SUMUNOD na tinawagan ni Khalid ang White Castle para sabihan ang mga tao doon na huwag paalisin si Angel Jang. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag n'yong palalabasin si Angel." seryoso na sabi niya kay Xia.
Sunod na ginawa niya ay nagtawag siya ng dalawang black guard mula sa White Castle na gagabay sa kanya dahil may kalaban sila sa loob ng eskwelahan. Kailangan niyang mahuli ang naglagay ng bomba sa kwarto ni Angel na ilang araw na niyang inaasikaso sa loob ng isang linggo.
Ala-una pa lang ng hapon ang kasalukuyang oras. Hindi niya alam ang sasabihin sa dalaga kapag nagtagpo sila nito. Nakatitig lang siya sa contact card nito sa cellphone niya at matagal na pinagmasdan ang larawan nito doon.
Pinutol lang ni Katya ang naliligaw niyang isipan.
"Master Khalid, may pangalan na kami kung sino ang babaeng tumutuloy sa katapat na dorm ni Miss Jang." binasa ni Katya ang notes nito sa cellphone. "Naomi Fukoda, 20 years old, 1st year. Pumasok siya dito isang linggo matapos mag-enrol ni Miss Jang."
Lumamig lalo ang mata niya. Para kasing planado ang lahat ng naganap. Kailan pa ba narito si Angel? Isang buwan pa lang.
"Where is she?" tanong niya dito.
"Ang balita sa akin ay nasa klase daw."
"We need to capture her after her class. Please make sure na may magmamatyag sa kanya sa klase." seryoso na sabi niya dito.
Lumabas si Khalid ng kwarto saka tinungo ang guard house katulad ng ginawa ni Alvin ng nagdaang araw. Tinanong niya rin ang parehas na guard kung pumasok si Muriel sa Ladies dorm ng dis-oras ng gabi nang dalhin si Angel sa ospital.
"Master, parehas kayo ng tanong ni Alvin kahapon. Yes, nakiusap nga si Miss Muriel na pumasok sa loob dahil tinawagan daw siya ni Miss Jang dahil masakit daw ang tiyan nito. Hinayaan namin siya na makapasok dahil pumasok na rin naman ang emergency at nurse para sunduin si Miss Jang. Mabuti na nga lang at panggabi ako ng araw na iyon." anang guard.
Inaasahan na niya ang sagot nito ngunit hindi niya maiwasan na masaktan.
Ekasakto naman na huminto ang kotse ni Alvin sa gate. Kasunod ang sasakyan ni Simon. Nakasunod ang mga sasakyan ng mga ito sa sasakyan niya na naroon din sa labas.
Mabuti na nga lang at may klase sa oras na iyon kaya hindi masyadong pansinin ang mga sasakyan nila na hindi madalas na nakaparada sa kalsada. Madilim ang mukha niya habang lumalapit ang dalawa sa kanya.
Hindi na siya nagdalawang-isip na pinadapo ang kamao niya sa pisngi ni Alvin.
Tumilapon ito sa gate na nasa tabi. Palibhasa ay naroon lang sila sa gate, mabilis na lumabas ang dalawang guard para pigilin ang gulo nila.
Ipinagpasalamat na lang talaga niya at kakaunti lang ang tao sa kalsada. Kumuha sila ng atensyon sa iba pang mga estudyante na naglalakad na nagulat dahil unang beses nilang mag-away ni Alvin.
"You traitor! What's in your brain?!" singhal niya kay Alvin.
Hindi ito nakasagot na halatang guilty ito sa ginawa. Sinapo nito ang pisngi na tumagilid. Hindi rin ito makatingin sa kanya.
Lumapit naman si Simon sa kanya para pigilin siya. Halata na hindi na ito naguguluhan sa kung ano ang nangyayari. Mukhang may balita na rin itong nakuha sa pinagawa niya dito.
Bumilog lang ang kamao niya at nagpipigil na saktan muli ang pinsan na si Alvin.
"Calm down… let's talk about it." ramdam niya na nahahati sa dalawa ang kalooban ni Simon.
"Alvin, I trusted you! Angel trusted you! Hindi ko inaasahan na may traydor sa grupo ko. You knew it since yesterday but you chose to be silent. Masyado kang nabulag ng kung ano ang nararamdaman mo." The sadness on his face was showing.
Hindi niya kasi akalain na maglilihim ito at pipiliin si Muriel kaysa sa kanila ni Angel. Kailan lang nito nakakasama si Muriel samantalang halos nabuhay silang lima na magkakasama simula pa lang noon; siya, si Angel at ang chipmunks.
Napasabunot na lang si Simon sa buhok nito.
"Alvin, you must stop for whatever you felt for Muriel right now. She's not the Muriel we used to know." napatingin ito sa paligid at napansin ang mga curious na tao sa kanila.
"Let's go to the photography club room. It's not safe to talk about the secrets here." bulong nito. Tinapik nito sa balikat ang kapatid at saka ito itinayo sa pagkakaupo nito.
Sumunod si Khalid na hindi maipaliwanag ang mukha. Lumulan sila sa iisang kotse patungo sa gusali kung saan naroon ang Photography club. Nasa likod lang siya ng sasakyan na malalim ang iniisip.
Tahimik naman si Alvin at nagpipigil naman ng inis si Simon.
Sabay-sabay sila na bumaba ng sasakyan at dumiretso sa kwarto ng photography club. Iba-iba ang makikita sa mukha nilang tatlo. Tahimik pa rin si Alvin at hindi nagsasalita.
Sinara ni Simon ang pintuan saka inilapag ang bitbit na laptop sa mesa.
"Listen Alvin! You want to know who she is, look at this." May mga itinipa ito sa laptop nito at iniharap sa kanila ang record ni Muriel sa isang psychologist.
Kapwa nabigla si Khalid at si Alvin sa nakita.
"Hindi ko alam kung kailan pa siya nagpapa-check up sa psychologist. She has had schizophrenia since she was ten at kasali doon ang psychosis. She's hallucinating things based on the records."
"Alvin, she's not safe," paliwanag nito sa kapatid.
"She's the one who's trying to harm Angel Jang." sabad ni Khalid na nakatitig ng diretso kay Alvin. "And you already knew about it! Ginamit ka niya para saktan si Angel. Tell me, ano pa ang mga nasabi mo sa kanya tungkol sa pamilya?"
Mabilis na bumalot ang takot sa mukha nito. Nag-ring ang cellphone ni Khalid bago pa man siya makapagsalita muli. Pangalan ni Theodore ang nasa kabilang linya.
Sinagot niya ang tawag nito. "Anong balita?"
"Nakuha ko na ang resulta," saad nito sa kabilang linya.
Pinindot niya ang speaker ng cellphone at inilapag sa mesa katabi ng laptop. "Let your brothers know kung kaninong DNA ang lumabas sa resulta," saad niya.
Malakas ang hinala niya na si Muriel ang may sala. Ang pinagbabasehan niya ay ang bulto ng katawan na lumabas sa CR ng mga babae. Malakas ang hinala niya na si Muriel ang taong iyon.
"Si Muriel Santos."
…..
HINDI maipaliwanag ang mukha nilang tatlo sa loob ng maliit na silid. Nagpipigil ng galit si Khalid, inis ang makikita sa mukha ni Simon at bahid ang sakit sa mukha ni Alvin.
He knew that he felt devastated. Kasalukuyan nilang hinihintay si Theodore na pabalik na sa eskwelahan.
"Another thing, kung si Muriel ang may schizophrenia, may posibilidad na hindi nagpakamatay si May Santos nang nagdaang taon. Wala akong nakitang record na tulad ng sinabi sa balita na nababaliw si May. It doesn't connect with what I have learned right now," saad ni Simon bago tumingin sa kanila.
Alam na rin ni Khalid ang tungkol doon. May malaking posibilidad na si Muriel talaga ang may sala at itinago ito ng magulang nito.
Parang gusto niyang maiyak dahil nagkaroon sila ng baliw na kasama. Ang masama, ang nalagay sa kapahamakan ngayon ay si Angel Jang. Kabi-kabila ang nais na mapahamak ang dalaga.
"Alvin, do you know what I mean? Hindi ka safe kay Muriel, and as your brother you must listen to me. Please stop your feelings for her. She's creepy!" saad ni Simon.
Nasuntok naman ni Khalid ang pader kaya bahagyang napaigtad ang dalawa.
"I am so disappointed with myself. You guys have been with me every single day. Alam ko na hindi kayo ang mga assistant ko at hindi ko kayo sinuswelduhan dito pero ipinagkatiwala kayo sa akin ng magulang ninyo…"
"What about your parents? What would Tito Mat and Tita Donna would feel if they ever learned you failed because you fell in a girl's trap?"
Nahihirapan sa pagsasalita si Khalid dahil hindi niya kayang tanggapin ang ganito. Nagsimula naman magpaliwanag si Alvin.
"I'm sorry… kagabi nangako kasi ako kay Muriel na huling pakiusap na ito na itatago ko sa inyo kung ano ang ginawa niya kay Angel. I hide the truth because I know na lilitaw din ang nangyari. Alam ko na malalaman n'yo rin ang totoo." Nakayuko ito at hindi makatingin sa kanilang dalawa ni Simon.
"Alvin, what if that was Angel's last day? Paano kung natuluyan siya na napatay ni Muriel? Iba ba ang mararamdaman mo? Would you still choose Muriel Santos?"
Natigilan ito sa tanong niya.
Nagbell ang buong alarm tanda na tapos na ang klase. Naalarma naman si Khalid na sinilip ang relo niya saka hinarap ang dalawa. Bigla siyang nataranta.
"We have to go. We have to find this Naomi Fukoda. I called two black guards na aalalay sa atin," sabi niya sa dalawa.
"Alvin, much better if you stay in your apartment. Gusto kong pag-isipan mo kung saan ka nagkamali. I am really disappointed in you. Kahit huwag na lang sa akin, kahit kay Angel na lang na halos naging ate mo na rin sa loob ng ilang taon." napapailing na sabi niya dito.
Lumabas sila ng Photography Club room. Nabigla sila sa dami ng estudyante na nakakalat sa paligid.
's**t!'
Nagring ang cellphone niya. "Master, nakahalata si Naomi sa plano natin. She's running pagkatapos ng klase. Napansin niya 'yung dalawang bodyguard ni Sir Anthony. O kaya naman, tama ang hinala natin na may kasabwat talaga siya sa eskwelahan."
"s**t! Where is she?"
"Papuntang building A."
"Send her photo sa black guards, kay Simon at kay Theodore."
Naroon lang sila sa building C kaya malapit-lapit lang sila sa lugar ng Building A.
"Simon, let's go!" Tumakbo silang dalawa ni Simon kahit pa nga napakaraming estudyante sa paligid.
"Excuse!" Sigaw niya.
Parang mga langgam naman ang mga ito na mabilis na nahawi habang tumakbo sila sa hallway. Bakas ang katanungan sa mga mukha ng mga ito kung sino ang hinahabol nila ni Simon.
Nang makalabas sila ng Building C, bahagyang nakahinga ng maluwag ang magpinsan. Hindi na kasi ganoon kakapal ang mga estudyante.
Tinawagan niya ang numero ni Katya. "Nasaan na kayo? We must capture the girl!"
"Master, pumasok sa loob ng Drama theater ang suspek."
Bigla siyang napahinto sa pagtakbo at saka lumiko sa kalsada patungo sa drama theater kung saan nagpapractice madalas ang grupo ni Angel. Hindi niya lang alam kung bukas ang theater sa kasalukuyang oras dahil ang pagkakaalam niya ay ipinasara muna iyon ng dean ng school.
Ibinuhos niya ang lahat ng lakas para mahabol ang salarin. Ito na kasi ang huling tyansa na ibinigay sa kanya ng Daddy ni Angel. Hindi siya pwedeng mabigo. Isusunod niya si Muriel kapag nahuli niya ang babae.
Ilang metro na lang ang layo sa theater nang madulas si Simon sa likuran. "Putang--!"
Napalingon siya dito. Nakasalampak ang puwitan nito sa basang sahig. Paambon-ambon kasi ang panahon. Eksakto naman na may tumawa sa kabilang kalsada. Sabay silang napalingon ni Simon.
Natagpuan nila si Santa na tinakpan ng kamay ang bibig nito para pigilin ang tawa. Hindi na ito pinansin pa ni Khalid at nagpatuloy siya sa pagtakbo.
Pinukulan naman ito ng masama ng pinsan niya at napapailing na lang ang dalaga na nagpatuloy sa paglakad. Bahala na muna si Simon. Wala siyang time na tulungan ito na makatayo dahil nagmamadali siya.
Mabilis na natanaw niya si Katya na nag-aabang sa main entrance. "Master!"
Habol niya ang hangin dahil sa mahabang pagtakbo.
"Nasaan na siya?" tanong niya dito sa pagitan ng paghingal.
"Nasa loob. Dumating na 'yung dalawang back up na naka-itim. Hinahanap na rin nila sa loob ng theater si Miss Fukoda," anito na ang tukoy ay ang dalawang black guards.
"Papasok ako." Hindi na hinintay pa ni Khalid ang isasagot nito at mabilis siyang tumakbo patungo sa gilid dahil nakasara ang main entrance.
Determinado siya na mahuli ang salarin. Siguro dahil wala na siyang tiwala sa mga tao sa paligid niya dahil sa ginawa ni Alvin, kaya mas gusto niya na mahuli mismo si Naomi Fukoda.
Pinihit niya ang bawat pintuan ng theater hanggang sa may mabuksan na isang pinto papasok. Isang madilim na hallway ang bumungad kay Khalid. Nagdalawang-isip siya ngayon kung tutuloy sa loob o hindi.