NAGTATAKBUHAN ang mga tao dahil sa bombang sumabog. Hindi alam kung saan tutungo makalabas lang sa gusali na iyon. Kinakabahan si Theodore. Ito ang isa sa mga kinatatakutan niya, ang mapunta sa wala ang pagligtas nila sa mag-asawang Jang. Idiniin niya ang mga labi habang tumatakbo. Nasa gitna pa lang siya ay binabalot na ng apoy ang daan patungo sa back door. "Guards, is MB5, okay?" tanong niya muli. Hindi niya alam kung saan pupunta palabas sa kinatatayuan niya. "Saan ang daan palabas? Anyone, answer me!" Nasa ganoon siya nang maramdaman na may bomba muli na sumabog sa ibang parte naman ng ospital. He cursed. Wala na yatang plano ang tadhana na paalisin siya roon. Mukhang guguho na nang tuluyan ang gusali. Napalingon na lang siya nang gumalaw ang pader sa gilid niya at babagsak iyon na

