NANATILI si Angel at Khalid sa bahay ng dalaga sa loob nang mahigit isang buwan. Ang pinsan ng lalaki na si Alvin ang namamalakad ngayon sa opisina ng Chen-Jang Corp. Nagpupunta ito sa bahay niya para makipag-brainstorming sa kanya minsan o kaya naman ay si Khalid ang tumutungo sa opisina kapag may mga importanteng gagawin. Ipinagpasalamat niya at may mga taong tulad ng dalawang lalaki na tapat na tumutulong sa kanya. Inaasikaso rin ni Khalid ang iba pa nitong business na hindi nito maiwasan kahit pa nagsabi sa kanya ang lalaki na sasamahan siya nito palagi. Nang araw na iyon ay naroon sa Busan si Khalid para asikasuhin ang ilang cruise ship nito sa probinsiya. May tatlong araw na itong malayo sa kanya dahil nanatili lang siya sa bahay ng mga Jang. Hindi kasi siya pwedeng umalis dahil m

