CHAPTER 29 - Bait

2034 Words
KINABUKASAN hindi na nagtagpo pa si Angel at Khalid sa White Mansion. Wala rin siyang gana habang kumakain. Napupuna naman siya ng mga kasama sa kasalukuyan. "Miss Angel, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Xia. Halata kasi ang pamumula ng mata niya. Hindi siya makangiti. "Pinauuwi na 'ko ni Khalid," saad niya. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Unnie…" nalulungkot naman si Somia na nakaupo sa tapat niya sa mesa. Kumuha siya ng table napkin at pinunasan ang luha niya. Naaawa naman sa kanya si Xia. Nilapitan siya nito saka niyakap. "Your Dad just wanted to protect you." Lumakas ang pag-iyak ni Angel. "But I don't understand Ate Xia. I am trying to understand…" Pero wala siyang maintindihan. Tuluy-tuloy sa pagpatak ang luha niya na halos mamanhid na iyon. Hindi naman ito makasagot. Alam kasi ni Xia na inaalala lang naman ng lahat ang lagay niya. ..... SAMANTALA, Sa lugar ni Khalid. Maaga pa lang ay umalis na siya ng White Castle. Mas lalo lang kasi siyang nasasaktan na makita si Angel Jang. Pakiramdam niya ay ang hina-hina niya. Pinuntahan niya ang magulang ni Muriel sa tahanan ng mga Santos. Kasama niya ang isang black guard at si Alvin para ipakita dito kung anong klaseng nilalang ang minamahal nito. Pinindot nila ang doorbell na nasa pintuan. Ang Mama ni Muriel ang bumungad sa kanila. Namukhaan naman siya agad nito kaya bumahid ang pagkabigla sa mukha nito. "Ma-master Khalid?" "Hello po. Mabuti naman po at namumukhaan n'yo ako," sagot niya. "Imposible pong hindi," anito. Ramdam niya na kinakabahan ito. "Pasensya na po sa abala. Narito po ako para makausap kayo." Mas lalo niyang naramdaman na nataranta ito. "Ma'am, your daughter tried to kill my friend kaya nasa possession namin siya." Nabigla ito sa pagtatapat niya. "Kung gusto n'yo pong tulungan ang anak n'yo at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isa n'yo pang anak, kung maaari po sana ay patuluyin n'yo kami." nakikiusap na sabi niya dito. Nananatiling tahimik si Alvin. "Anong hustisya, iho?" Halatang naguluhan ito. "Patuluyin mo na sila, mahal." narinig nila mula sa likuran ng ginang. Ang tatay ni Muriel. "Tumuloy kayo!" Walang nagawa ang may-edad na babae kung hindi ang papasukin silang tatlo. Nilakihan nito ang gate ng bahay para makapasok sila. Walang emosyon na makikita sa mukha ni Mr. Santos nang makapasok sila hanggang sa living room ng bahay nito. Samantalang nag-aalala naman ang asawa nito dahil sa sikreto. "Alam ko po na si Muriel ang pumatay sa kapatid niya." Sabay na nagulat ang dalawa. "A-anong ibig mong sabihin?" Wala kasing alam ang dalawa sa tunay na naganap isang taon ang nakaraan. Ang alam ng dalawa ay nagpakamatay ang anak ng mga ito na si May. Kung mayroon na tinatago ang mga ito, 'yon ay ang pagiging baliw ng bunsong anak na si Muriel. "Muriel killed your eldest daughter." "Imposible! Inamin sa akin ni May na siya ang pumatay sa sarili niya." agad na kontra ng ginang. Hindi naman makapaniwala ang asawa nito na bahagyang umawang ang labi. "Saan po ang imposible? Na minahal ni May ang kapatid niya kaya niya inamin ang sala ni Muriel? Na wala naman talagang problema si May sa trabaho, sa pamilya, sa kaibigan o sa lovelife niya?" tanong niya sa mag-asawa. "MB108," senyas niya sa kasamang guard. Inilapag nito ang mga findings ng report sa mesa. Kasama ang mga larawan sa kwarto, ang hospital report ng dalaga sa ospital at kahit ang nangyaring foul play sa insidente. "Karamihan ng fingerprint na nakita sa kwarto na sinasabing kay May ay si Muriel ang talagang may-ari. And don't deny it. Her fingerprint, DNA at kahit ang gamot na nakita sa katawan ni May ay si Muriel ang bumili sa market." "Nang nakaraang taon pa alam ng imbestigador ang nangyari pero walang lumitaw na balita dahil..." lumunok muna siya dahil baka masaktan ang mag-asawa. "She's using her body to make sure that her secrets are well-kept." Halata na hindi makapaniwala ang mag-asawa. Gano'n din si Alvin na nakaupo sa kabilang panig na silya. Nagpatuloy si Khalid. "We used means to get information at si Muriel mismo ang nagsabi habang nasa ilalim siya ng hypnotism kagabi. Sa una pa lang ay pinagplanuhan na ni Muriel na patayin ang ate niya dahil sa inggit at nagtrigger ang mga lahat nang masira ni May ang isang standee sa loob ng kwarto." "A-anong standee?" Si Alvin ang nagtanong. "Standee ko na galing sa opisina na ninakaw niya." Diretso ang tingin niya sa pinsan. Ramdam niya na nabigla ito nang sobra pero hindi na ito nabigla na malaman na nababaliw sa kanya ang babae. Hindi nakaimik ang mag-asawa kahit pa nga tahimik na lumuluha ang ginang.  "She's crazy kaya hinihingi ko po ang kooperasyon ninyo." ipinaliwanag niya dito na kailangan mailagay si Muriel sa Mental Hospital dahil hindi safe ang babae sa labas. Siguro naging mitsa ang nalaman nito na pinatay ang panganay na anak at may plano pa na pumatay muli kaya napapayag niya ang mag-asawa. ….. MAGULO ang isip ni Alvin nang lumabas sila ng tahanan ng mga Santos. "Alvin, I hope naliwanagan ka na ngayon. She doesn't love you. Kahit nga si May na sarili niyang kapatid ay nagawa niyang patayin. Do you know that Angel was hurt right now?" "And I felt really bad because I wasn't able to do anything. Tinawagan ako ni Uncle Kai at pinababalik na si Angel sa Seoul," malungkot na saad ni Khalid. Nananatili itong tahimik. Hindi na ito pinansin pa ni Khalid at tumuloy siya sa naghihintay na sasakyan. Tuwing maiisip niya kasi si Angel Jang ay nahihirapan siya lalo. Lalong sumisikip ang dibdib niya. Masyado nang naubos ang oras niya. Sunod na pinuntahan ni Khalid si Muriel na itinago nila sa isang tahanan. Plano ng grupo na gamiting pain ang dalaga para mahuli ang lalaking nagtatago sa mukha ng kung sino. The unidentified man is dangerous at naroon lang ito sa paligid. Matalim ang mga mata niya habang nakatingin kay Muriel na nakaupo sa sofa. Halata ang pagkainis sa mukha nito dahil gusto na nitong umalis sa hide out na iyon. Kung hindi lang dahil kay Angel ay hindi siya magti-tiyaga na gamitin ang babae. Isa pa, hindi rin naman safe ang mga tao kay Muriel kaya bakit siya maaawa na gamitin ito para mahuli ang kalaban? Kahit siguro bombahin pa ito ng kalaban ay wala siyang mararamdaman. "Lalabas na ako!" singhal nito sa black guard. Napaismid si Khalid. Hindi ba nito alam na hindi magdadalawang-isip ang mga black guard doon na balian ito ng buto? Her whining was nothing compared to what she did in the past. Napansin naman siya nito na bagong pasok. "Khalid!" nagliwanag ang mukha nito. "Get up! We will go somewhere," aniya. "Where are we going?" masayang tanong nito. "Magde-date tayo. Masaya ka na?" ..... NAGPUNTA si Angel sa LIU para ayusin ang pag-alis niya sa klase. Tinulungan siya ni Xia na pahilumin ang mata niya para kahit papaano ay makalabas siya ng White Castle. Naglagay lang siya ng kaunting eye make-up para hindi mahalata na magdamag siyang umiyak. Nasa registration na siya nang marinig ang usapan ng dalawang estudyante. "Hey friend, look. Si Master Khalid saka si Muriel nagde-date sa Mahogany River." Ipinakita nito ang cellphone sa katabing babae. Napatigil naman sa pagkilos si Angel saka nilingon ang dalawang babae. Hindi niya napigil ang sarili na silipin ang cellphone at alamin ang nangyayari kay Khalid at Muriel. Humigpit ang hawak niya sa cellphone matapos makita ang mga larawan na lumabas. Naka-angkla ang larawan ni Muriel sa braso nito. May larawan ang mga ito sa isang restaurant. Sa tabing-ilog kung saan nakaupo ang dalawa sa damuhan at pinagmamasdan ang tahimik na ilog. May larawan din sa park at kung saan pa. Iniwasan niyang umiyak. Hindi man lang kasi siya sinabihan na liligawan nito sa Muriel. Ano ba ang karapatan mo Angel?' sabi niya sa sarili. Kaibigan! At naisip niya na iyon ang problema. Magkaibigan nga lang kasi silang dalawa. Pero bakit ang bilis naman yata? Kaya ba maagang umalis si Khalid sa White Castle para makipagdate sa babae?  Kaya ba gusto siya nitong pauwiin? Ito ang mga katanungan na tanong ni Angel Jang sa sarili. Kinuha niya ang cellphone at pinadalhan ng mensahe si Khalid. [Brother Khalid, I want to talk to you. I will wait for you at LIU garden.] Naisip niya na umamin kaya siya kay Khalid. Huli na ba siya para sa puso nito? Nalilito ang buong kaisipan niya. Paano kung mas lalo itong lumayo sa kanya at lalo siyang pabalikin sa Seoul? Nagpadala naman ito ng mensahe sa kanya. [Nakapagdesisyon ka na ba na uuwi sa inyo?] Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sagot nito. [Brother Khalid, I don't want to go home.] Halos maiyak na naman siya habang nagtitipa ng mga ipapadala niyang mensahe dito. Bakit gano'n? Kahit pilitin niya ang sarili na huwag masaktan heto at masakit pa din. Wala sa sarili na nagtungo sa LIU Garden si Angel. Parang nakatapak ang mga paa niya sa kawalan habang naglalakad. Nagsisimula nang kumulimlim ang kalangitan at nagbabadya muli ng pag-ulan. Tahimik si Angel na umupo sa bench doon. Alas-tres na ng hapon ang oras nang umupo siya sa bahagyang mainit na semento ng bench. Alas tres y medya…. Alas kwatro… Alas kwatro y medya... Walang Khalid na dumating. Iniisip niya na baka kasi busy si Khalid. Saan? Sa pakikipagdate kay Muriel? Hindi niya napigilan na umiyak. Kasabay ng pagluha niya ang pag-ulan. Ngunit para siyang estatwa na nababasa habang nakaupo sa bench. Ilang saglit pa, may sapatos siyang nakita habang nakayuko at nasilungan din siya kaya inangat niya ang basang mukha sa nagmamay-ari ng payong. Si Gavin. "What are you doing Angel? Bakit ka nagpapaulan? Ihahatid na kita," naiinis na saad nito. "I don't want to go. I'll wait here," matigas na saad niya dito. "Angel, nasabihan na kita na it's okay to cry but torturing yourself like this is another story. Let's go home!" "I said I don't! I'll wait for him here! Kung gusto mong umalis, go!" Sa inis ni Gavin ay pinahawak nito sa kanya ang payong nito. Umalis na rin ito sa harapan niya para magtawag ng security o kahit ang Dean na tutulong dito para paalisin siya doon. Matigas ang ulo na basta itinapon ni Angel ang payong. Basa na siya kaya ano pang silbi nito 'di ba? Alas singko… dalawang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa rin si Khalid. Ramdam na niya ang ginaw ng ulan ngunit mas ramdam niya ang sakit sa dibdib. Wala siyang pakialam kahit na magmukha siyang basang sisiw sa ayos niya na iyon. Ganito na ba siya talaga para kay Khalid? Wala na ba itong pakialam sa kanya? "Anong gusto mong pag-usapan?" nabigla na lang siya nang magsalita ito ilang metro ang layo sa kanya. Tumatahip ang dibdib nito gawa ng pagtakbo ngunit ayaw siya nitong lapitan. Tell him Angel... napayuko siya dahil gusto niyang itago dito ang mga pagluha niya. "Ayoko na nagkikita kayo ni Muriel!" Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. Ayaw siyang lapitan ni Khalid dahil minamanmanan ito ng kalaban. "Wala kang pakialam kung sino ang kasama ko o kung sino ang gusto ko. I'll date who I like!" matigas na sabi. Parang bomba naman iyon sa pandinig niya. Napatayo siya. "M-may pakialam ako. We are best friends. We are not just best friends, w-we are brothers." parang karayom sa dibdib niya ang mga kataga. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilin ang mga luha. "Listen, I don't want to be your friend anymore! Mas mabuti pa na umuwi ka na sa Seoul." "But Brother Khalid… I don't want to go home… W-what about me?" Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. "What about me, Khalid? Why not me? Why not love me?" Hindi na niya marinig ang boses dahil gumagaralgal na iyon. Khalid was looking at her lonely eyes. Bahagya na rin na namumula ang mata nito dahil tulad niya ay nasasaktan din ito sa ngayon. God knew how much he wanted to wipe her tears. Tinabig nito ang kamay niya saka umalis nang walang pasabi sa harapan niya na para bang wala na itong pakialam sa kanya. Naitakip na lang ni Angel ng mga palad niya ang mukha dahil parang sinusunog ng apoy ang damdamin niya sa oras na iyon. Napaupo muli siya sa bench at pinagpatuloy ang pag-iyak. This day is the worst day of her life. Parang basura na inanod ng dagat ang pagtatapat niya sa lalaki. Samantala, sa isang gilid. Matapos makita ng isang bente anyos na lalaki ang nangyari ay lalapitan na sana nito si Angel, ngunit hinablot ito ng dalawang Dark Guard at pinalo sa ulo para mawalan ng malay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD