CHAPTER 27 - Her first heartbreak

2055 Words
PARANG lumolobo ang utak ni Khalid sa sunud-sunod na mga pangyayari. Parang hindi na siya tinantanan ng problema. Niloko siya ng pinsan na si Alvin para protektahan ang babaeng minamahal nito. Hindi pa nga tapos ang kaso niya kay Muriel at heto naman si Naomi Fukuda at ang nobyo nito na walang alam gawin sa buhay. Tapos itong si Muriel ay masyado ring papansin. Gusto na talaga niyang saktan ang babae sa mga hallucinations nito. Nag-ring ang cellphone niya at nakita niya ang numero ni Kai Jang. Hindi siya nakakaramdam ng kaba pagdating sa magulang ngunit iba kay Kai Jang. It's because both of them want to protect Angel. Para bang may pressure na dumadagan sa dibdib niya pagdating sa lalaki. "Uncle," sagot niya sa tawag nito na kinakabahan. "Khalid, I am giving you enough time para pabalikin si Angel dito sa Korea. Bakit sobra naman yata ang gulo na nangyayari d'yan sa Pilipinas? Sigurado ako na hindi siya susunod sa akin kapag pinabalik ko siya dito kaya sa 'yo ko ipagagawa ang pauwiin siya dito sa amin." "Khalid, I hope you understand that I am no longer the same leader MB5. Matagal na akong wala sa grupo and you know it, right?" "Hindi na ako ang tulad ng dati na maraming kakayahan para protektahan ang pamilya ko kaya nga ipinagkatiwala ko sa 'yo si Angel. But, I'm not happy with your progress." Halata sa boses nito na hindi talaga ito kuntento sa trabaho niya. Humigpit ang hawak niya sa cellphone dahil sa mga narinig. Hindi naman niya ito masisisi. Magulo talaga at sunud-sunod ang mga nangyari sa kanya. "Khalid, nakikiusap ako. Please help me na pabalikin dito si Angel." hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya at basta na lang nito tinapos ang tawag. "Ahhhhhhh!!!!!" para siyang nababaliw na humiyaw sa silid na iyon para ilabas ng bahagya ang lahat ng nararamdaman; galit, inis at pagkadismaya. Nabigla naman si Simon na nasa tabi na nagulat sa kanya. "A-anong nangyayari sa 'yo?" Parang nahirapan siya na huminga. "Uncle Kai wants Angel to go back to Korea," malungkot na saad niya. Bumilog lang ang bibig nito at walang salitang namutawi. Ayaw niyang tanggapin ngunit sa palagay niya ay wala na siyang magagawa kung hindi ang paalisin ang dalaga sa poder niya. Pumasok ang isang black guard sa kwarto habang dumadaan ang katahimikan sa pagitan nila. "Master, nakuha na namin ang resulta. Muriel Santos killed her sister last year. Nakita sa Soco report ang ginawa niya dahil puro DNA niya ang nakita sa kwarto na napupuno ng larawan mo. Ipinalabas lang na kwarto iyon ni Miss May Santos." "Khalid, we have to think of something. Why not admit that Muriel is your girlfriend para matapos na ang problema? The person will focus on her instead of Angel Jang," paglalakas ng loob ni Simon na magbigay ng mungkahi. "That lunatic! Hindi ko akalain na nakipag-kaibigan ako na isang psychosis patient," nakangiwi na saad nito. Tinawagan niya si Katya. "Release a statement that Muriel is my girlfriend." "Master, are you sure?" paninigurado nito. "Yes…" Hindi na ito sumagot pa at pinatay niya ang cellphone. Huminga siya ng malalim at sunod na tinawagan ang Manager ni Muriel. "Bring Muriel to my office." Sunud-sunod ang mga utos niya na halatang determinado na siya sa desisyon. Tumayo siya sa kinauupuan saka inaya na ang pinsan na lumabas.  Mabilis silang nagpunta sa MGM office para kitain ang babae. Sa bungad pa lang ng gusali ay may mga reporter na ang nagkukumpulan para tanungin siya. "Master Khalid." "Master Khalid!" sunud-sunod na gano’n ang mga naririnig niya. Hinarang silang dalawa ni Simon. Mabilis naman silang naprotektahan ng tatlong black guard na kasama. "Sino po ang nakaalitan n'yo na gustong magpabuya ng 50 million?" tanong ng isa. Hindi siya sumagot. "Totoo po ba na si Muriel Santos ang girlfriend n'yo, Master Khalid?" Hinarap niya ang nagtanong saka kinuha ang mic nito. "Yes. Muriel is my girlfriend. That's all!" Ibinalik niya ang mikropono dito at hindi na nagabala pa na sumagot ng iba pang mga katanungan. Nagmadali na silang pumasok ni Simon sa loob ng gusali kahit pa nga maraming makulit ang gustong sumunod sa kanila ngunit mahigpit ang gwardiya. Maraming staff ang nakatingin sa kanila mula pa lang sa lobby ng gusali. Tuluy-tuloy sila ni Simon sa paglalakad hanggang sa makarating ng elevator at dumiretso sa itaas na palapag. He is gloomy. Halo-halo ang emosyon niya sa mga mata. Umupo siya sa sofa na matapos makapasok sa loob ng opisina saka ipinikit ang mata. Maya-maya ay tumayo siya paharap sa floor-to-ceiling window. He looked outside at tinatanaw ang lugar ng White Castle na para bang nasa malapit lang iyon. He's hurt inside. Parang maliliit na kutsilyo ang tumatarak sa dibdib niya maisip lang na masasaktan ang dalaga kapag nalaman nito ang mga pag-amin na ginawa niya. What would Angel feel about it? Hindi niya alam kung kailan pa siya nakaramdam ng kakaiba para sa dalaga but he loves her. He's not only cared for her but he was in love with her. Ngayon niya lang napagtanto ang mga bagay na iyon. Posible na naramdaman niya na iyon noon pa but he's too focus on his friendship with her. Simula pa lang bata sila ay sobra na ang pag-iintindi at pag-aalaga na ginawa niya dito. Hindi nawala ang komunikasyon nilang dalawa kahit pa nga sa ibang bansa ito tumira. He always makes sure to see her on their birthdays. Wala rin ibang babae ang nakalapit sa kanya bukod dito. It's not because she was the only girl friend he has but because there is no one he likes other than her. A tear comes down on his face at napahawak siya sa salamin habang pinipilit na isipin ang nararamdaman ni Angel Jang sa mga oras na iyon. Hindi naman siya kinakausap ni Simon dahil ayaw nitong makadagdag ng pressure sa kanya. Umupo lang ito sa sofa kung saan siya galing at nakikiramdam. ….. ISANG katok sa pintuan ang pumutol kay Khalid. Pinunasan niya ang luha at saka mabilis na nakabawi. Isang black guard ang pumasok sa loob. "Master, may sumundo kay Miss Jang sa White Castle. Hindi siya napigilan na lumabas ng guards." Naikuyom na lang ni Khalid ang kamao niya. Hindi niya ito sinagot at inutusan si Simon. "Hanapin mo si Angel. It's not safe outside." Nagbigay lang ito ng "Okay" sign saka lumabas ng kwarto para tawagan si Angel. "Narito na rin si Miss Santos at ang manager niya," dagdag ng guard.  "Papasukin mo sila," malamig na utos niya. Ngiting-ngiti naman ang babae na pumasok sa loob kasama ang manager nito. Matalim ang tingin na ipinukol ni Khalid dito. Parang joke sa kanya ngayon ang babae dahil nagagawa pa nitong ngumiti-ngiti samantalang nalalagay sa alanganin ang buhay nito. Hindi ba nito alam na 50 million ang halaga ng ulo nito sa terorista? What a joke?! Huminto ang dalawa isang metro ang layo sa mesa. Parehas na nakatayo. Bahagyang nahihiya si Muriel at halos hindi makatingin sa kanya. Namumula ang mga pisngi. Naisip niya na posibleng ang pag-amin niya sa publiko ang dahilan. Ang Manager naman nito ay nakangiti ngunit bahagyang kinakabahan. Hindi naman hinayaan ng dalawang black guard na iwan silang lahat doon dahil alam ng mga ito na delikado ang babae. "I want to know the reason why you didn't stop Muriel on her lunatic ideas," tanong niya sa Manager. Parehas na nawala ang pagkakangiti ng dalawa dahil seryoso siya sa tanong niya. "M-master… I-I thought she's your girlfriend kaya hinayaan ko lang siya." "Sino ang nagsabi?" tanong niya. Kita niya ang paglunok ng babae. Tumingin din dito ang manager. Hula niya na gumawa ito ng kwento. Napaismid siya. Hindi lang ito magaling umarte, magaling din magtahi ng kwento. "B-but M-miss Katya said--" "Manager, go back to your work. This will be the last time na pagbibigyan kita. I want to talk to my 'girlfriend'," makahulugan niyang sabi. Nakuha naman nito agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Nagmamadali ito na nagpaalam sa kanya at lumabas ng kwarto. Alam niyang nabantaan niya ito. Naiwan si Muriel na kagat ang labi. "Muriel Santos alam mo ba na ikaw pa lang ang kauna-unahang nilalang na umubos ng pisi ko?" tanong niya dito. Diretso ang matalim niyang mata sa babae. "K-khalid, l-let me explain..." Sinubukan nitong lumapit sa kanya. Sinenyasan niya ang black guard na nasa tabi. Isang sampal ang ibinigay nito kay Muriel. Nananatili siya sa kinauupuan at hindi man lang siya makaramdam ng kahit anong awa sa babae. Tumilapon ito sa carpet. Palibhasa, hindi mahinang nilalang ang mga black guard kaya nagdugo ang gilid ng labi ng dalaga. Nasapo nito ang pisngi na mabilis na namaga. Halos mangiyak ito dahil halos mabingi ito sa pagkakasampal ng black guard. Tumayo siya mula sa kinauupuan. Tinitigan ng pailalim ang babae. "What did you do to Angel Jang?" Napalunok ito. "I did it because I love you Khalid… I love you Khalid. Isang hadlang si Angel sa pagmamahalan natin." Malayo ang nirarating ng mga mata nito. Hindi niya alam pero kinilabutan siya sa sinabi nito.  Parang mga basura na dumidikit sa balat niya ang mga kataga nito. "Please, patawarin mo na ako. You like me right? You love me right? We love each other, right?" "You killed your sister and you hide it well. Nakakatawa dahil nagawa mo ang lahat ng ito. Wala akong pakialam sa problema ng pamilya mo dati na naging puntos mo ngayon. Alam mo ba na 50 million ang halaga ng ulo mo dahil sa kalokohan na ginawa mo?" tanong niya dito. "I don't care! All I know is you are mine! I'm yours! Wala akong pakialam sa iba pa!" sabi nito. Bilib din talaga si Khalid sa talino ng babae at halatang wala sa tamang katinuan. Hinawakan niya ng mahigpit sa baba ang nababaliw na si Muriel. "Alam mo, masyado kang magaling eh. Nagawa mong bilugin ang ulo ng pinsan ko. Nagawa mong linlangin ang lahat sa pagkamatay ng kapatid mo nang nakaraang taon. Nagawa mong saktan si Angel Jang. Nagawa mo pang gamitin ang mga kalaban ng pamilya para kunwari ay may gustong manakit sa'yo.” "Akala mo ba ay walang nakakaalam na gawa-gawa mo mismo ang nangyari kaninang umaga? Let me tell you, kung kalaban ang may kagagawan ng nangyari sa 'yo siguradong hindi ako naiinis sa pagmumukha mo ngayon." Itinulak niya ang pisngi nito. Para kasi siyang humahawak ng nakakadiring bagay. Tumayo siya at saka ito tiningnan ng pailalim. "Tingnan natin ngayon kung gugustuhin mo na maging nobya ko." Nilingon niya ang mga bantay. "I need a Dark Guard na magbabantay sa kanya bente kwatro oras," utos niya dito.  "Yes, master!" Pumasok si Simon sa loob ng opisina. "Nakausap ko na si Angel. Nasa Circle Mall daw sila at may bibilhin sila ni Somia. Ayaw niya pang umuwi ng White Castle. Khalid, I feel that she's hurt." "You really don't like Angel Jang! She'll be dead! She must die! I'll kill her! " Sinenyasan niya ang black guard. Mabilis naman itong kumilos para sampalin muli ang babae. Wala na talagang natitira na bait sa pagkatao niya. Napuno na siya sa mga naganap. "Dalhin n'yo siya kay Tita Christen para masuri," utos niya bago lumabas ng silid. "Puntahan natin si Angel," hiling niya kay Simon. Hindi na ito sumagot at basta sumunod sa kanya ..... SUMAKAY siya sa sasakyan ni Simon. Halo-halo pa rin ang emosyon sa mukha ni Khalid. Kailangan niyang makausap si Angel para pabalikin ito sa Korea. Habang sakay ng kotse ng pinsan ay nakita nila si Angel Jang na yakap ni Gavin na nasa fountain sa entrada ng mall. "Bababa ako!" utos niya kay Simon. "Khalid! Calm down! Tandaan mo na si Muriel ang girlfriend mo, huwag kang gumawa ng kung anong aksyon!" saad nito na nahahati ang atensyon sa pagmamaneho at sa kanya. Ngunit wala rin itong nagawa nang buksan niya ang pintuan ng kotse habang umaandar pa ito. Napilitan si Simon na pahintuin ang sasakyan. Bumaba si Khalid at malalaki ang hakbang na tinungo ang pwesto ng dalaga. Huminto lang siya tatlong metro ang layo mula sa dalawa. Mas masakit pa lang makita na may kayakap na iba si Angel Jang sa malapitan. Ito ang naiisip niya. Para lang siyang estatwa sa kinatatayuan habang dumadaan ang mga tao sa paligid. Kita niya pa na panay ang haplos ni Gavin sa buhok nito. Maliliit na kurot sa dibdib ang ramdam ni Khalid habang iginuguhit sa isip niya ang eksena na iyon. Gusto niya sanang agawin ang babae mula sa bisig ni Gavin, pero ano ang magagawa ng isang kaibigan na katulad niya? Wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Simon palayo. "Bumalik ka na sa kotse! Ako na ang kakausap kay Angel!" anito na pabulong ngunit matigas. Parang lantang-gulay na sumunod si Khalid. Angel Jang gave him his first heartbreak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD