SA ARAW na iyon ay nakabalik si Khalid at Angel sa chicken house ni Mr. Kim. Nabigla pa ito sa biglaan nilang pagdating. Sinabi nito na dumoble ang kumakain sa restaurant nito sa loob ng tatlong araw. Pansin naman nila na busy ang mga kasama ni Angel kumpara sa nakaraan. "I will help Manager." Hindi na naghintay pa si Angel ng sagot mula dito at nagtungo na lang sa counter para magsuot ng pulang apron, para mag-asikaso sa mga customers na mga bagong pasok sa loob. Nakikiramdam naman si Khalid. Iniikot niya ang paningin sa loob ng maingay na tindahan. May nagpapacute pa sa kanya na customer. "You," tawag sa kanya ni Mr. Kim. "Bring this outside to get more customers." Napatitig na lang siya sa isang kwadradong placard na ipinahawak sa kanya saka ito umalis sa harapan niya dahil may kail

