MASAKIT ang ulo ni Khalid. Nagtungo siya ng airport para ihatid si Kenjie Ikuta at Naomi Fukuda pabalik sa Japan. Ipinikit niya ang mga mata para ipahinga saglit ang kumikirot niyang sentido.
Hindi niya alam kung nagkaroon na siya ng sakit dahil naulanan siya nitong hapon nang puntahan si Angel. Bigla niyang naisip ang dalaga kung kumusta na kaya ito.
Samantala, habang dumaan ang van na sinasakyan ni Khalid, hindi na niya nakita sa kabilang kalsada na naroon si Angel Jang na kayakap si Santa para magpaalam dito.
"Angel, ano ba ang rason? Bakit biglaan naman yata ang alis mo?"
"I'm hurt. Hindi ko na kasi kaya ang sakit Santa. Alam mo ba ang pakiramdam na inayawan ka ng taong mahal mo? Hindi ko na kaya pa ang manatili pa dito," sabi niya sa pagitan ng paghikbi.
"I am not welcome here anymore. Pakisabi kay Alvin o kay Simon na huwag paalisin si Somia at may susundo sa kanya sa White Castle… Aalis na 'ko," aniya dito. Humigpit ang yakap niya sa kaibigan at tila dagan ng kung anong bloke and dibdib niya sa sobrang bigat.
"Angel, bumalik ka agad ha. Tawagan mo ako agad ha," anito. Malungkot ito dahil siya lang ang bukod tangi na naging totoo nitong kaibigan sa school.
Hindi naman maipaliwanag ni Gavin ang mukha nito. Naiinis ang binata sa kanya sa mga ginagawa niya. Hinipo nito ang noo niya matapos humiwalay ni Santa sa kanya. Ramdam ni Gavin na tinamaan na kasi siya ng sakit.
"You already have the flu," komento nito.
"Don't worry. Ayos lang ako. Nagsabi na ako sa amin kung anong oras ako makakarating sa airport… Papasok na ako sa loob." paalam niya saka nagsuot ng salamin sa mata.
Naiwan ang dalawa sa labas ng entrada ng gusali habang mabigat ang mga paa ni Angel na pumasok sa loob.
.....
PABALIK na si Khalid sa White castle. Limang Dark Guard ang naghatid sa dalawang kriminal para isurrender ang mga ito sa possession ng Japanese government. Matrabaho kung tutuusin ang ginawa niya dahil marami pang katanungan ang naganap sa airport.
Inabot na siya ng alas diyes ng gabi para lang masiguro na maisakay sa private plane ang magkasintahang si Kenjie at Naomi. Tinawagan ni Khalid si Xia para kamustahin ang mga nagaganap sa bahay. He wanted to know kung ano ang nagaganap kay Angel Jang.
"Xia, kamusta kayo d'yan? Kamusta si Angel Jang?"
"Master, wala dito si Miss Angel. Nag-stay siya sa LIU. May ipinabigay nga pala si Miss Angel sa inyo Master. Pinadala niya kay FG385," sagot ni Xia sa kabilang linya. Natahimik si Khalid at humigpit ang hawak niya sa cellphone.
"Sige pauwi na ako," aniya. Saka siya tumingin sa mga poste ng kalsada na nadadaanan.
He wanted to hold her and tell her that everything was okay but he couldn't afford to look at the sadness in her eyes. Ilang minuto pa ay nasa White Castle na si Khalid. Mabigat ang katawan at ulo na inilapat niya ang likuran sa malambot na sofa.
"Master, you're here," bati ni Xia. Tumango lang siya.
"Naroon sa drawer ang susi na iniwan ni Miss Angel," anito.
Kumunot ang noo ni Khalid. "Susi?"
Tumayo siya at tinungo ang drawer ng cabinet na nasa isang gilid para alamin kung anong klaseng susi ang iniwan ng dalaga. Ngunit nanlaki ang mata niya nang makita ang tinutukoy ni Xia.
Natagpuan niya ang nakilalang susi ng kwarto ni Angel sa LIU at nagsimula siyang kabahan. "W-where is Angel? Nand'yan si Somia?"
"Nandito po si Miss Somia, Master," sagot nito na nakakunot ang noo.
"Where is Angel?" he asked.
Kahit naguguluhan ay sinagot pa rin nito ang tanong niya. "Master, I don't know. Pinabigay lang daw niya iyan."
Kinuha niya ang cellphone ngunit wala pa rin iyong baterya. Tinawagan niya si Simon gamit ang landline sa bahay. "Look for Angel Jang," utos niya dito.
"Khalid. Utang na loob, napapagod na ako," reklamo nito.
"She's not here! At ibinalik niya sa akin ang susi ng kwarto niya sa Ladies dorm ng LIU. Simon, masama ang kutob ko."
Tila nagising naman ito sa kabilang linya matapos marinig na nawawala si Angel. "What?! Wait tumawag dito si Santa. Pinasabi daw ni Angel na may susundo kay Somia sa White Castle. Akala ko naman ay kung ano lang."
"She... she didn't call me." usal niya. Bakit kay Santa pa ipinaabot ni Angel ang tungkol dito samantalang pwede naman siya nitong tawagan?
"Simon, sunduin mo ako dito. Let's go to LIU," hiling niya. Hindi niya na kasi kaya pang magdrive.
"Si Theodore ang uutusan ko. Pupunta kami d'yan," anito sa kabilang linya bago iyon pinutol.
Ramdam ni Khalid na pinagpawisan siya ng malamig, masama ang kutob niya. Ilang minuto lang at naroon na ang magkapatid sa White Castle at nagpahatid siya sa LIU. Hindi niya alam kung paano ang gagawin kapag hindi natagpuan si Angel at masiguro na ligtas ito.
Sa gate pa lang ay ayaw na silang papasukin.
"Master Khalid, I'm sorry. Pero hindi na po kayo pwedeng pumasok lalo na sa ladies dorm," sabi nito na naroon sa loob ng gate.
"I just wanted to know kung nand'yan si Angel Jang!" nagagalit na saad nito. Nakangiwi ito at para bang nahihirapan na sa kanya.
"Let me in!" nagagalit na singhal niya dito.
"Pero master..."
Kinalampag niya ang gate na nakalock. "Let. me. in!"
"Khalid Han!" sabay-sabay silang napalingon sa taong bagong baba sa kotse na nasa kabilang kalsada.
Malalaki ang hakbang na tinungo siya ni Gavin. Halata ang galit sa mata nito. Binigwasan siya nito ng suntok sa pisngi matapos nitong makalapit.
"What the hell?!" agad naman itong pinigilan ni Simon. Si Theodore naman ay pigil si Khalid. Naglalaban ang mga mata nila nito.
"I hate you! That is for my girlfriend and for Angel Jang! Khalid, last year, hindi ko nagawa ang magalit sa'yo dahil naniniwala akong wala kang kasalanan. At nagtiyaga ako na magkaroon na lang tayo ng lihim na usapan na huwag magtagpo sa kahit na anong paraan! You hate me and so I am dahil masyado kang mayabang!"
Bigla ay tila bumalot dito ang sakit. "My girlfriend died pero parang siya pa ang sinisi mo! Pinilit ko na kalimutan ang nakaraan. I moved on! But I never thought na mas masasaktan ako na mas mahirap pala kapag nakikita mo na nasasaktan din ang taong mahal mo."
"Yes, you heard it right! Gusto ko si Angel Jang! Gustong-gusto ko si Angel Jang! Pero wala eh. Mas pinili niya na maghintay sa'yo at umalis dahil hindi niya kinakaya ang sakit!"
Napokus ang isip ni Khalid sa mga huling sinabi ni Gavin. "What do you mean, where is Angel?"
"Umalis na siya, kaming dalawa ni Santa ang naghatid sa kanya sa airport."
…..
BAGSAK ang mga balikat ni Khalid na pumasok sa loob ng kwarto na ginamit ni Angel sa White Castle. Pinakiramdaman niya ang silid. Malungkot. Sobrang lungkot.
Sa loob ng ilang gabi ay nakasama niya pa ang dalaga sa kwarto na iyon. Niyakap ang dalaga sa magdamag habang tila inaabangan na dumating ang pagbukang-liwayway. Bagong umaga, bagong bukas.
Ngunit iba ang nararamdam niya ngayon, para bang binabalot ng dilim ang buong pagkatao niya.
Malungkot na pumasok siya sa loob at saka dinama ang naiwan na amoy ng dalaga sa kwarto. Hindi niya napigilan ang sarili na maluha habang dinadama ang soft bedsheet ng kama. Saka bumilog ang kamao niya habang hawak iyon.
Pakiramdam niya, ang hina niyang tao. Paulit-ulit siyang nagkamali. Ang masama nakatakas si Kenjie pagdating sa Japan.
They surrendered the guy and his girlfriend to the Japanese government. Nasiguro iyon ng Dark Guard sa kanya. Ang problema, hindi niya na alam pa kung ano ang mga sumunod na naganap.
Nasa isip ng Daddy niya, si Cally na may kasabwat ang Hantataiga sa mga tao ng kabilang bansa.
Today is his birthday, his and Angel's birthday. Pero hindi niya natupad ang pangako niya sa dalaga. He promised that he will celebrate his birthday together with her.
Both of them turned 20. Sa unang pagkakataon ay hindi natupad ang hiling niya, ang makasama ang dalaga sa araw ng kaarawan nito.
The picture of the deep pain in her eyes keeps haunting him. Nakikiusap ang mga mata nito sa kanya nang araw na iyon habang nasa ulanan sila. Parang virus ang imahe na 'yon na paulit-ulit na binabalik-balikan ang ala-ala niya.
Nang malaman niya kay Gavin na umuwi na ito sa Seoul nang huling engkwentro nila ng lalaki, parang dinala rin ni Angel ang buong pagkatao niya sa kung saan ito nagpunta. Kinabahan siya noon na baka masama sobra ang loob nito sa kanya kaya bigla itong umuwi.
Binalita naman ni Kai nang dumating ang oras na nakauwi na ito sa tahanan ng mga Jang kaya nakapante siya kahit papaano.
He waited for her news. He called her phone too many times pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. He went to Korea to see her. Para kamustahin ito dahil isang linggo niya itong hindi nakausap.
But to his dismay, she moved to another school. Sa school na eksklusibo sa mga kababaihan kung saan wala siyang chance na makausap o makita ang dalaga.
Kinuha niya ang sketchbook na nasa drawer at saka sinimulan na ilarawan ang dalaga. He started from the shape of her eyes, her nose, her lips na ilang beses niyang ninakawan ng matamis na halik.
Mabilis na namula ang mata ni Khalid at hindi niya napigilan ang luha dahil hindi niya akalain na maaalala niya ang bawat parte ng mukha ni Angel Jang. Tears ran down on his cheek. It hurt so much.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Simon. Nalungkot ito sa nakitang ayos niya.
"Khalid, l-let's celebrate. My brothers are downstairs..."
Nanatili lang siya na nakatingin sa mukha ni Angel sa papel.
"I can't celebrate, Simon," sabi niya na pumiyok pa. "How can I celebrate without Angel Jang?"
Parang bumulwak na lang ang sakit sa dibdib niya at kumalat sa himaymay ng buo niyang pagkatao.
"She left me..." hindi niya alam kung reklamo ba iyon o basta usal niya lang.
Hindi niya napigilan na umiyak sa harap ng pinsan niya. Nakagat niya ang labi.
"Khalid…" pati ito ay hindi alam ang sasabihin. Kahit ang magkakapatid ay malungkot din kasi sa nangyari.
"Simon, I can still remember that day... The look in her eyes. The sadness in her eyes. She waited for me for two hours just to beg me not to let her go. How? How did I do that to Angel Jang?"
"I want to cry with her, I want to hold her, I want to tell her that I will do everything just to make her happy. I want to wipe her tears. I want to tell her that I care for her because... I love her."
"I love her so much but she already left me. She left me Simon without giving me another chance." Hindi niya mapigilan ang mga luha na parang agos ng talon na patuloy na bumabagsak.
Unti-unti nang napatakan ng mga pagluha niya ang papel na may larawan ni Angel.
"How can I see her? How can I at least talk to her? How can I at least tell her 'Happy Birthday, Angel Jang'."
Nasabihan pa naman niya ang dalaga na ayaw niya na itong maging kaibigan. "I hurt her so much, Simon and it was like a deep stab in my heart."
Hindi niya na napigilan na ibaba ang sketchpad. Kumalat na ang charcoal na ginamit niya sa papel gawa ng mga luha niya. Yumukyok na lang si Khalid sa tuhod niya at pinagpatuloy ang pagluluksa sa pag-alis ni Angel Jang.