabi na hindi ako kagandahan! Hmp!" Bubulong-bulong na saad niya habang nakatingin kay Simon na kinuha ang wallet nito sa bulsa. Bumalik din naman ito agad sa sasakyan at inilagay ang bungkos ng sunflower sa likuran na bahagi ng kotse nito. Ilang saglit pa ay naroon na sila sa parking ng ospital. Mas dumoble ang kaba ni Santa nang naroon na sila. Hindi niya kasi alam kung paano siya  kakaliskisan ni Khalid. Nilakasan na lang niya ang loob dahil wala naman siyang kasalanan na ginawa sa kaibigan. Mag-aalas otso pa lang ng umaga kaya hindi pa ganoon karami ang mga pasyente o mga dalaw na nagpupunta sa ospital. Pero ilang mga nurse at mga doctor na nakasuot ng puting coat ang nakasalubong nila ng binata. Biglang tumigil si Santa sa paglalakad. Wala kasi siyang dala para sa kaibigan na si Angel. Lumingon sa kanya si Simon.  "Ano na naman? Dumikit na ba ang sandalyas mo dyan sa tiles?" Inirapan niya ito. "Wala akong pasalubong kay Angel." "H'wag mo nang problemahin iyon. Hindi mahilig si Angel sa materyal na bagay. Bumisita ka lang sa kanya ay sapat na." ….. MAAGA pa lang ay umalis na ang mag-asawang Kai at Bella sa ospital para makapagpahinga. Pinaayos ni Khalid ang isang kwarto sa White Castle para sa mag-asawa. Nahihiya talaga siya sa mga ito. Nang dumating siya sa ospital, ayaw siyang pansinin ni Angel kahit nang makaalis na ang magulang ng dalaga. "Talk to me," hiling ni Khalid. Gumilid lang si Angel saka hinarap ang bintana. Masama talaga ang loob niya kay Khalid. Hindi niya maiwasan na mag-self pity. "Angel…" tawag muli nito. Naiinis na talaga ito sa kanya dahil sa pag-iinarte niya. Sa pananaw naman niya, hindi naman ibig sabihin na nanghingi na ito ng patawad ay ayos na ang lahat. Ilang saglit lang at nag-ring ang cellphone ng binata. Nakakunot ang noo nito nang makita ang pangalan ni Muriel sa screen. Pinatayan lang nito ng tawag ang babae. Sa dami ng problema ni Khalid wala itong time na kausapin ang babae sa ngayon. Narinig ni Angel ang mahinang katok sa pintuan, tapos ay nagbukas iyon. "Angel…" Umikot siya nang marinig ang boses ni Santa. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang kaibigan. Siguro dahil nakakita siya ng matinong makakausap. Lumapit ang kaibigan niya at si Simon. Inabot sa kanya ng huli ang kumpol ng sunflower. "Wow! Thank you Simon! I like it." "Mabuti naman kung nagustuhan mo... Sorry nga pala kung hindi ka namin nakakasama nang mga nakaraang araw. Hope you forgive me," saad nito sa kanya. "I forgive you." Natapatawad niya na ito dahil binigyan siya nito ng bulaklak. "Pasensya ka na ha wala akong dala para sa iyo. Ang naging part ko lang ay ituro ang sunflower para dalhin sa'yo," pagpapaumanhin ni Santa. Nakakunot ang noo ni Angel. "Magkasama kayo simula pa sa dorm?" Tiningnan niya ang dalawa na may halong pagdududa. Una kasi, alam niya na hindi basta-basta magpapasakay sa kotse nito si Simon dahil mahal nito ang sasakyan. Regalo iyon ng magulang nito nang mag-eighteen ang lalaki nitong mga nakaraang buwan. Hindi ito basta-basta magpapasakay ng kung sino lang sa pinakamamahal nitong kotse. Nakatunog naman si Simon sa iniisip niya. "Hey, bago ka mag-isip ng masama, kaya lang kami magkasama ay dahil initusan ako ni Khalid na dalhin siya dito. okay?" reklamo agad nito. "Oi! Akala mo naman gusto kong sumama sa'yo. Makapag-deny ka agad d'yan! Nakukulangan ka ba sa sakit ng katawan?" nanghahamon na saad ni Santa inangat pa nito ang manggas ng suot nitong blusa. Nalukot ang mukha ni Simon. "May karapatan akong mag-deny dahil mukha kang…" wala rin naman itong naisip na pwedeng ihalintulad sa kanya na pangit na bagay. "Mukhang ano? Ikaw, mukha kang tikbalang sa kanto na naubusan ng sigarilyo kaya tumakbo na walang salawal!" Angel "..." Khalid "..." "Kamukha mo si Sadako na hindi nag-shampoo!" ganti ng binata. "Hep! Tama na, sumasakit ang ulo ko sa inyo." Pinatigil na ni Angel ang dalawa. Halata na hindi magkasundo ang mga ito. "Ang mahalaga ay dumalaw ka dito. Thanks Simon!" Inirapan lang ito ni Santa saka tumabi sa kanya sa silya. "'Nga pala may klase ka ngayong umaga 'di ba?" biglang naalala na itanong ni Angel. "Yes," sagot nito saka tumingin kay Khalid. Napalunok pa ang dalaga. Nakuha naman ni Khalid ang ibig sabihin ni Santa. "May itatanong lang ako na mahalaga sa'yo. You can chat in the meantime," saad ni Khalid na hinila na ang pinsan nito para lumabas ng kwarto. Napalingon si Santa sa dalawang lalaki na lumabas. Nakahinga ito nang maluwag nang makalabas si Khalid at Simon sa kwarto. "Whew!" "Bakit?" tanong ni Angel. "Natatakot kasi ako kay Khalid." Umasim ang mukha ni Angel. "Hmp! Hayaan mo nga siya. H'wag kang matakot sa kanya." "Hindi ko maiwasan na kabahan sa kanya. Nobody wants to offend him. 'Nga pala siguro naman ay alam mo na ang nangyari kay Miguel. Naaawa ako sa kanya kasi kailangan niya lang daw ng pera tapos akala niya ay prank lang daw 'yung gagawin sa 'yo." Biglang natahimik si Angel. Bahagya siyang nalungkot, hindi pa niya naranasan na may nagtanim ng galit sa kanya na aabot sa punto na pagpaplanuhan nito na lasunin siya. May ilang minuto rin bago pumasok si Khalid at Simon sa loob ng kwarto kasama ng mga ito si Doc Christen at isa pang nurse. May bitbit ang dalawang lalaki na mga pagkain. Lalong nakaramdam ng gutom si Angel tubig lang ang ipinaiinom sa kanya ng Mommy niya simula nang dumating ito. Mahigit 24 hours na siyang walang kain. "I'm back. I'll check on you. Ipapasuri natin ulit ang dugo mo kung ayos ka na," nakangiti na saad ni Doc Christen. Kinuha nito ang maliit na syringe sa medicine box na dala ng nurse para iturok sa kanya at isang tube kung saan ilalagay ang dugo. Namutla agad si Angel. Normal na kabahan siya lalo na at hindi siya sanay sa ganoon. "Be strong," ani Khalid. Umupo ito sa kabilang panig at hinawakan siya sa kamay na nasa gawi nito. "Just look at me." Parang hipnotismo naman iyon sa pandinig niya. Nakatingin nga lang siya dito. Nalaman niya na lang na tapos na ang proseso. "Done!" saad ni Christen. Sinuri pa nito ang ibang parte ng katawan niya. Tinanggal na rin nito ang karayom na nakakabit sa braso niya. "Pwede ka nang kumain. Pero kaunti muna. Pupuntahan ko na lang ang Daddy mo para makausap sila," dagdag nito. "Thank you untie." "No problem." Lumabas na ito pati ang nurse para ipasuri ang dugo niya. Binuksan ni Khalid ang isang pack ng jelly. "Eat this. I will treat you to a korean barbecue kapag nakalabas ka na dito." Tumikhim naman si Santa. "Master Khal--." Nabigla na lang ito nang takpan ni Simon ang bibig nito. "Mamaya ka na magpaalam." Inabutan ito ni Simon ng isang pack ng pagkain. "O, Kumain ka muna para busog ka bago ka namin kaliskisan." Masama ang tingin na ipinukol nito sa binata. Pero tinanggap naman nito ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD