CHAPTER 32 - The waitress

2019 Words
SUMMER. 26 degree celsius in the city. Hindi naman ganoon kainit sa Busan kumpara sa bansang Pilipinas ngunit ramdam pa rin ni Angel Jang ang aligasgas ng pawis niya dahil sa maghapon na trabaho. What happened to Angel Jang in four years? Matapos niyang bumalik sa Korea apat na taon ang nakaraan dahil sa mabigat na sama ng loob sa naganap sa kanila ni Khalid, nagpunta siya sa siyudad na iyon, sa Busan. Itinuon niya ang lahat ng oras para sa pag-aaral sa Busan Exclusive School for Girls sa loob ng apat na taon. Nagkikita sila ng magulang niya tuwing pasko, new year o kaya naman tuwing kaarawan ng Mommy niya. She forgot about her birthday. Hindi na niya nagawa pang magcelebrate ng birthday niya sa loob ng apat na taon. Why would she if it's no longer the same? 6 months ago, she finished college. Ngunit hindi niya akalain na matapos ang pag-aaral niya ay susubukin siya ng tadhana. Bumalik siya sa kanila sa Seoul. Eksakto na nagkaroon ng problema ang Daddy niya na si Kai Jang nang kasuhan ito sa kasong tax evasion at nagtatago ng bilyong salapi na hindi deklarado sa assets nito. Makalipas ang dalawang buwan, bumagsak ang eroplano na sinasakyan ng magulang niya sa Africa sa biyahe ng mga ito mula sa America pabalik sa Seoul, Korea. Parang sunud-sunod ang mga trahedya na nangyari sa buhay niya matapos iyon. Hindi niya kinaya ang sakit sa muling pagkakataon kaya nagtago muli si Angel pabalik sa Busan. She felt safe in that city. Sa loob ng ilang buwan na pananatili sa lugar, nasanay na siya sa tahimik at simpleng buhay na mayroon siya ngayon. She's no longer the princess as she was once and used to be. Or mas tamang sabihin na siya mismo ang kusang umayaw sa buhay na mayroon siya dati. Para sa kanya, ano pa ang silbi ng isang kaharian at titolo ng prinsesa kung wala doon ang hari at reyna? She's now working in a chicken house as a waitress during daytime and at the 7-eleven during night.  She likes the simple life that's why she stayed in the city. Walang credit card, walang sinasandalan, walang aasahan kung hindi ang sarili. Hindi rin siya nalulungkot. Iniisip niya na nasa Seoul lang ang magulang. Marami naman ang gustong tumulong sa kanya. Ilang beses siyang pinabalik ng Uncle Mikko niya sa bahay. Ilang beses din siya siyang sinubukan na puntahan ni Christen para pakiusapan na doon muna siya sa poder nito. Pinilit siya ni Mikko nang maraming beses na magtrabaho sa opisina. Alam niyang gumagawa ng ito paraan para hanapin ang magulang niya na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan. Alam niya na marami itong problema kaya ayaw niyang dumagdag pa. Parehas na problema ng trabaho nito ang Main office sa Taiwan at ang iniwan ng Daddy niya doon sa Korea. Alam din niya na gumagawa ng paraan ang Dark Lords para hanapin ang magulang niya. Pero sa loob ng ilang buwan na hindi pa rin mahanap si Kai at Bella, malapit na siyang mawalan ng pag-asa. Malapit niya nang isipin na kinain ng dagat ang magulang niya. Tumanggi siya sa lahat kaya naman nagtago siya sa lungsod na iyon. She closed her doors against friends and family. Wala rin naman ang makakaintindi sa kanya ngayon. Sa totoo lang ay tumatakas siya sa reyalidad at natagpuan niya ang sarili sa simpleng pamumuhay. Sa oras na iyon, isang puting T-shirt lang at jeans na maluwag ang suot ni Angel na pinapatungan ng pulang apron. Nakapusod ang buhok niya na kinulayan ng light brown habang hinayaan ang bangs na maging malaya na tumatakip sa kanyang noo. "Dasom-shi, give this to the man outside, table 2. I will answer a phone call," saad ng kasama niya sa salitang Korean. Inabot sa kanya ang tray ng pagkain. Ngumiti lang siya ng simple dito. 'Dasom' ang tawag sa kanya ng mga kasama. "Here's your order, Sir," saad niya na inilapag paisa-isa ang mga pagkain sa mesa nito. May lumabas na dalawang customer na katatapos lang na kumain. Nagpasalamat siya dito. Sunod na mabilis niyang pinunasan ang table na iniwan ng dalawang magkasintahan. Mabilis ang mga pagkilos niya. Bumalik siya sa loob ng kitchen. "Dasom-shi, please deliver this to Jungang-ro. She's not a korean customer." inabot ng Manager sa kanya ang isang take-out na box. Inabot din nito sa kanya ang electronic machine kung saan natanggap ang order at ang address kung saan siya pupunta. Kapag gano'n kasi na hindi Koreans ang customer nila, madalas na siya ang humaharap sa mga ito. Siya lang kasi ang bukod tangi na multi-lingual sa mga kasama. "Got it!" Lumabas siya ng tindahan at tinungo ang scooter na nakaparada sa gilid ng tindahan. Naglagay siya ng helmet para sa proteksyon bago sumampa sa scooter. Nilakbay niya ang kahabaan ng kalsada. May ilang metro na ang nilalakbay niya nang huminto siya dahil sa red light. Sa isang malaking screen sa gilid ay ipinalabas ang pagdating ni Khalid sa bansa nang nagdaang araw. They will recruit new talents. Natigilan siya nang makita sa malaking screen ang seryosong mukha ng binata. Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa screen. Ilang taon na ba niyang hindi nakita si Khalid? Hindi na niya namalayan dahil pinilit niya na ring kalimutan. Pansin niya na malaki ang pinagbago nito. Parang bumagal ang mundo ni Angel Jang habang nakatingala sa screen para pag-aralan ang mukha ni Khalid. The pain was still there. Nawala sa isip niya na nasa gitna siya ng kalsada. Napaigtad lang siya nang binusinahan siya ng kotse sa likuran. Hindi niya namalayan na naka berde na pala ang stoplight. She continued driving hanggang sa makarating sa building ng customer na umorder. Nagpadala siya ng mensahe na naroon na siya sa ibaba ng gusali ngunit pinaakyat siya nito sa 7th floor. Bitbit ang mga supot ng mga pagkain ay wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang hiling ng customer nila. Isang magandang palapag ang bumungad sa kanya. May babae na nakasuot ng corporate attire ang dumaan. Balingkinitan ang katawan nito at makinis ang legs. "Hello, I'm looking for customer Marina," aniya. "Oh! You are the chicken girl," anito. Hindi na siya nagkomento pa kahit na masama pakinggan ang sinabi nito. "You can bring the food in that room. She was there." Itinuro nito ang pintuan ng isang kwarto. Nagpasalamat siya dito saka kumatok. Bumukas ang pintuan. "Oh! You're here! Come inside," anang babae. May bitbit itong mga folder. Binuksan ng malaki ang pintuan para papasukin siya sa loob. Binayaran siya nito thru electronic cash bago siya nagpaalam. Nagtitipa siya sa cellphone para ipaalam sa Boss niya na naipasok na ang bayad sa account ng chicken house habang naghihintay sa tapat ng elevator. Bumukas din naman iyon. Inangat niya ang paningin nang bahagya, ibinalik sa screen ng cellphone ngunit ibinalik muli sa taong papalabas ng elevator na parang nagulat, si Khalid. ….. "MASTER, we have notified the J&L Entertainment group," paliwanag sa kanya ni Marina, ang Head assistant niya bilang Account Executive sa business nila sa Busan. Kasalukuyan na kabababa pa lang ni Khalid ng eroplano. Bakas ang kaseryosohan sa mukha niya habang mabilis na naglalakad palabas ng airport. Nakapatong lang ang itim na trench coat sa balikat niya. Maayos na nakakabit ang kurbata sa kwelyuhan ng suot niyang puting long sleeve polo. Pansinin ang itim niyang leather shoes dahil sa kintab nito na kontra sa makintab at puting marble na sahig. Sinalubong ng nakasisilaw na liwanag ng araw si Khalid matapos niyang makalabas sa gusali ng airport. Hinubad niya ang coat at inabot kay Marina. Kasabay ng pagflash ng mga camera mula sa iba't-ibang panig. Tiningnan niya ng masama si Marina, nais niyang itanong sa babae kung bakit may mga reporters na naghihintay sa labas. Hindi na niya kailangan pang magsalita at magtanong ng verbal dahil alam niyang naintindihan ng babae ang nais niyang sabihin. "I-I'm sorry, Master mukhang ang chairman ng J&L Entertainment Group ang naglabas ng balita ng pagdating n'yo dito," bulong nito. Hindi na ito pinansin pa ni Khalid, diretso siyang naglakad patungo sa nakaparadang limousine ilang metro ang layo mula sa kanya. Nakasunod sa kanya ang isang Dark Guard na kasama mula pa sa ibang bansa. Pinigil naman ng mga gwardiya ang mga makulit na reporter sa paglapit sa kanya. Hindi naman kasi kataka-taka na makilala siya sa bansang iyon dahil sa MGM at sa Matsui Group. Kilala siya sa business at bilang anak ni Cally. Seryoso lang si Khalid na nakatingin sa labas ng bintana habang daan. He heard that Angel Jang is here, in that city. Sa loob ng apat na taon ay hindi sila nagkita ng dalaga. Ilang buwan ang nakaraan nang mabalitaan niya ang naganap sa mag-asawang Kai at Bella, ninais niya na puntahan ang dalaga sa bahay ng pamilya nito sa Seoul para samahan ito sa kalungkutan. Ngunit nahuli siya ng dating; nakaalis na naman si Angel papunta sa kung saan. Makalipas ang ilang araw, nabalitaan na lang niya na bumalik ito sa Busan. Nais niya sanang puntahan ang dalaga ngunit hindi niya alam kung paano ito kakausapin. Sinara na nito ng tuluyan ang pintuan nito dahilan para lalo siyang mag-alangan na lapitan ito. Para bang biglang nagkaroon sa kanila ng ilangan. Hindi niya alam kung paano ito haharapin matapos ang huling araw na pagkikita nila. Patuloy na pumapasok sa isipan niya ang mga luha nito nang huli silang mag-usap. "We're here, Master," pagbabalita ni Marina. Doon niya lang napansin na naroon na sila sa tapat ng isang gusali, sa hotel kung saan siya tutuloy ng isang linggo. Maayos siyang naihatid ni Marina hanggang sa presidential suite ng hotel na 'yon. Isang magarbong sala ang bumungad sa kanya nang mabuksan ang pintuan. "Master, we have a meeting at 7 in the evening tonight with J&L's Senior Vice President, Hyun Woo," anang babae. "Hmm…" simpleng sagot niya na hindi na ibinuka pa ang mga labi. Diretso na tinungo niya ang bintana. "We will pick you up at 6:30." Hindi na siya sumagot. Narinig na lang niya na nagsara ang pintuan. Naglalakbay ang isipan ni Khalid habang nakatingin sa labas ng floor-to-ceiling window. Kita niya ang kabuuan ng siyudad mula sa kinatatayuan. Sa laki ng lugar na iyon, makikita niya ba si Angel Jang? Pagtatagpuin ba sila ng tadhana? Hindi maiwasan na mamula ang mata niya. Bumalot ang kalungkutan sa mukha niya. Sa loob ng apat na taon, hindi siya masaya. Hindi siya makatulog nang maayos. Madalas siyang dalawin ng bangungot. Pakiramdam niya ay dinadalaw siya ni Kenjie sa panaginip. Gusto siya nitong paghigantihan. Iba ang pakiramdam niya sa pagtulog lalo na nang hindi na niya makasama pa sa pagtulog si Angel Jang. He's lonely and been missing her so much. Pumailanlang ang tunog ng cellphone niya sa bulsa. Nakita niya ang pangalan ni Simon. "Yes?" sagot niya dito. "I heard that you are in Busan." "Yes, I am."  "May zombies?" "I don't have time na makapagbolahan sa'yo, kailangan kong magpahinga," naiinis na saad niya. Tumikhim naman ito sa kabilang linya sa ka nagpatuloy, "I know kung bakit ka nagpunta d'yan." "I'm here for a business trip." Halatang hindi nito binili ang dahilan niya. "Ayaw mong alamin kung nasaan si Angel?" Matagal siyang natahimik. "Kung makikita ko ba siya, babalik siya sa akin?" Ito naman ang hindi nakasagot sa kabilang linya kaya nagpaalam na siya dito. Pumasok na lang si Khalid sa loob ng kwarto sa loob ng suite para magpahinga. …. SINUNDO siya ng babae at ng kasamang Dark Guard nang sumapit ang 6:30 ng hapon. Patungo sila sa opisina ng J&L. Eksakto naman na napalingon siya sa pwesto ng bus station nang mapadaan sila dito. Isang nilalang ang nakita niya doon, particular ang magandang mukha nito. Hindi siya maaaring magkamali. "Stop the car!" "Master?" "I said, stop the car!" Bigla ang paghinto ng sasakyan nila. May ilang metro na din ang layo ng sasakyan mula sa bench. Mabilis siyang bumaba at tinungo ang bus station. May haligi ang istasyon sa magkabilang panig at tanging haligi ang nakikita niya. Iniisip niya na kung sisilip ba siya doon ay makikita niya pa rin ang dalaga. Imahinasyon lang ba ang lumitaw sa kanya? Parang natakot siya bigla na sumilip. Ngunit hindi niya na pinalampas pa na gawin ang kung ano ang kailangan. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makita ang kabuuan ng istasyon. Nag-iisa ang dalaga na nakaupo sa bench, isang metro lang ang layo niya mula dito. She's sleeping on a bus station like a stray cat. Nakasandal ang ulo ng dalaga sa haligi at bakas ang pagod sa mukha nito. What happened to you, Angel Jang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD