CHAPTER 28 - It's okay to cry

1909 Words
SA ISANG mall nagtungo si Angel Jang, si Gavin at ang kaibigan niyang si Somia. Kahit kasama niya ang dalawa, nililipad ang isip niya at hindi siya mapalagay. Parang maliliit na karayom sa dibdib niya na malaman na aminin ni Khalid na may relasyon ito kay Muriel. Ebidensiya na siguro na hindi siya maalala ng lalaki dahil naospital si Muriel nang umaga na iyon. "Angel, I want to see that dress!" ani Somia nang mapadaan sila sa isang teen boutique. Hindi siya umimik na para bang papel na dinadala ng hangin kung saan mapadpad. Nakasunod lang siya dito at nakasunod naman sa kanila si Gavin. "Are you okay?" Nabigla pa siya nang tanungin siya ng binata. Inangat niya ang paningin dito. "I'm fine." Saka siya ngumiti ng pilit. Nakahawak lang siya sa cellphone niya at nagbabakasakali na tawagan siya ni Khalid o kahit sino sa tatlong chipmunks. "Mars, nakita mo na ba 'yung balita ngayon? May naghahanap sa girlfriend ni Master Khalid. 50 milyon 'yung bayad kung sino ang magtuturo sa girlfriend niya," narinig niyang sabi ng sales lady. "Bakit kaya?" "Ewan pero matagal naman nang may balita si Master Khalid saka si Muriel kaya malamang na siya rin 'yung tinutukoy doon," sagot ng sales lady na ipinagpatuloy ang pag-ayos ng mga nakasabit na damit. Napatingin naman siya sa dalawa. Ngunit anong mayroon sa girlfriend ni Khalid? Naisip niya tuloy itanong. Isang basket ng mga damit ang bitbit ni Somia na lumapit sa kanya. "Uutang ako sa'yo Unnie. Ikaw ang magbayad nito," hiling nito. Parang wala sa sarili na inabot dito ang credit card niya. Kung saan-saan sila napadpad sa loob ng mall dahil masayahing tao si Somia. Para bang wala itong problema, makulit lang talaga. Pero wala sa mga ito ang atensyon ni Angel Jang. Kahit ang mga tao sa paligid ay walang mukha sa paningin niya. Malayo ang nirarating ng isip niya sa kasalukuyan. Tunog ng ring tone mula sa cellphone niya ang pumailanlang ngunit wala doon ang atensyon niya. "Angel, your phone is ringing," komento ni Gavin. Napatingin siya sa lalaki at saka parang nagising na naririnig ang eskandalosong ring mula sa sling bag. Kinuha niya ang cellphone sa loob. Nakita niya ang pangalan ni Simon. Nagdadalawang-isip pa siya pero pinili na lang niya na sagutin ang tawag nito. "Hello." "Angel, where are you? It's not safe outside. Tinawagan na kami ng Daddy mo para ma-secure na safe ka. Nasaan ka ba?" halata niya na stress ang lalaki sa kabilang linya. "Narito kami ng kaibigan ko sa Circle Mall malapit lang sa White Castle," aniya. "Umuwi ka na agad please. I'll ask someone para sunduin kayo ni Somia." huling sabi lang nito bago ibinaba ang tawag. Hindi na niya naitanong kung totoo ba ang balita ni Khalid at ni Muriel. Mas lalong bumigat ang nakadagan sa dibdib niya matapos makausap si Simon. "Let's go home. Baka nag-aalala na sila sa inyo," komento ni Gavin. Tinanguan niya lang ang lalaki. Lumabas sila sa mall. Patawid na sila sa kabilang gusali kung saan nakaparada ang sasakyan nito nang pigilin sila ni Somia. "Unnie, I want ice cream. Please wait for me here." Wala sa sarili na tumango muli siya. Habang naghihintay dito, binalikan niya ang mga pangyayari kung kailan nga ba siya naging selfish na huwag ipamahagi si Khalid sa iba. Noong apat na taon pa lang siguro siya. Nang pagsamahin sila ng magulang sa iisang klase para maging sandalan ang isa't-isa. Siya, para turuan ni Khalid sa mga lessons nito at siya naman para ipagtanggol ang lalaki sa mga bully sa klase. Noong nasa edad sampu sila ni Khalid, naalala niya na pinangakuan siya ng kinabukasan ng binata noong mga panahon na iyon. Naroon sila sa Prin's Garden. Isang hardin na nasa tuktok ng burol na matatagpuan sa Matsui mansion sa Japan. Nadapa siya noon dahil naglaro sila ng paunahan na makarating sa Prin's Garden. Nasa gitnang bahagi pa lang siya papaakyat nang sumubsob siya sa damuhan. She cried dahil sa hapdi at halata na nagsugat ang tuhod niya. "You're so careless!" nagagalit na saad nito na binalikan siya. Lalo siyang pumalahaw ng iyak. "It's your fault! You're so fast!" "Tsk! Don't cry anymore! Come, I'll carry you to go upstairs." Ibinaba nito ang katawan para kargahin siya sa likuran nito. Parang mga butil ng kislap sa karagatan tuwing masisinagan ng buwan ang mga luha niya ngunit pinigil niya ang umiyak dahil tutulungan naman siya nito na makaakyat. Sumampa siya sa likuran nito at kinarga siya paakyat ng burol. Mas matangkad na sa kanya noon pa lang ang lalaki kaya nakaya siya nitong buhatin. "Remember that I'll wait for you from now on. Hindi mo na kailangan na magmadali. We will reach our goal together forever. If you can't walk, I will carry you. If you see darkness today, I'll give you the morning. If you are afraid, I have no choice but to be strong. Remember that whenever you need help, I am always by your side. Do you understand?"  Nang mga panahon na iyon ay determindo ito na tulungan siya at samahan siya sa kahit anong pagsubok. Hihintayin siya nito sa kahit na anong laban nila. Bakit ngayon..? "Why are you crying?" tanong ni Gavin na nakakunot ang noo sa tabi. Nabigla siya sa sinabi nito. Hinawakan niya tuloy ang pisngi at noon lang naramdaman ang basa nito. Huminga ito ng malalim. "Angel, it's okay to cry. You don't have to hide it in yourself. If you are hurt, release it." Naging hudyat naman ang sinabi nito para itago niya ng dalawang palad ang mukha  niya. Para siyang naliligaw na pusa na hindi alam kung saan uuwi. Parang ilog na rumagasa ang mga luha niya sa mata na mabilis niyang nailabas. Siguro dahil ilang oras niyang pinigil ang nararamdaman. Hindi niya maamin sa sarili niya na nalulungkot siya, na nasasaktan siya. Hindi siya masaya sa mga nalaman. Joke o totoo. Ang masama ay wala siyang karapatan na magreklamo dahil kaibigan lang siya o baka nga kapatid lang ang turing ni Khalid sa kanya. Akala niya ay kaya niyang itago at hayaan ang kung ano mang relasyon nila ni Khalid sa kasalukuyan. Pero parang sinusunog ang isang parte ng dibdib niya sa sobrang sakit. Yumugyog ang balikat niya kaya walang nagawa si Gavin kung hindi ang yakapin siya. Hinayaan lang siya nito na umiyak. Ang mahalaga ay naiparamdam nito na naroon ito bilang kaibigan niya. ….. The deep pain is bursting out from Angel's heart. She couldn't take it. Parang pinipiga ang dibdib niya dahil sa sobrang sakit. Gusto niyang maging selfish at huwag ipamahagi si Khalid kahit saglit lang. "Haah…" naghahalo na ang sipon, laway at luha niya sa polo na suot ni Gavin. Hinayaan naman siya nito na gawin ang gusto niya. "Angel…" narinig niyang tawag sa kanya ni Simon makalipas lang ang ilang saglit. Nilingon niya ito. Nakagat naman nito ang labi nang makita ang namumula niyang mata at basang pisngi. Kinuha na lang niya ang panyo sa bag at pinunasan ang mga luha. "Unnie…" naguguluhan ang bagong dating na si Somia. Do'n lang din nito napansin ang namamaga niyang mga mata. "W-what happened?" naguguluhan na tanong nito bago isinubo ang dulong bahagi ng ice cream na hawak. Gusto namang magtanong sa kanya ni Simon ngunit mas inuna kung ano ang talagang pakay nito sa kanila. "Angel, let's go home." "Ako na ang maghahatid sa kanya." mungkahi ni Gavin. Ngumiwi si Simon at nagpumilit. "No, I'm sorry but I'll bring her. Angel, we have to go please. It's not safe. Your Dad already called us." Naging hudyat naman iyon para sumunod si Angel. Pinunasan niya ng mabuti ang namumula niyang mga mata saka inaya si Somia na sumunod kay Simon. "Let's go Somia. Pakitulungan siya na dalhin 'yung mga pinamili namin," utos niya kay Simon. Hindi naman ito umimik at tinulungan si Somia na bitbitin ang mga paperbag na nasa lapag. Naiwan si Gavin na nakatayo sa tabi ng fountain at pinagmasdan lang silang tatlo na umalis. He is happy whenever Angel is around. She's different. Ang problema alam nito na may espesyal si Angel at Khalid na hindi maexplain ng lahat. Huminga ito ng malalim at saka tinungo ang nakapark na kotse sa kabilang gusali. ..... PANAY ang hinga ni Angel ng hangin para pakalmahin ang sarili habang naglalakad. Patuloy sa pagluha ang mata niya ngunit mabilis niyang pinupunasan. Tahimik sila ni Somia na sumunod kay Simon. Sumakay sila ng kaibigan sa kotse nito na naghihintay sa malapit. Sabay silang sumakay ni Somia na nag-aalala sa kanya. Nagulat pa siya nang makita si Khalid na nakaupo sa unahan ng kotse. Nagtagpo ang mata nila nito sa rearview mirror. His eyes are gloomy. Namumula rin ang gilid ng mga mata nito na parang may malalim na pinagdaanan. Siya rin ang unang nagbawi ng tingin, inilihis ang mukha at tumingin sa labas ng bintana. Parang sumikip bigla ang espasyo sa pakiramdam niya dahil nasa maliit na sasakyan lang silang dalawa ni Khalid. Tahimik si Simon na sumakay matapos maayos ang mga pinamili ni Somia sa likuran ng kotse nito. Parang may kung ano sa loob ng sasakyan at tahimik silang lahat. Pigil na pigil ni Simon ang hininga nito habang pinakikiramdaman si Angel at Khalid sa loob ng sasakyan. Alam nito ang dahilan ng pag-iyak niya ngunit hindi ito makapagkomento. Habang nasa daan sila ay bumuhos ang malakas na ulan. Pakiramdam niya ay nakisabay ito sa damdamin niya. Nang makarating sa White Castle, mabilis na bumaba ng sasakyan si Angel para itago ang mukha niya. "There is something I need to do in my room." Mabilis siyang lumabas at hindi na hinintay pa ang sagot ng mga ito. Umakyat siya sa ikatlong palapag na kwarto para itago ang mukha niya sa lahat. Hindi niya kasi alam kung gaano siya kapangit sa oras na iyon. Nabigla na lang ang tatlong naiwan sa ginawa niya. ..... MABABASA ang lungkot sa mata ni Khalid habang tinitingnan ang papalayong likuran ni Angel Jang. Bumaba siya ng kotse para ibilin si Somia kay Xia. "Pakihandaan siya ng kwarto dito. Kasabay niya si Angel na uuwi sa Korea," aniya kay Xia bago umakyat sa itaas na palapag para pumunta sa opisina; alamin ang nangyayari kay Muriel at sa kalaban. Hindi na niya napansin pa ang katanungan sa mukha ng babae. Sa ikalawang palapag, huminto si Khalid sa paahan ng hagdanan na paakyat sa itaas. Tiningala ang ikatlong palapag ng bahay kung saan tumutuloy si Angel. Matagal siyang naroon lang at iniisip kung ano ang ginagawa ng dalaga sa kasalukuyan. May malaking katanungan din ang bumabagabag sa kanya. Ano ang rason kung bakit ito niyakap ni Gavin? Tinapik siya sa balikat ni Simon. "Uuwi na ako dahil kailangan ko rin makausap ang mga kapatid ko. Nainform na 'ko ng iba pa na babantayan nila si Muriel at si Naomi. Nasuri na rin siya ni Tita Christen... Khalid, you must talk to Angel." "Hmm..." tumango lang siya ngunit nanatili sa kinatatayuan. Alas sais na ng hapon ang oras at malakas pa ang ulan sa labas. Nagkagulatan pa sila ni Angel na nasa itaas na bahagi naman ng hagdan dahil bababa sana ito. Nagtagpo ang mata nila nito na namumula na halatang galing sa pag-iyak. Iniwas nito ang paningin. "Angel, pababalikin na kita sa Korea." Naging hudyat naman iyon para ibalik ni Angel ang paningin sa kanya. "You want me to go?" mabilis na nagtubig ang mga mata ni Angel. Hindi pa kasi siya nakaka move on sa sakit. 'Isa ba talaga akong hadlang sa'yo?' Naisip niya tuloy itago ang feelings niya. Baka kasi nakahalata na ang binata kaya gusto na siyang paalisin. "B-but I like being here as your sister. We are family, right?" Hindi ito nakasagot ngunit bumilog ang kamao. "Yes, That's why I want you to go home," saad ni Khalid bago tumalikod para tumungo sa kwarto. Naiwan naman si Angel sa kinatatayuan na walang masabi kun'di ang lumuha ng tahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD