DETERMINADO ngayon si Khalid na mahuli ang salarin. Tinawagan niya si Katya para buksan ang ilaw. "Sobrang dilim dito sa loob. Pabuksan mo ang mga ilaw kahit dito lang sa hallway."
"Yes Master Khalid, nasabi ko na sa kanila."
Sapat na ang narinig niya mula dito kaya tinapos niya na ang tawag dito. Sunod na binuksan niya ang ilaw ng cellphone niya. Kinakabahan si Khalid habang naglalakad sa madilim na pasilyo.
'Now or never,' ito ang nasa isip niya ngayon.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagkaroon ng terorista sa loob ng school. Saka ano ba ang pakay ng mga ito. Isang taon lang siya noon nang huling magtagpo ang pamilya niya laban dito. Bakit nito gustong saktan ang malapit sa pamilya niya gaya ni Angel Jang?
Hindi niya alam kung ano ang pakay ng grupo nito sa kanila. Kumakabog ang dibdib niya habang dahan-dahan na naglalakad sa pasilyo.
"Meowwww!" Halos mapatalon siya sa kaba nang may pusa na tumalon mula sa itaas.
"Put--!" Nanggigil siya na napapikit ng mariin. Paanong nagkaroon ng pusa dito sa loob ng theatre?
'Hmp! Baka alaga ni Gavin!'
Inis na ipinagpatuloy niya ang lakad. Pinakikiramdaman niya ang paligid gamit lang ang maliit na liwanag mula sa cellphone niya. Malayu-layo na rin ang nahahakbang niya nang may pumukpok sa likuran niya.
Napadapa siya sa sahig at tumilapon ang cellphone niya sa di-kalayuan.
Madilim ang paligid at sinisino niya pa ang bulto ng maliit na babae na pumukpok sa kanya gamit ang tablang hawak nito.
"s**t!" mura niya na umikot para kilalanin ang taong nanakit sa kanya.
Hahampasin sana siya muli nito sa dibdib nang umikot si Khalid saka niya tinabig ang binti nito. "Ahh!"
Napaupo ito sa sahig ngunit agad din na nakabawi. Sabay sila na napatayo ni Khalid dalawang metro ang layo sa isa't-isa. Naglabas ito ng patalim. "Ngayon ka na mamamatay!" anito.
Tumalim ang mata niya dito. Hindi niya masyadong mamukhaan ang babae dahil kakaunti lang ang liwanag na ibinibigay ng cellphone niya na tumilapon sa sahig.
"Siguraduhin mo lang dahil baka magsisi ka sa huli!" aniya.
"Ahhhhh!" hiyaw nito habang nilalakihan ang lakad papalapit sa kanya. She pushed her knife on him. Paulit-ulit. Panay ilag naman niya sa mga hampas nito ng kutsilyo.
Pinagpapawisan na siya dahil mainit sa hallway. Mabuti na lang at nahuli ni Khalid ang braso ng babae. Pinigilan niya ang braso nito na patungo sa dibdib niya.
Sa inis nito ay sinipa siya muli nito. "Ah!"
Sinipa siya nito sa maselan na parte kaya siya namilipit sa sakit. Nabitawan niya ang braso nito ngunit sinipa niya ito sa tiyan. Sa totoo lang ay ayaw sana niya itong saktan at gusto lang niya talagang hulihin ang babae.
Ngunit wala pala siyang dapat ibigay na restriction dahil halata dito na plano talaga nito na patayin siya sa oras na iyon.
"Fu*k!" mura niya.
Umismid ito saka bumawi para saktan siya muli.
"Ahhhh!" Tumakbo muli ito sa gawi ni Khalid na namimilipit pa rin sa sakit hanggang sa kumalat ang buong liwanag sa kahabaan ng hallway.
Halos masilaw ang mata nilang parehas na nasanay sa dilim. Hawak ni Khalid ang noo na kumirot dahil pinipilit niyang labanan ang liwanag. Mabilis naman na nakabawi ang babae dahil sanay ito sa ganoong gawain.
"Ahhhh!!!!" hiyaw nito na patungo sa kanya. Ilang dipa na lang ang layo ng kutsilyo nito sa dibdib ni Khalid nang mahuli ang kamay nito ng dalawang black guard. "Master!"
Mabilis na napigilan ito ng isang black guard. Pinigil ng isa ang braso nito sa likuran habang sinuri siya ng isa pa. Panay ang pagpupumiglas ni Naomi para makawala sa kamay ng black guard ngunit duda si Khalid kung makatakas pa ito.
"Hans are evil! You must die! Your family must die!" panay ang hiyaw ni Naomi.
Mas kita na ni Khalid ang mukha ng babae dahil maliwanag sa hallway. Mataas lang ito ng isang pulgada kay Angel Jang. nakasuot ito ng pantalon at blusa. Maputi ito na halatang purong haponesa. Maganda din ang babae.
Namumukhaan niya ang babae sa tuwing kasama niya si Angel. Hindi niya akalain na minamanmanan na pala sila nito.
"Master, ayos ka lang?" tanong ng isa na sumusuri sa kanya.
"Prince Khalid, you must die!" sigaw nito.
Sa inis ng isang black guard ay sinampal nito sa pisngi si Naomi. "Shut up!"
Parang nabingi naman ang ttenga nito sa lakas ng pagkakasampal dito ng isang black guard. "What do you need from me?" tanong dito ni Khalid.
"Master, we must bring her to Matsui Villa. Mas maganda kung doon natin siya usisain."
Natanaw nila si Katya na may kasamang guard ng school na tumatakbo palapit sa kanila.
"Master Khalid!"
Inutusan niya agad ito na magdala ng sasakyan. "Ms. Katya, get your van here. We will bring her to Matsui Villa." Tumango naman ito saka lumabas muli.
Hindi dapat sila mapansin ng ibang estudyante para hindi rin maglagay ng panic ang school sa mga ito. Kapag nalaman ng mga ito na may nakapasok na terorista sa loob ng LIU, malalagay sila sa alanganin.
Dinampot niya ang tumilapon niyang cellphone saka tinawagan si Simon. "Bring your car to entrance B. Sabihan mo si Theodore na dalhin sa Matsui Villa ang mga resulta." plano niya na isunod si Muriel pagkatapos ni Naomi Fukoda.
"Alright!"
Saka niya tiningnan ang babae na matalim din ang tingin sa kanya. Nagpipigil siya ng inis dito.
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik nilang nadala sa Matsui Villa ang babae para usisain.
"Ilan kayong miyembro ng Hantataiga sa school?"
Hindi ito sumasagot.
"Ano ang kailangan mo kay Angel Jang?"
Hindi ito sumasagot tumitig ito sa kanya saka sumilay ang nakakademonyitang ngiti sa labi. "Hindi ako naniniwalang matalino ka dahil nabilog ni Muriel Santos ang ulo mo." Saka ito humalakhak.
"Tell me, is she your current girlfriend? Kawawa naman si Angel Jang. tsk tsk!" Nasa mukha nito ang parang sinapian ng kung ano.
"Ang nakakatawa, she killed her sister last year because she's too possessive. Lahat ng 'yan ay nadiskubre ng isang pulis nang nagdaang taon. Nakakatawa 'di ba? Have you ever thought kung bakit walang lumabas sa police report na siya talaga ang pumatay sa kapatid niya? Because he is Muriel's fan."
"He he… Para itago ang sikreto ng pagpatay ni Muriel sa ate niya, ginagamit niya ang katawan ng superstar na si Muriel hanggang ngayon." Saka ito tumawa. "What a b***h! Ang nakakatawa, nagkaroon ka ng nobyang baliw!"
Naikuyom niya ang palad. Malapit na siyang maubusan ng pisi para dito. Si Simon naman ay kinilabutan sa mga narinig. Nanggigigil ito dahil nainlab ang kapatid nito sa mas baliw pa sa mga baliw. A cringy expression showed on Simon's face.
Habang naiinis. Isang hindi rehistradong numero ang tumawag kay Khalid.
…..
SA ISANG silid sa Matsui Villa nila dinala ang babae. Tahanan iyon ng namatay na si Rob Matsui.
Sa Villa na iyon dinadala ang mga may sala sa pamilya nila. Tahanan iyon ng mga black guards na nasa Pilipinas sa kasalukuyan.
Dinala nila sa isang silid kung saan hinuhusgahan ang mga katulad nito si Naomi. Apat na black guards ang mapanuring nakatayo sa apat na sulok ng silid para bantayan ang babae at siguraduhin na hindi ito mananakit.
Nakatali ng mahigpit ang mga kamay nito sa likuran habang nakaluhod ito sa sahig. Diretso ang nanlilisik na mga mata nito kay Khalid.
"Ask someone to validate her information," utos niya sa isang black guard.
Tumango lang ito at saka lumabas ng kwarto. Hindi sila makapaniwala na nabilog ang ulo nila ng isang pangkaraniwang babae. Tulad ni Muriel Santos.
"I saw your pictures around the room on the internet last year. Kung si Muriel ang may ari ng kwarto, shes… she's creepy," nakangiwing saad ni Simon.
Wala namang salita na mamutawi sa bibig ni Khalid. Nakita niya ang kwarto na iyon at pinagpasawalang-bahala niya iyon noon. Why would he care about it anyway? But never in his thought that it will affect his current situation.
Nagawa niyang ikonektado ang mga bagay-bagay na nangyayari ngayon at saka ang mga naganap noong nakaraang taon. May Santos is Gavin's girlfriend during that time. Ayon sa mga nakalap niyang impormasyon ay ayos naman ang relasyon ng babae kay Gavin.
Nasa gitna sila na puno ng katanungan nang pumailanlang sa tahimik na kwarto ang cellphone ni Khalid. Isang hindi kilalang numero ang nakasulat sa screen.
Sa una pa lang ay masama na ang kutob nilang dalawa ni Simon sa tawag na iyon. Gayunpaman ay pinindot niya ang answer button. Hindi siya sumagot at hinayaan ang tao sa kabilang linya na sabihin ang pakay nito sa kanya.
"Khalid Matsui Han, I am giving you enough time para palayain ang girlfriend ko," sabi sa kanya sa kabilang linya sa salitang hapon.
Bahagyang nagtaas ang kilay niya sa narinig. Unang beses kasi na may magbanta sa kanya. Kahit si Gavin na madalas niyang makaalitan ay hindi nagbigay ng ganitong banta sa kanya sa nakalipas.
"Why would I?" Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanya ngunit matalim ang mga tingin. "Alam ko na ikaw ang mastermind sa naganap. Bakit ako matatakot sa isang tao na nagtatago sa saya ng babae?"
"Love! Help me!" sigaw ng babae.
Ramdam niya na lumamig ang boses at tono nito sa kabilang linya. "Siguraduhin mo na hindi mo pagsisisihan ang bagay na ito. I am the current leader of the group Hantataiga."
"Heh… is that so? Your group was just wild dogs 20 years ago. It's as if I'm scared. H'wag kang mag-alala dahil malapit nang maubos ang grupo mo kaya bantayan mong mabuti kaysa umaaligid ka sa 'kin dito sa Pilipinas."
"Looks like you don't know me at all. I am Master Ikuta's Heir. I am capable."
"Really?" Ipinaparamdam talaga niya dito na balewala lang ito sa kanya.
"I will show you then." Saka nito pinutol ang tawag.
Basta na lang ibinagsak ni Khalid ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa. Sa totoo ay nanginginig ang buong kalamnan niya habang kausap ang kung sinong Herodes ni Master Ikuta. Wala kasi siyang back up at wala dito ang magulang niya para hingan niya ng tulong.
"We need to bring that girl in Japan para isurrender sa Japanese Government," aniya sa isang black guard.
Hinila ng mga ito ang babae mula sa sahig at saka inilabas ng kwarto. Hindi siya naniniwala na matatalo siya sa laban na ito.
"Simon, go and find kung sino ang mga kinita ni Naomi Fukuda sa loob ng pamamalagi niya dito sa Pilipinas."
Nag-okay sign ang binata saka inilabas ang laptop nito.
Lumipas pa lang ang limang minuto ay tumatawag na si Angel sa cellphone ni Simon. Bahagya kumunot ang noo niya dahil si Simon ang naisip na tawagan ng dalaga.
"Bakit ikaw ang tinatawagan?" tanong niya dito hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Wala rin kasi siyang naiisip na sasabihin sa dalaga but he's hurt na hindi siya nito naisip.
"I don't know," sagot ni Simon bago tinanggap ang tawag ni Angel.
"Yes, Angel?" Nakatingin lang si Khalid sa pinsan niya habang kausap ang dalaga.
"Sorry. May… may klase kasi ako eh," narinig niyang pagsisinungaling nito.
"Ahh okay… Sorry ha, bye!" Nakatingin pa rin siya sa pinsan niya hangang sa ibaba nito ang cellphone.
"She's planning to go out with her friend, Somia," ani Simon.
Halatang hindi niya nagustuhan ang narinig. Nagbilin kasi siya sa bahay na huwag paalisin si Angel Jang sa white castle.
Tatawagan na sana niya si Xia nang maunang tumawag sa kanya si Katya. "Master Khalid, we don't know what to do with this Muriel Santos. Pinalalala niya ang sitwasyon. She posted something na boyfriend ka niya. There are pictures na dumalaw ka sa ospital nang malaman mo na nabundol siya kaninang umaga."
"She's imagining things!" naiinis nang sagot niya dito.
Kumirot ang sentido niya sa narinig. Hindi pa man naibababa ni Khalid ang tawag ay humiyaw si Simon sa tabi.
"F*ck!" mura nito.
Bigla ang tingin niya dito.
"Khalid, look!" Inikot nito ang laptop paharap sa kanya. Ipinakita nito sa kanya ang isang post sa isang blog sa LIU, isang blog ng isang news site at kung saan pa.
[I WANT KHALID MATSUI HAN'S GIRLFRIEND! REWARD: 50 MILLION]
"Siraulong to! Hindi ba niya alam na wala kang girlfriend?!" naiinis na komento ni Simon sa tabi.
Hindi pa siya nakakapag-isip ng gagawin nang magpadala ng mensahe sa kanya ang kausap kanina.
[Girlfriend to Girlfriend. Release my girlfriend!]
Matapos iyon ay si Kai naman ang sumunod na tumawag sa kanya. Sigurado siya na may 'ibon' na ang nakapagsabi dito ng nagaganap dito sa Matsui Villa.