NASA labas ng kwarto si Khalid nang lumabas si Kate at ang isa pang may-edad na babae mula sa loob ng lounge kaya siya nagtaka kung ano ang mayroon sa loob. "Where is Miss Jang?" tanong niya sa babae. "She's inside with Master Gavin," sagot nito. Mabilis na nag-init ang ulo niya. Papasok na sana siya sa loob nang pigilan siya ni Kate. "Master Khalid, just trust Ms. Angel." Kahit nag-atubili ay sinunod niya ang babae. Kinalma niya ang sarili na umupo muli sa sofa. Sigurado naman siya na hindi makakaalis ang lalaki doon kung sakali na may gawin ito kay Angel. Tinawagan niya si Theodore. Sumagot naman ito makalipas ang ilang saglit. "Hello!" "Makukuha mo ba ang kopya ng kontrata ng pamilya ni Angel sa mga Yong?" "Contract?" pag-uulit nito. "Yes." "I'm a law abiding citizen. Makakasuh

