WEEKEND. Umaambon sa buong siyudad. Patungo si Angel at Khalid sa bagong bahay na nabili ng huli. Nais din niyang malaman kung ano na ang hitsura ng bagong tirahan nito, ang berdeng bahay sa tapat ng bahay ni Hyoyeon. Hindi na ginugulo pa ang babae ng mga loan sharks dahil nakulong ang mga lalaki dalawang araw lang matapos ang huling panggugulo ng mga ito. Kahit hindi aminin ni Khalid, alam niyang may kinalaman ito sa nangyari. "Sigurado ka ba na hindi ka na muna babalik sa Pilipinas o kaya ay magpunta sa UK para asikasuhin ang business mo?" tanong niya sa binata habang nasa loob sila ng itim na maserati. Nilingon siya nito. "Bonsai, ayaw mo na ba na manatili ako dito?" Napakamot siya sa ulo. "Hindi naman sa gano'n. Kaya lang ay ayoko kasi na matali ka dito. Mas maraming tao ang nangan

