ANO nga ba ang nasa isipan ni Angel kaya niya nagawang lumuhod at hinayaan ang sarili na tingnan nang pailalim ng mga shareholders? It's because she's guilty. Sinisisi niya rin ang sarili niya sa pagkakaroon ng sakit ni Mikko. Imbes na tulungan ang pamilya niya ay nagawa niya pang tumakas at magtago sa ibang probinsya. Hindi niya rin natiis nang sabihin ni Gavin na may kasunduan ang pamilya niya sa pamilya nito. Sa totoo lang ay ang lalaki ang isa sa mga malaking hamon niya sa buhay ngayon. Naiiyak siya dahil hindi niya kayang protektahan ang kumpanya. Kailangan niya pa ng isang katulad ni Khalid. Nagluluha ang mata niya habang nakayuko. Nabigla na lang siya nang bitbitin siya ng binata patungo sa katabing lounge. Basta siya nito inihagis sa couch na halatang galit talaga ito. Mas lalo

