CHAPTER 30 - Go Home

2032 Words
NAGHAHALO ang luha ni Angel sa patak ng ulan. Inaanod ng tubig-ulan ang mga luha niya habang paunti-unting nawawala sa paningin niya si Khalid. Her first heartbreak was like a deep cut in her heart. Tuluyan na siyang inayawan ni Khalid. Dumating naman ang isang babaeng dark guard at pinayungan siya. "Miss Angel, let's go home." Hindi niya masyadong naiintindihan ang sinabi nito dahil mas nangingibabaw sa kanya ang sakit. "Miss Angel…" anito. "Sa ladies dorm mo na lang ako ihatid, please…" Ayaw na muna niyang bumalik sa White Castle. Hindi naman ito tumanggi at inihatid siya hanggang sa unit ng kwarto niya. "Miss Angel, I'll stay here outside. Let me know if you need something." Tumango lang siya saka isinara ang pintuan. Sa malungkot na kwarto na iyon ay ipinagpatuloy niya ang pag-iyak. ..... ALAS-TRES ng hapon, natanggap ni Khalid ang mensahe ni Angel na hihintayin siya nito sa LIU garden. Tahimik niya lang na pinagmasdan ang mensahe nito. Masyado na siyang nahihirapan kung paano pauuwiin si Angel. Wala namang kaso sa kanya kahit umuwi ang dalaga sa Seoul dahil kaya niya itong puntahan kung gugustuhin niya. He responded [Nakapagdesisyon ka na ba na uuwi sa inyo?]. Nakatingin lang siya sa mensahe nito nang marinig niya sa bluetooth earpiece ang mensahe ni Simon na nagtatago sa isang van. "I have the name now, Khalid. Kenjie Ikuta, 20 years old. Kasing edad mo lang siya. Ayon sa nakalap namin na impormasyon, inampon siya ni Master Ikuta 20 years ago bago mangyari ang bombing incident sa Japan noon." "The guards are looking for the correct person na nasa paligid," anito sa kabilang linya. Hindi niya pinapansin si Muriel na nasa tapat na mesa na titig na titig sa kanya na para bang pakiramdam nito ay silang dalawa lang sa paligid nito. He felt disgusted by the act pero wala siyang magawa. Nakasuot si Khalid ng clear na contact lense na siyang nag-i-scan sa mga mukha ng mga taong nakakasalubong o nakikita niya. Agad 'yong nakakonekta sa computer ni Simon para masabi kung sino ang taong hinahanap nila. Sinamahan niya si Muriel na mamili sa mall habang pinakikiramdaman ang paligid. Kasama ang PA nito na halatang natatakot sa kanya. Inabot sila nito hanggang alas kwatro ng hapon, wala pa siyang balita sa kung nasaan na ang taong hinahanap nila. Ano na ang plano nito? Nagkamali ba ang grupo nila na lilitaw ito anumang oras? Pasakay na sana sila ng van. Nabigla na lang sila na may isang babae na dumaan, naglabas ng patalim at planong saksakin si Khalid sa dibdib. "Waaahhh!" Nanlilisik ang mga mata nito habang patatamaan siya nito ng patalim na hawak. "Ahhh!" napatili si Muriel at ang PA. Nanlaki naman ang mga mata niya. Mabuti na lang at may dark guard na nakaantabay sa mga nangyayari at nagpapanggap na ordinaryong tao. Napigil ng kasamang dark guard ni Khalid ang patalim at agad na iniikot ang kamay ng babae. Pinadapa ito sa semento para hindi ito makagalaw. "Ahhh! Let me go!" reklamo nito. "Simon, MBA12!" tawag niya sa pinsan at sa isa pang dark guard sa bluetooth earpiece. "Wala pa rin ba kayong balita sa face finder?" Habang kausap ang dalawa ay isang lalaki naman ang nakahood at naka-mask ang balewala na dumaan at naglakad sa gilid nila. Nagkatitigan pa sila nito. Masama ang kutob niya sa lalaki kaya napatingin siya dito. Matapos nitong dumaan ay may narinig silang beep na nagmumula sa sasakyan. "s**t! Everyone! There's a bomb! Lumayo kayo sa sasakyan!" sigaw niya sa mga kasama. Bumahid ang takot sa mga babaeng kasama nila. Bigla namang tumakbo ang lalaki na naka-hood. "F*ck!" Hinabol ito ni Khalid. Tumakbo siya para sundan ito. "Khalid, that's Kenjie!" saad ni Simon sa kabilang linya matapos ma-scan ng computer nito ang mata ng lalaki mula kay Khalid. "Master!" humabol naman sa kanya ang isa pang dark guard na nagtatago sa kung saan para tulungan siya na mahuli si Kenjie. Lumiko si Kenjie sa kanan na kalsada. Sinusundan ito ni Khalid kahit nang lumiko ito sa isang palengke. Dumaan sila sa gulayan. Bahagya siyang nahirapan lalo na nang biglang kumapal ang tao, hanggang sa mawala na lang ito sa paningin niya. "Aughh!" nasipa na lang niya ang sahig nang mawala sa paningin niya si Kenjie. Hinihingal ang dark guard na sumunod sa kanya nang huminto rin ito sa kung nas'an siya nakatayo. Kapwa sila hinahabol ng hangin saka siya nag-utos dito. "Go and continue to find him. Sigurado na nandyan lang ang hayop na iyon." Tumango lang ito saka ipinagpatuloy ang pagtakbo para sundan si Kenjie. Nakaramdam ng inis si Khalid na bumalik sa parking para alamin naman kung ano ang nangyayari sa lugar n Muriel. Tatlong dark guard ang naabutan niya doon. Ang isa ay pinipigil ang babae na nais siyang saksakin. Ang isa ay binabantayan si Muriel at ang PA nito habang ang isa pa ay sinusuri ang maliit at itim na kahon na tumutunog. Lumapit siya sa sumusuri ng bagay na nagb-beep. "What is it?" "Master, it's a bluff. Hindi bomba ang kung ano man na narinig natin kanina. Isa lang itong timer," anito. Nasa ganoong posisyon sila nang bumuhos ang malakas na ulan. Papasok na siya sa loob ng van nang matigilan. Naisip niya bigla si Angel. Kinuha niya ang cellphone at saka pa lang nabasa ang huling mensahe nito. [Brother Khalid, I don't want to go home.] Tatawagan niya na sana ito para siguruhin na hindi ito naghihintay sa kanya sa garden nang biglang mamatay ang cellphone niya. "f**k!" Imbes na pumasok sa van ay tumakbo siya papalayo ng sasakyan at parang nababaliw na tinakbo ang patungo sa eskwelahan ng LIU na ilang kilometro ang layo mula sa kinaroroonan. "Master!" tawag ng guard ngunit hindi na niya ito pinansin pa. He wanted to make sure na hindi siya hinintay ni Angel sa LIU garden. May nakita siyang dose anyos na may bisikleta at pansamantalang sumilong sa isang 7-eleven dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. "Boy, here's the money. I'll buy your bike. You can buy three more bikes using it." inabutan niya ito ng cash card. "Password is 1234." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito na nananatiling nakaawang ang labi habang nakatingin sa cash card na hawak kapalit ng bike nito na sakto lang sa isang teenager. Hindi na ininda pa ni Khalid ang pagod at ang ulan o kahit ang ideya na mas malaki siya sa bike na sinasakyan. Pinaandar niya ang bike at determinado na makarating sa school. Nasa gate na siya nang pumutok ang gulong ng bisikleta. Pinaayos niya iyon sa gwardiya na nagbabantay sa main gate at saka tinakbo ang lugar ng garden. Wala siyang pakialam kahit pagod na ang mga binti niya. Ngunit parang pinipiga lang din ang dibdib niya nang makitang yumuyugyog ang balikat nito at walang pakialam kahit anurin ng ulan. "Master, pumasok sa loob ng LIU si Kenjie." Bigla siyang kinabahan at nagdalawang isip kung lalapitan si Angel o hindi. Ang nasa isip ni Khalid ay kailangan mapauwi niya ang dalaga at huwag itong hayaan na maghintay sa bench. ….. MABILIS naman na nakita ng dark guard si Kenjie. Tulad ng alam nito, sigurado na isa kay Angel at Muriel ang peke at ang tunay na iniibig ni Khalid. Nais nitong malaman ang tamang tao kapalit ng nobya nito na nasa poder ng mga dark guards. Nakakita ng tiyansa si Kenjie nang umalis si Khalid ngunit huli na dahil natagpuan din ito ng dark guard habang nagtatago ito sa mga halaman. Dinala ito ng isang kasama sa Matsui Villa para iharap kay Khalid. Basta ito inihagis sa sahig habang nakatali ang mga kamay. Binuhusan ito ng tubig para magising. Dilaw ang buhok nito. May kalakihan din ang katawan nito na nababalot ng kung anong disenyo ng mga tattoo. He is not a pure Japanese. Matalim ang tingin ni Khalid sa lalaki. Gano'n din naman ito sa kanya. "Anong kailangan mo sa 'kin?" tanong niya dito. "Where did you hide my girlfriend?!" tanong nito sa matigas na paraan. Diretso ang tingin nito sa kanya. "H'wag kang mag-alala. Magkikita rin kayong dalawa sa malapit na panahon." Umismid ito. "I just want you to know Khalid Matsui Han. Kahit na nahuli mo ako, hindi pa ito ang katapusan. Magkikita at magkikita tayo sa mga susunod na panahon. Puwera na lang kung patayin mo ako," sabi nito sa salitang hapon saka ito dumura sa gilid nito na para bang balewala dito ang magaganap. Sinenyasan niya ang isang dark guard para suntukin ito. Isang suntok sa pisngi ang pinakawalan ng kamao ng dark guard sa tabi nito. Mabilis na nagdugo ang gilid ng labi nito. "Mayabang ka lang dahil sa Dark guards!" singhal nito sa kanya. "Kenjie Ikuta, saka mo ako sabihan ng ganyan kapag mayroon ka nang milyon sa bangko, may libong guard na susuporta sa iyo, may mansion sa Japan, sa America, sa France at sa United Kingdom. Kung wala kang binabayaran sa school kahit singko dahil isa kang iskolar. Kung may shares ka sa limang kumpanya na kumikita ng milyon taon-taon. Got it?" Saka siya umismid. "You are nothing compared to me. Kaya nga nandito ka sa harapan ko ngayon." Hindi naman ito sumagot ngunit pinagpatuloy ang pagpukol nito ng matalim na tingin sa kanya. "Master nakausap na namin ang embahada sa Japan. They will wait for Kenjie and his girlfriend para alamin kung saan nagtatago ang grupo niya." "Bring him tonight," utos niya dito. Tumango naman ito para sumang-ayon. ..... YAKAP ni Angel ang sarili sa ibabaw ng kama. Wala na siyang pakialam pa kahit basa na ang kama niya dahil sa basang kasuotan.  Nakayuko lang siya sa tuhod niya habang umiiyak. Mga ilang oras na gano'n si Angel na umabot na lang sa punto na namanhid na ang mata niya at wala nang mailabas na luha. Binalot na ng dilim ang buong kwarto dahil wala nang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Ang sakit kasi e, ang sakit-sakit na para kang pinapatay. She fell in love in a deeper way. Huli na nga lang bago niya iyon maamin. Kaya gano'n na lang din ang sakit na dinaranas niya ngayon. Kung nasabi niya ba kay Khalid na para siyang timang na nagkagusto dito ay mababalik ba nito sa kanya iyon? Ito ang tanong ni Angel. In her heart, Khalid is different. Habang naguguluhan, tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng basang bag. Hindi niya akalain na aandar pa iyon matapos niyang magpakabasa sa ulan ng ilang oras. Sa unang pagkakataon ay tumayo siya para kunin ang cellphone niya sa bag. Naisip niya rin kasi si Somia. Ngunit mensahe kay Muriel ang bumungad sa kanya. [You must go home Angel Jang! Wala ka nang gagawin pa dito. Khalid is mine. Got it! Sinamahan niya ako bilang isang mabuting boyfriend sa kung saan kami nagpunta. Nagawa niya pa akong iligtas sa isang fan na stalker!] Nakalakip sa mensahe nito ang isang picture ng babae na pinipigilan ng dark guard sa semento. Nagsimula na naman tumulo ang luha niya. Kailangan pa bang ipamukha sa kanya ng babae ang bagay na iyon? Pinatay niya ang cellphone saka tumungo sa CR para ayusin ang sarili. Ramdam niya na kasi na nag-iinit na ang balat niya at nagbabadya na ng pagkakaroon ng sakit ang buo niyang katawan. Wala na siyang gagawin pa sa lugar na iyon kaya naman uuwi na siya. Susundin niya kung ano ang nais ni Khalid. Ayaw na niyang makita pa ito dahil lalo lang siyang nasasaktan. Kaya naman sa gabi na iyon ay uuwi na siya. Babalik na siya sa Seoul. Makalipas muli ang ilan pang minuto, nakaayos na siya para makaalis ng lugar. Hindi na niya iintindihin pa ang mga kagamitan na dinala niya sa Pilipinas. Dala ang IDs, credit card, wallet at laptop na nilagay niya sa bag ay lumabas siya ng kwarto. Natagpuan niya ang babaeng dark guard na naghihintay pa rin sa pasilyo, sa tapat ng kwarto niya. Nag-iisip pa lang siya ng idadahilan dito nang tawagin siya ni Santa. "Angel? Sabi sa akin ni President ay i-check kita kaya ako nagpunta dito," anito. Pinilit niyang ngumiti sa Dark Guard. Inabot niya dito ang susi ng kwarto. "Pakibigay kay Khalid. Ayos na ako. Nandito ang kaibigan ko para samahan ako," saad niya. "Sigurado ka ba Miss Angel?" tanong nito. Tumango siya. "Bawal ka rin naman dito at baka matakot ang ibang estudyante." Iginiya niya si Santa patungo sa kwarto nito. Pinilit niyang ngumiti sa dark guard bago siya pumasok sa loob ng unit ng kaibigan. Isang yakap ang ibinigay niya dito saka nagsimula muling lumuha. "Call Gavin na pakiusapan na ihatid ako." Kahit naguguluhan ay sinunod siya nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD