CHAPTER 33 - See her again

1731 Words
KHALID couldn't explain his feelings looking at Angel's tired face. Hindi na napigilan ng dalaga na makatulog sa isang bus station. Namula ang mata niya habang iniisa-isa ang bawat parte ng mukha nito. Her face was still Angel Jang, the face he wasn't able to forget. Isang simpleng jeans at blusa lang ang suot nito. "Dasom-shi!" narinig niyang tawag ng babae na tumatakbo patungo sa bus station. Napalingon siya sa babae na nasa edad trenta na. Nakita din niya ang bus na paparating. Nakita niya na ngumiwi ang dalaga kaya mabilis siyang nagtago sa likod ng haligi ng istasyon sa kabilang panig. "Dasom-shi, your bus is here," narinig ni Khalid mula sa pinagtataguan. "Oh! Thanks! It's been a long day for me. I have to go." "Here's a chicken, take this home," narinig niya mula sa babae pati na ang pagtigil ng bus. Tumatakbo naman si Marina at ang dark guard na kasama patungo sa gawi niya. Tumalikod si Khalid sa gawi ng kalsada nang umandar ang bus papalayo. Bumahid ang lungkot sa mukha ni Khalid bago nilingon ang papalayong bus kung saan sakay si Angel. "Follow that bus," hiling niya sa mga kasama. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa sasakyan na ilang metro na nakatigil mula sa bus station. Naguluhan naman si Marina. Pumasok siya sa loob ng kotse at hiniling na sundan ang bus na nauuna sa kalsada. "Master…" halatang nagpipigil si Marina na sabihin na importante ang schedule nila sa araw na iyon. Inunahan na niya ito, "tell them that we will be late." "Okay," tanging naging sagot ni Marina. "Master Khalid, is that Angel Jang?" tanong ng Dark Guard na kasama, Noah ang pangalan. "Don't tell anyone," simpleng sagot niya. Sinundan ng kotse nila ang bus, kada hinto nito sa bus station ay sinisilip ni Khalid kung bumaba na ba si Angel. Hanggang sa makarating sila malapit sa port area kung saan nila nakita na bumaba ang dalaga. Sinundan nila ito hanggang sa pumasok ang dalaga sa loob ng isang 24 hours convenience store. Lumabas si Khalid ng sasakyan at hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Halo-halo ang emosyon niya; sakit, pagkabigla, saya na muling makita ang dalaga at pagkaawa dito. "Master Khalid, t-this meeting is important, please…" nahihirapan na si Marina kung paano siya aayain na magtungo sa kailangan nilang puntahan. "I want to stay," saad niya. "Master, I will stay here on your behalf, ako na ang bahala na magbantay kay Miss Angel," saad ni Noah. Ayaw niyang pakinggan ang mga ito. Ayaw ni Khalid. Ayaw niyang umalis sa lugar na iyon. He's been missing her for years, how can he just leave like that? Sumesenyas si Marina sa kasamang dark guard at nakikiusap. Hinawakan siya sa braso ni Noah. "Master Khalid, ipinapangako ko na babantayan ko si Miss Angel," anito. Tumingin siya sa mukha nito na halatang seryoso ito sa sinabi. Walang nagawa si Khalid kung hindi ang sumunod sa lalaki. Bumalik siya sa sasakyan para magtungo sa business deal na iyon. Pangalan din naman kasi niya ang malalagay sa alanganin at alam niya na nag-aalala lang sa kanya ang lahat ng kasama. Nagpunta si Khalid sa isang bar kung saan kikitain ang kabusiness deal niya sa araw na iyon. Tamang lakas lang ang tugtog na pumapailanlang sa kabuuan ng bar. Pinatuloy siya sa kwarto. Kung saan naroon ang kausap. "I'm sorry, I'm late," aniya. "No problem, Master Khalid," sagot naman sa kanya ng isang trenta anyos na lalaki na bise-presidente ng kabilang kumpanya. "Let's start," utos niya. He wanted to completed the transaction as soon as possible para matapos na ang pakay niya doon at makaalis na. Hindi naman talaga doon ang main office ng J&L, nasa Seoul. Nagkataon lang na nagrerecruit sa kasalukuyan ang grupo sa lugar. Dadalhin ang mga trainess na mapipili sa Seoul. Ang role ni Khalid ay pumili ng mga miyembro na ipapasa sa final round dahil opisina ng MGM ang kukuha para sa bagong show. Ipapalabas ang mga buhay ng mga trainess mula sa pinakamababa hanggang sa pagsikat ng mga ito. Inaral ni Khalid ang kontrata ngunit pumapasok sa isip niya si Angel. Ipinilig niya ang ulo at pinilit na mag-focus sa transaksyon na iyon. Pinag-aaralan naman siya ng vice president ng kabilang kumpanya. Napangisi ito ng lihim saka ininom ang alak. Naintindihan naman ni Khalid ng mabuti ang lahat ng nakasulat kaya ibinalik niya dito ang papel matapos makapirma at ibinigay kay Marina ang lima pang kopya. "We are going," saad niya. "Master Khalid, why don't we enjoy the night? There are plenty of girls in this bar. We can have fun." "I'm a busy person. Sorry, let's do it another time. See you tomorrow." Hindi na niya ito pinansin pa. Kadarating niya lang ng hapon na iyon at gusto na agad siyang pagurin? Nang makalabas si Khalid sa gusali, hindi naman niya alam ngayon kung tutuloy pa sa convenience store. Bigla siyang natakot. "Let's go back to the hotel." Hahayaan na lang niya si Noah na magbantay kay Angel Jang. ….. KINABUKASAN, hindi napigilan ni Khalid na magtungo sa chicken house kung saan nagtatrabaho si Angel Jang. Ibinigay ni Noah sa kanya ang lahat ng impormasyon tungkol sa dalaga. Kung saan ito nakatira, kung ano ang mga ginagawa nito, ang pagtatrabaho nito sa chicken house at sa convenience store. Ang pagtira nito sa isang maliit na kwarto kung saan kasama nito ang dating tindera sa school nito sa siyudad na iyon. She graduated business course pero mas pinili nito na mag-isa at mamuhay ng simple. Nagsuot siya ng shades para hindi makilala at pumasok sa loob ng tindahan. Binati siya ng babae na nakita niya nang nagdaang araw. "Sit here, sir," anang babae sa diction nito. Hinanap niya ang dalaga at nakita na nakatalikod ito sa gawi niya, nililinis ang mesa. "Choose a food for me," hiling niya sa babae sa salitang koreano. Masaya itong tumango. Hindi niya tinanggal ang tingin sa dalaga. Just like yesterday, she's wearing simple jeans and a white blouse. Hindi niya alam kung hindi na ba siya nito namumukhaan o talagang wala itong pakialam sa paligid. Her face was as serious as blocking herself from everyone. Ilang saglit pa ay nabigla siya nang lumapit ito sa mesa niya. Halos hindi siya makahinga sa maliit na espasyo sa pagitan nila. Inilapag nito ang mga pagkain nang paisa-isa sa mesa niya. She's too focused on her job, not acknowledging his presence. Halos hindi nga siya nito nakikita. Walang nagsalita sa kanila. Tumayo ang dalawang customer at lumabas ng tindahan. Nagpasalamat ang dalaga tapos ay tinungo ang mesa kung saan galing ang dalawang kalalabas lang para punasan ang mesa. Hindi niya inalis ang tingin niya dito hanggang sa pumasok ito sa kitchen area. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Hindi niya maiwasan na maisip, kumakain ba sa tamang oras ang dalaga? Nahihirapan ba ito sa ginagawa nito? May limang minuto na ang nakalipas at hindi niya na nakita pa si Angel hanggang sa tawagan na lang siya ni Marina. "Master, I need your signatures here in the J & L office. And we have a meeting after an hour." Tahimik lang si Khalid. He is hesitating. Lumabas ang babae na nauna niyang nakausap. "Ma'am, may I ask where is the girl who served my food?" "Oh! She went out to deliver food," sagot nito. "Please pack my food," hiling niya dito. Ngumiti lang ito at dinala ang pagkain niya sa loob ng kitchen para ibalot. Tahimik naman si Marina sa kabilang linya. "I'm going back," saka niya pinutol ang tawag nito. Ibinigay naman sa kanya ng babaeng serbidora ang pagkain matapos niyang magbayad saka lumabas. Binigay niya sa driver ang pagkain para ito na ang kumain n'on. "Back to office," aniya. Nilakbay nila ang daan papunta sa opisina habang inaasikaso niya ang mga emails na natanggap. Napalingon siya sa screen kung saan ibinabalita ang pagdating niya nang nagdaang araw nang huminto ang sasakyan. Napailing na lang siya saka ipinagpatuloy ang trabaho sa maliit niyang notebook. "Ano ba ang problema nitong scooter sa unahan, ayaw pa umandar," narinig niyang reklamo ng driver saka binusinahan ang kung sino man na sakay ng scooter. "Malay mo may iniisip lang. H'wag mainit ang ulo, drive lang," saad naman ni Noah. Ilang saglit pa ay nasa tapat na sila ng gusali. May tumawag kay Khalid, ang Tita Christen niya. "Tita Christen," sagot niya dito sa malungkot na boses. "I heard you are in Busan, nasabi sa akin ni Mikko," anang babae sa kabilang linya. "Yes." "You saw Angel?"  Hindi siya sumagot. "Khalid, nag-aalala ako sa kaligtasan niya. Crayon is doing his best para linisin ang pangalan ni Kai at malapit na nating magawa iyon. We need more evidence but we need more people too. Pakiusap, hanapin mo siya at pilitin mo siya na ibalik sa Seoul." "Gagawa po ako ng paraan." Inalala niya ang simpleng ayos ng dalaga. Ang walang buhay na mga mata nito kaya hindi niya napigilan na humikbi. "I don't know Tita Christen but I'm at loss… both of us are at loss and scared." Matapos ang matagal na panahon ay noon lang niya muling inilabas ang sama ng loob sa sarili. "I don't even know how to help her." Kung ang mga nakatatanda nga sa kanila ay walang nagawa, pa'no pa kaya siya? Matagal na natahimik ang babae sa kabilang linya. "Khalid, do you love Angel?" Hindi niya alam kung sikreto ang bagay na iyon o baka tahimik lang na nakikimasid ang pamilya niya kahit may alam ang mga ito. "Yes." "I want you to know na hindi pera ang problema ni Angel kung hindi kaibigan at kasama, kaya nga niya nagawang iwan ang mayroon siya at natagpuan niya ang sarili sa lugar na iyan. Are you willing to help, Khalid? Are you willing to give up everything to help her." Mabilis niya itong sinagot ng "yes". "Then, make her feel that you are willing," ang huling sabi nito bago naputol ang tawag. Kinuha niya ang tissue para punasan ang mga namuo niyang luha saka inayos ang sarili bago lumabas ng sasakyan. Magulo ang isip niya sa mga narinig mula kay Christen. Lumabas siya ng sasakyan at tinungo ang entrada ng gusali. Malalim ang nilalakad ng isipan niya habang lulan ng elevator. Paano ba niya kakausapin ang dalaga? Paano niya ito haharapin? Sasabihin niya ba na 'Angel, surprise! I'm here to get you.' Huminga siya nang malalim bago bumakas ang elevator. Ngunit hindi niya inaasahan na sa oras na iyon ay wala na siyang takas. Unti-unti na bumukas ang elevator at parang slow motion na sinalubong siya ng mga mata ng dalaga. Halatang natigilan din ito. Mabilis na kumabog ang dibdib niya dahil ilang talampakan lang ang layo nito. He knew at that moment, ibinigay sa kanya ng panginoon ang sagot sa tanong kung paano niya ito haharapin at kakausapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD