“BAKA malate si Santa," nag-aalalang saad ni Angel matapos niyang maubos ang pagkain.
"I want to hear kung ano sasabihin mo sa kanya," dagdag niya.
"Okay." Tumingin si Khalid kay Santa. Napatuwid naman sa pagkakaupo ang huli.
"I just wanted to ask kung saan mo ito nakuha?" Kinuha ni Khalid ang maliit na cellphone sa bulsa nito. Isang simpleng cellphone lang iyon na may mga keypad. Tanging pantawag at pang text lang ang kaya nito. Walang kamera o kakayahan na makapagdownload ng kahit na anong app.
Kunot ang noo ni Santa na inabot ang cellphone. Inaalala ang bagay na iyon. "Hmmm? wala akong masyadong matandaan." Nag-isip ito ng mabuti.
Napapailing naman si Simon. "Haay talaga naman, nagka-amnesia ka ba talaga?"
Inilabas ng binata ang cellphone nito. "Heto, ipapakita ko sa iyo para mawala ang memory gap mo." Isang nakamamatay na irap ang sinagot ng huli sa binata.
Hinanap ni Simon ang video na nakalap nito at ipinakita sa dalaga. "O, 'di ba ikaw 'to?"
Kita naman ni Santa ang sarili niya sa video saka niya natandaan ang tinutukoy nito. "Ah, naalala ko na!" Hinarap niya ang tatlong nilalang sa kwarto at saka nagpatuloy.
"Nakuha ko ito sa CR ng mga babae sa theatre. Hindi ko alam kung sino ang may-ari n'yan. Kasi nang pumasok ako sa cubicle, wala pa 'yan doon sa lavatory. Tapos nang lumabas ako, nakita ko na yan doon sa lavatory sa tapat mismo ng cubicle ko. Akala ko kasi naiwan nang babaeng gumamit din ng CR ng time na iyon. I think, dalawa lang kami nang oras na iyon ang tao sa CR."
"Nang lumabas ako ng CR hindi ko na nakita ang may-ari. Nagtanong-tanong ako sa mga estudyante na nasa paligid, hindi daw sa kanila at hindi nila masyadong napansin kung sino ang kasabay ko sa CR. I tried to open it but it's not working.
"Naisip ko na baka naman kasi laruan lang yan o hindi na kasi gumagana kaya iniwan na lang basta ng may-ari. Nagkataon pa na male-late na ako nang oras na iyon sa trabaho kaya hinagis ko na lang sa kung saan 'yan."
Napatango si Khalid at nagkatinginan sila ni Simon ng makahulugan. Tulad ng inaasahan, imposibleng si Santa ang salarin.
At ngayon ay alam na niya kung bakit wala silang makita na video ng tunay na salarin at tanging kay Santa lang ang nakalap nila. Iniwan ng salarin ang cellphone nito sa CR ng mga babae at normal na walang CCTV sa lugar na iyon. Kaya nakita nila na basta tumakbo na lang ang dalaga papalayo ay dahil mahuhuli na ito sa trabaho.
"Ito ba ang dahilan kung bakit nasabi ni Simon na ako ang suspect?" kinakabahan na tanong ni Santa.
"Actually, hindi ka naman suspect. Tatanungin lang talaga kita kung saan mo nakuha ang cellphone, saka para makadalaw ka na rin dito kay Angel," sagot ni Khalid.
Nakahinga ng maluwag ang dalaga. Akala niya ay pinagdududahan na siya nito. Pinukulan niya ng masamang tingin si Simon. Sinisisi niya talaga ang lalaki kung bakit siya natakot at kinabahan. Kung anu-ano kasi ang sinasabi nito na nakadagdag sa kaba niya.
"Ano? Kung makatingin ka sa 'kin parang may gusto kang ipahiwatig ah."
Halos lumaki ang ilong ni Santa. "Kung bantaan mo kasi ako, parang may ginawa akong masama!"
"Kahit bantaan pa kita o kaya ay titigan pa kita ng masama sa mata hanggang sa lumuwa ang mata mo, kung wala kang ginawang masama, hindi ka dapat kabahan," agad na buwelta ni Simon.
"Nakakatakot kasi ang pagmumukha mo, kahit tiyanak matatakot sa'yo," banat ng dalaga.
"Pero hindi ka naman natakot. Para ka nga'ng amasona!"
Napahugot na lang ng hangin si Angel at hinilot ang sentido. Inutusan niya si Simon na ihatid na si Santa sa school para makahabol ito sa klase nito.
"Nahihilo ako lalo sa away ninyo, mabuti pa ay magkita na lang tayo sa dorm kapag nakabalik na ako," hiling niya kay Santa.
Sumunod na lang ang dalawa kay Angel.
"Magkita tayo mamayang hapon," bilin ni Khalid sa pinsan nito bago ito tuluyan na umalis. Kailangan pa nilang ipagpatuloy ang imbestigasyon. Ngayon na hindi sila sigurado sa salarin, hindi nila alam kung paikot-ikot ang tao na iyon sa school at nag-aabang ng bagong aatakihin. Posible rin na balikan muli nito si Angel.
"Alright," saad ni Simon kahit nakasimangot. Napapagod na rin ito sa mga utos ni Khalid.
Nagbabangayan pa rin ang dalawa hanggang sa pintuan. Kulang na lang ay magkasakitan ang mga ito ng pisikal. Napapailing na lang si Angel ngunit natahimik din agad.
Naiwan sila ni Khalid sa loob ng kwarto. Humugot ito ng hangin dahil parang may anghel na dumaan sa pagitan nilang dalawa.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Khalid.
"Nahihilo pa ako," simpleng sagot sagot niya.
Tinulungan siya nito na mahiga ng maayos sa kama.
"May gusto ka bang kainin?" tanong nito sa kanya. Umiling siya.
"I will take care of you in three days kaya sana pagtiyagaan mo na lang ang pagmumukha ko sa loob ng tatlong araw," anito.
Pansin naman niya na bumabawi talaga ito kaya tatapusin na niya ang pagtatampo niya sa binata. "Khalid, Thank you."
Nabigla ito na may plano na siya na kausapin ito.
"Salamat sa pagdala dito kay Santa. Alam ko na gusto mo talaga na makabawi sa akin. Nagulat din ako na gumagawa ka na ng paraan para hanapin ang salarin. Kung sakali ba na tuluyan ako na nalason --"
"Stop it! We will not talk about the what ifs."
Ayaw nito na isipin ang resulta kung sakali na hindi siya nakaligtas. Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon hinalikan. "I am doing my best to protect you. I will not let that happen."
…..
PAIKOT-IKOT si Muriel sa kwarto niya at hindi siya mapakali. Nang nagdaang gabi ay hinayaan siya ni Khalid na umuwi nang mag-isa, ngayong umaga naman ay ayaw nitong sagutin ang tawag niya. Hindi na siya mapalagay.
Para siyang mababaliw. Nilingon niya ang standee ni Khalid na nasa gilid. "Ayaw mo na ba sa akin? Si Angel Jang na ba ang gusto mo?"
Bahagyang nagluha ang mata niya habang yakap niya ang standee. Sa isip niya ay hinaplos daw nito ang kanyang ulo at niyakap siya ng mahigpit.
"Khalid Baby, ano ang gagawin ko? Hindi ko hahayaan na makuha ka ng iba sa akin." napahikbi pa siya habang inaalala kung paano nito niyakap si Angel Jang sa hospital bed. Tila tinatarak ng patalim ang dibdib niya habang inaalala ang pangyayaring iyon.
Binabalot ng kadiliman at kalungkutan ang kwarto ni Muriel.
*ring ring*
Gumulat sa kanya ang ring ng cellphone. Nagmadali pa siya na kunin iyon sa pagbabakasalakali na binalikan ni Khalid ang tawag niya. Ngunit nadismaya lang siya nang makita na ang PA niya ang nasa kabilang linya.
Inis na sinagot niya ang tawag nito. "Hello!"
Nabigla naman ito sa kabilang linya. Kinabahan ito dahil halata nito na bad mood siya. "M-muriel…"
"Ano?! Anong problema mo?" tanong niya dito.
"M-may show ka mamayang hapon. Ipapaalam ko lang na susunduin ka namin ng tanghali."sabi nito sa kabilang linya.
"Fine! Puntahan mo na lang ako sa school!" inis na sagot niya dito bago niya ito pinatayan ng tawag. Hindi pa man niya nailalapag ang cellphone nang mag-ring muli iyon.
Tinawagan siya ni Alvin. Halos ikutan niya ng mata ang cellphone matapos makita ang pangalan nito sa screen. Naitanong niya tuloy kung ano ba ang mayroon at bakit siya kinukulit ng mga hindi naman mahalagang tao.
"Hello Alvin."
"Hello, papasok ka ba?" tanong nito sa kabilang linya.
"Oo, papunta na ako sa school."
"Sumabay ka na sa akin."
Lalong umikot ang mata niya sa narinig. "Sorry, pero busy ako."
"gano'n ba? Mamayang hapon i-try natin 'yung 'Unicorn cafe'" Isang kainan ang tinutukoy nito sa kabilang linya.
"Sorry may show kasi ako na pupuntahan." Hindi niya na mapigil pa ang inis niya dito.
"Okay, sa susunod na lang. Susunduin na lang kita kapag nakatapos ka na. Ako na ang maghahatid sa iyo sa bahay n'yo."
"Alvin, are you dumb?" inis na tanong niya dito. Hindi ba ito makahalata na ayaw niyang makita o makausap man lang ito?
Nabigla ito sa inakto niya. "What do you mean?"
"That's what I mean. You are being dumb for asking too many things. Can't you tell that I don't like you? Bye!" pinutol na niya ang linya dito.
Naiinis na siya sa nagaganap. Nilingon niya muli ang standee. Kailangan niyang makagawa ng paraan para makuha ang atensyon ni Khalid.
…..
MAKALIPAS ang tatlong araw na pananatili sa ospital ay pinayagan si Angel na makauwi ni Doc Christen. Ligtas na siya sa kapahamakan. Dapat nga ay nang nagdaang araw pa siya makakauwi ngunit hindi muna siya pinabalik ni Khalid para magkaroon siya ng sapat na pahinga.
Hindi naman siya pinayagan ni Khalid na bumalik sa dorm dahil mas safe siya sa bahay nito. Aayaw sana siya ngunit pinilit siya nito na manatili sa White Castle. Hindi pa kasi nito nahuhuli ang salarin.
Bumalik din sa Korea ang magulang niya matapos masiguro na ayos na ang lagay niya.
Bumalik ang sigla niya dahil nakakasama niya ang mahahalagang tao sa buhay niya sa loob ng mga araw ng pananatili niya sa ospital.
Hindi siya iniwan ni Khalid sa loob ng tatlong araw na pananatili niya doon. Nagsasawa na nga siya sa mukha nito kahit pa nga nag-aaral ito ng online courses habang binabantayan siya.
Araw-araw din siyang may dalaw sa ospital. Kung hindi si Xia, ang chipmunks at ang magulang niya. May mga dumalaw na rin na miyembro ng Drama club, kahit ang Dean ng school ay kinamusta siya.
Pansin niya na tumamlay si Alvin tuwing dadalaw ito sa kanya. Hindi naman ito nagsasabi kung ano ang dahilan ng kalungkutan nito. Para malibang ito habang kasama niya, nakikipaglaban siya dito ng video games. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi rin siya naboring sa ospital.
Samantala, nakakuha ng lead si Khalid at Simon matapos makausap si Santa. Nakita nila ang kasabay ng dalaga na pumasok sa palikuran ng mga babae mula sa mga CCTVs na nasa malapit sa ladies room.
Ngunit naka-mask ito ng kulay pink at nakasumbrero na may 'X' na marka sa gitnang bahagi. Kaya naman nahirapan na naman sila na hanapin ang salarin. Ngunit mas nabigla siya na makita ang mga gamit na iyon sa dorm ni Angel!
Nagpasama si Angel kay Khalid na samahan siya na kumuha ng gamit sa dorm. "May mga personal ako na kukunin doon," ito ang katwiran ng dalaga kahit pa nga ayaw siyang payagan ni Khalid na lumabas.
Sinamahan siya nito hanggang sa tapat ng unit niya. Hinayaan niya na nakabukas ang pintuan ng kwarto niya at iniwan si Khalid sa hallway. Pagpasok niya sa kwarto ay inayos niya agad ang mga gamit na dadalhin sa white castle. Inabot siya ng ilang minuto kakaisip sa mga gamit na dadalhin.
Hindi niya alam kung ilang linggo siyang mamamalagi sa bahay nito.
Ilang minuto ang lumipas at naiinip na si Khalid sa kanya kaya pumasok na ito sa loob ng kwarto ngunit pumukaw sa atensyon nito ang white cap na may 'X' mark at pink na face mask sa ibabaw ng computer table ni Angel. Ang gamit ng salarin!
Seryoso si Khalid na nilapitan ang pink na face mask at puting sumbrero.
"Angel Jang, sa 'yo ba ito?" Tinuro niya lang ang dalawang bagay.
Nakakunot ang noo ni Angel na nilingon si Khalid. Tumayo siya at nilapitan ito. "These are not mine."
Hahawakan niya sana ang mga bagay ngunit pinigilan siya ni Khalid.
"Don't touch them. I need them for my investigation. Paano ito nakarating dito sa kwarto mo?" tanong ni Khalid. Naghanap ito ng supot saka inilagay ang dalawang bagay sa loob n'on nang hindi nito hinahawakan ang mga bagay na iyon.
"I don't know, I think someone put it in when they brought me to the hospital."