MALALIM na nag-iisip si Khalid habang naroon sa loob ng opisina sa white castle. Pinatawag niya ang triplets sa bahay nila para kausapin ang mga ito.
He was a bit disappointed about himself. Inabot na kasi nang ilang araw at hindi pa niya nakikita ang salarin sa likod ng pagkakalason ni Angel Jang.
Sunod-sunod ang tatlo na pumasok sa loob ng opisina.
"What is it?" bungad ni Simon.
Inilabas ni Khalid ang supot na naglalaman ng sumbrero at pink na mask. "Theodore, I want you to work on this. Humingi ka ng tulong kay Tita Christen para masuri ang finger print nito."
Agad na nakilala naman ni Simon ang mga gamit sa loob ng supot.
"Wait! Hindi ba iyan 'yung ginamit at suot ng salarin na nakita natin sa CCTV?" tanong nito. Tumango siya.
"That's right! Ang dalawang ito nga ang ginamit ng salarin kaya hindi natin siya masyadong makilala sa CCTV. But you know where I found these?"
Naghihintay naman ang tatlo sa susunod na sasabihin niya. "Sa dorm ni Angel."
"Ha?!" Napatayo si Simon at halatang nagulat ito kung saan niya y'yon natagpuan. Wala namang maintindihan ang mga kapatid nito dahil wala itong ideya sa imbestigasyon nilang dalawa.
Ipinaliwanag ni Khalid sa dalawa pa niyang pinsan kung ano ang nagaganap para hindi na ito magtanong pa.
"Remember that this is confidential. Wala kayong sasabihan sa kahit kanino."
"Alvin, I want you to check on CCTV footage nang araw na dinala si Angel sa ospital. I want to know kung sino ang mga pumasok sa kwarto ni Angel."
"I need answers as soon as possible dahil nagtatago sa dilim ang salarin. We never know. We can't tell na baka may estudyante pa na susunod na biktima kay Angel. We have to do something about it."
"Okay. Pupuntahan ko si Tita Christen para humingi ng tulong," saad ni Theodore.
Wala namang marinig na sagot o kahit na anong salita mula kay Alvin na pinagtaka ng dalawang kapatid nito at ni Khalid.
"Are you okay, Alvin?" tanong ni Simon dito.
Humugot ng malalim na hangin ang kapatid nito. Nakatingin lang ito sa sahig at patang pasan ang mundo. "Bigla kasi akong iniiwasan ni Muriel. She told me I'm dumb," malungkot na sagot nito.
"What?" Nanlalaki ang mata ni Theodore.
"Sobra naman yata siya doon!" Nagalit rin si Simon.
Bilang sabay-sabay na ipinanganak ang mga ito, sanay na ang tatlo sa presensya ng bawat isa. All for one, One for all ang laban ng tatlo sa buhay. Kaya naman hindi matanggap ng dalawa ang sinabi na iyon ni Muriel.
Takang-taka naman si Khalid dahil nakausap niya pa ang babae kamakailan lang at ang sabi pa nito ay plano nito na magtapat kay Alvin na nagkakagusto ito sa pinsan niya. He thought everything between them was fine. Akala pa nga niya noon ay magnobyo na ang dalawa.
Hindi na lang siya nagsalita dahil baka lalo lang umasa ang pinsan niya sa babae. Kahit siya ay hindi matitiis na sabihan ng gano'ng salita kaya nasaktan siya para kay Alvin.
Inakbayan si Alvin ng dalawang kapatid nito. "Bro, we will drink after this. Okay? Don't worry, there are plenty of nice girls in the sea," ani Simon sa kapatid.
"Mag-move on ka na! Hindi ko na siya kakausapin simula ngayon," sagot naman ni Theodore.
"I know. Mabuti na nga lang at inaaliw ako ni Angel."
"That's good. Balitaan n'yo ako sa progress okay. I need an answer as soon as possible." Huling bilin ni Khalid.
.....
NAIWAN si Khalid at Simon sa kwarto para aralin ang problema sa Japan. May banta kasi sa Hantataiga, ang terorista na gumagawa ng time bomb.
May plano ang grupo na iyon na sirain ang Matsui sa Japan kaya naman busy ang mga Japanese na kamag-anak ni Khalid na nakatira at nananatili sa bansang iyon. Si Cally ang personal na pumunta sa Kyoto para ayusin ang problema. Naiwan ang Mommy niya sa UK dahil kailangan nitong protektahan ang dalawa pa niyang kapatid.
Alam niya na napapagod na ang pinsan niya sa dami ng trabaho nila kaya naman hinayaan niya ito na manatili muna sa White Castle.
Inabot yata sila na ilang oras sa loob ng opisina bago makarinig ng katok mula sa pintuan. Bumukas din naman iyon at lumitaw ang maliit na bulto ni Angel Jang.
"Hello Boys! Nasaan 'yung dalawa? Nagluto ako ng hapunan. Let's eat," ani Angel.
Sinara ni Khalid ang laptop niya saka tumayo mula sa swivel chair. Para bang tinapos na niya ang trabaho kahit gaano pa kahalaga iyon. Nilapitan niya ang dalaga na nananatili sa pintuan.
"Ayos ka na ba? Naayos mo na ang gamit mo sa itaas?" tanong niya sa dalaga.
Bahagya namang kinabahan si Angel dahil sa lapit ni Khalid sa kanya. Tumango siya.
"H'wag kang babalik sa dorm nang walang kasama, okay? Mas maganda pala kung huwag ka na munang bumalik doon. Sa school naman, much better na nasa mataong lugar ka palagi," bilin ni Khalid. Babalik na kasi sa klase si Angel kinabukasan.
"Pwede bang mamaya na 'yan? Pakainin n'yo muna ako, para makapagpahinga na rin ako." Narinig nilang reklamo ni Simon.
Sabay silang napahiya dito.
"Call your brothers," ang bilin niya dito bago tumalikod.
Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya na makakasama ang lalaki araw-araw sa bahay na iyon.
…..
"GEL, your food was... Amaaaazing…" puri ni Theodore na nakabalik na sa white castle.
Napangiti siya dito. Sa tatlong magkakapatid, si Theodore ang mahilig sa pagkain. Hindi lang ito gaanong tabain dahil mahilig din mag-exercise ang lalaki. Kapag nagkaroon ng kaunting laman ang katawan nito ay agad itong humihinto sa pagkain ng fats at cholesterol.
"Salamat." Puro filipino food ang hinanda niya at nagpatulong siya kay Xia para makapagluto ng masarap.
"By the way, where is Alvin?" usisa niya dito. Nilingon niya si Simon at isang pagkibit-balikat ang isinagot nito sa kanya kasabay ng - "Well, I don't know."
Sinimangutan niya ito. "Sabi ko sa'yo, tawagan mo siya."
"I did, okay. kaya lang ay hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw niyang sagutin. Samantalang sa ladies dorm sa LIU lang naman siya nagpunta."
"Ladies dorm?" Napaisip siya kung ano ang ginagawa doon ni Alvin.
"Iniimbestigahan namin kung sino ang lumason sa'yo para magkaroon ako ng magandang sagot sa Daddy mo," sagot ni Khalid. Seryoso itong nakatingin sa kanya.
Napaisip naman si Angel. Curious din siya kung sino ang salarin dahil ayon kay Doc Christen. Nabibili sa market ang droga at malabong gawa iyon ng Yakult na ininom niya.
"Tirhan na lang natin siya ng pagkain." mungkahi ni Theodore.
"Okay. Medyo malungkot kasi siya these past few days kaya medyo nag-aalala ako sa kanya."
Sumimangot ang magkapatid. "Because of that girl, Muriel. Haay naiinis talaga ako sa kanya, sabihan ba naman niya si Alvin na bobo. Masyado siyang nagmamaganda. Hmp!" inis na saad ni Theodore.
Hindi niya alam ang magiging reaksyon sa sinabi nito. Noon pa man kasi ay hindi na niya gusto si Muriel. Nabastos na nga nito nang minsan si Alvin, noong araw na ang pasalamatan nito ay si Khalid sa pagpasok nito sa White Castle at hindi ang una.
"H'wag na natin silang pag-usapan. Let's eat na lang muna," sa halip ay sabi niya.
.....
NASAAN nga ba si Alvin sa mga oras na iyon?
Nagtungo si Alvin sa Ladies Dorm para kausapin ang security doon matapos siyang utusan ni Khalid na asikasuhin ang CCTV footage sa hallway kung saan naroon ang kwarto ni Angel. Nasa bungad lang naman ang opisina ng Admin, katabi ng gate kaya hindi na siya mahihirapan na pumasok pa sa loob ng compound ng Ladies Dorm.
"Hihingin ko ang footage nang araw na dinala ang kaibigan ko na si Angel Jang sa ospital," hiling niya sa Admin office.
"We need approval from the Dean," saad ng Head Mistress.
"Okay," sagot niya dito.
Tinawagan niya ang Dean para humingi ng pabor dito. Ilang minuto lang siyang naghintay at dumating rin naman ito sa Ladies Dormitory.
Nakakunot ang noo ng mga estudyante habang nakatingin sa kanya. Agaw-pansin siya sa lugar ng mga kababaihan lalo na at kasama niya ang Dean.
Nabigla ang Head Mistress ng Ladies Dorm dahil personal na nagpunta ang Dean para tulungan si Alvin. Ang hindi nito alam, importante sa Dean at sa school ang kaso ni Angel.
Sinamahan sila nito sa ikalawang palapag ng opisina kung saan naroon ang mga computers. Sumama ang Dean sa kanya dahil curious ito sa kailangan niya.
"Please play the scene sa araw na dinala si Angel Jang sa Ospital." Hiling niya sa tech guy na nagbabantay doon.
May mga pinindot ito sa keyboard. Nagplay ang video alas tres ng madaling araw kung kailan dinala si Angel Jang sa ospital.
Kita nila na kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Angel ang admin na kasama ang nurse. Nakakuha ng atensyon ang mga ito kaya nagsipagbukasan ang pintuan ng iba pang estudyante na nasa parehas na palapag ng kwarto ni Angel. Dumungaw ang mga ito mula sa pintuan.
Hindi na niya masyado pang nakita ang mga naganap dahil ilang saglit pa ay kumapal ang mga estudyante sa tapat ng kwarto ni Angel.
Isang babae ang pumukaw sa atensyon ni Alvin. "Stop!"
Nakakunot ang noo na hininto ng tech guy ang video. Nakakunot din ang noo ni Alvin dahil umakyat sa palapag na iyon si Muriel. Kilala niya ang babae kahit nakatalikod pa ito sa pwesto ng camera.
Ang bulto nito, ang haba ng buhok nito kahit pa nga nakasuot ito ng sumbrero. Nakasimpleng blusa lang din ito na may nakapatong na jacket. Nagtataka naman si Alvin kung paanong nakapasok doon ang babae sa oras ng alas tres ng madaling-araw.
Ang alam niya kasi ay wala naman itong kwarto sa ladies dorm kaya nga araw-araw itong umuuwi sa bahay.
"Continue to play," saad niya.
Ilang saglit pa ay karga na si Angel ng dalawang estudyante. Hindi naman nahirapan ang mga ito dahil maliit lang ang dalaga. Idagdag pa ang kagustuhan ng mga estudyante na madala siya sa ospital.
Nakasunod ang mga estudyante kay Angel. Ang iba naman ay naiwan sa hallway na halatang pinag-usapan ang mga naganap sa kwarto ng dalaga.
Kita niya muli si Muriel na nakasunod pababa. Nang lumuwag ang tapat ng kwarto ni Angel, lumitaw sa paningin nila ang puti at isang pink na hindi masyadong mamukhaan na naiwan sa pintuan ng kwarto nito.
Ngunit alam ni Alvin na ang mga iyon ang inutos ni Khalid kay Theodore na ipasuri sa Tita Christen nila.
May estudyante na lumapit sa kwarto ni Angel Jang nang mapansin nito ang mga bagay na naiwan sa lapag. Dinampot nito iyon at pumasok sa kwarto ng dalaga.
Sa palagay niya ay inisip nito na ang may-ari ng mga iyon ay si Angel.
"Play again the scene kung kailan isa-isang nagsipaglapitan ang mga estudyante sa kwarto," hiling niya sa tech guy.
Inulit nito iyon hanggang sa ipasok muli ng estudyante ang mga gamit sa kwarto ni Angel.
Sa lahat ng mga estudyante sa napanood, alam ni Alvin sa sarili na si Muriel ang kahina-hinala. Ano ang gagawin niya ngayon matapos mapanood ang lahat.
"Send me a copy of that video to me and… no one else, just me."
Tumango lang ito.
"Dean, Thanks for helping!"
"No problem. Sana ay mahuli na ang salarin."
Hindi na naintindihan pa iyon ni Alvin dahil lumilipad ang isip niya.