SA LUGAR ni Christen at Theodore… Alas otso ng gabi. Nakatakda ang pagligtas nila kay Kai at Bella sa araw at oras na iyon. Sampung dark guard ang kasama nila para ilabas ang mag-asawa sa loob ng ospital. "GWA5, what's the situation?" tanong ni Theodore. Katabi nito si Christen sa sasakyan. "Umalis na ang isa. Dalawa ang naiwan sa hallway," rinig nila mula sa radyo. Ito ang nagbabantay ng CCTV. Nauna na ito sa loob at kasalukuyan na nagmamaniobra ng seguridad sa buong ospital. Kita nito ang lahat ng nangyayari sa kahit anong pasilyo sa ospital na iyon. Lumingon si Theodore sa doktora. "It's time." Tumango si Christen saka lumabas ng sasakyan. Binalot agad siya ng hamog. Hindi niya alam kung gaano kalamig sa lugar. Pero halos mamanhid ang mga buto niya sa lamig. Malapit na naman kasi

