HINDI maipaliwanag ni Angel ang mararamdaman niya ngayon na kaharap niya si Khalid. Parang tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa ngayon na magkaharap sila. His eyes were fixed on her. Pansin niya na namumula ang mata nito na halatang galing ito sa pag-iyak. Nais niyang magsalita at itanong kung may problema ba ito ngunit walang kahit na ano mang kataga ang lumabas sa labi niya at gano'n din ang lalaki. "Master Khalid, You're here!" Sabay silang napalingon sa babaeng tumawag, ang seksing babae na una niyang nakita sa palapag na iyon o kilala bilang Zoila ng mga katrabaho nito. Ilang segundo lang at lumabas si Marina na may hawak na folder. "Master Khalid, dumating ka rin sa wakas! All of them are in the meeting room and waiting for us," anito. Humakbang si Khalid palabas ng elevator

