NAGTUNGO si Khalid sa ospital kung saan naroon si Muriel. Inaalam niya kung ano ang nangyari sa babae. Kung tutuusin, hindi ito ang ikalawang beses na nadawit ang pangalan niya sa pamilya ng mga Santos. Ang una ay sa ate nito na si May Santos.
Pinuntahan niya ang dalaga para alamin kung ano ang nangyari dito.
Hinawi niya ang kurtina ng kwarto sa emergency at natagpuan ang dalaga na kasalukuyang sinusuri ng doktor. Nasa loob ang PA nito at may isa pang lalaki, ang manager ng dalaga.
Agad na nagliwanag ang mukha ni Muriel nang makita siya. "Khalid..."
Pinasadahan niya ng tingin ng mabuti ang anyo ng dalaga at kakaunting galos lang ang nakita niya sa katawan nito. Bahagya siyang nagduda kung Hantataiga ang may gawa sa mga galos nito. Kung terorista kasi ang gumawa sa babae ng pagkakabundol nito, sisiguraduhin ng grupo na mamatay si Muriel sa oras na iyon mismo.
"What happened?" seryoso na tanong niya.
"Khalid, I think someone wants to harm me," saad ng dalaga na namumula ang gilid ng mata tanda ng pagbanta ng pag-iyak.
Tahimik si Khalid. Para sa kanya, isang amateur ang nagtrabaho na ito kay Muriel. Nasa isip niya na posibleng nasagi lang ito ng sasakyan at itinuro na siya ang may kasalanan ng Manager ng dalaga.
Hantataiga group is known for their bomb threats. Hindi isang pipityugin na pagsagi lang sa katawan ng biktima nito. Habang patungo doon, ang nasa isip niya ay sugatan ng sobra ang babae kaya mabilis siyang nagmadali lalo na at naisip niya na baka nadawit ito sa pangalan niya.
"What happened?" tanong niya sa assistant. Kita niya ang takot sa mata nito.
"Ma-master, I'm sorry kung na-late po ako ng pagsundo sa kanya." bigla itong napayuko. Hindi siya sumagot. Hindi naman niya problema kung malate ito sa pagsundo kay Muriel. Ang problema niya ngayon ay kung bakit nasaktan si Muriel at dawit ang pangalan niya.
Hinintay niya ang doktor na sumuri sa dalaga. "Kaunting galos lang ito. Wala kang dapat ipag-alala," sagot ng doktor kay Muriel.
"I'm going," aniya sa mga ito.
"Master, hi-hindi ka ba mag-i-stay?" tanong ng assistant.
Binalik niya ang tingin dito. "Bakit kailangan kong mag-stay?"
"Because she's here," naisip nitong isagot.
Nilingon niya ang dalaga na namumula ang mata. "Kung mayroon man na dapat na nandito para masiguro na ayos ka. 'Yon ay ang magulang mo. Where are they?"
Hindi ito nakasagot.
"I'll call Alvin para samahan ka."
"P-please don't." agad na tanggi nito. Hindi niya alam kung ano ang nais o gusto nito. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkainis.
Hinarap niya ang Manager nito. "Ikaw na ang bahala dito. Send over the expenses on my accountant. I'll investigate this matter, don't worry." hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito at lumabas na lang ng kwarto.
Para siyang nakahinga ng masarap na hangin nang makalabas ng ospital. Sasakay na sana siya ng kotse sa parking nang mapuna niya ang kotse ni Alvin na naka-park ilang kotse ang pagitan mula sa kanya. Kumunot ang noo niya at nilapitan ito.
Kinatok niya ang bintana ng sasakyan nito. "You are here. Dadalawin mo ba si Muriel?" tanong niya nang ibaba nito ang bintana.
"She doesn't like to see me," sagot nito na walang makitang emosyon sa mukha.
"Then, why are you here?" Alam niya na gusto nitong malaman kung kamusta ang dalaga. Hindi napalagay ang mata nito.
Aayain na sana niya itong bumalik sa White Castle nang mag-ring ang telepono niya at tumawag si Katya. Sekretarya ni Anthony na pinakiusapan niya na suriin ang kwarto ni Angel Jang sa eskwelahan. Nakukulangan kasi siya sa mga bumalik na findings sa kanya.
Makukuha na ang resulta ng DNA ng sumbrero at mask sa hapon sa araw na iyon. He's not looking for just a finger print but the whole DNA. Kung ginamit ng salarin ang cap at mask, may maiiwan na mga marka ang salarin sa dalawang bagay na iyon.
Wala siyang ibang naiisip na malayang makakapasok sa kwarto ni Angel kung hindi ang sekretarya ng uncle Anthony niya na may access sa buong school. Pwede nitong makuha ang lahat ng kailangan niya.
"Master, there is something in her room," saad nito sa kabilang linya.
"What do you mean? What is it?"
"A bomb."
Nanlaki ang mata ni Khalid sa narinig. Tumingin siya kay Alvin na nakakunot ang noo. Hindi kasi nito naririnig ang pinag-uusapan nila ng sekretarya sa kabilang linya.
"Mabuti na nga lang at napansin ng kasama ko ang itim na wire sa gilid ng pintuan tapos nakita namin na madaming wires ang lumitaw nang ilawan namin ng flashlight ang siwang. Once Miss Jang opens the door, the detonator will start the timer for 5 minutes. Sa palagay ko alam ng salarin na ngayon ang balik ni Miss Jang sa eskwelahan."
"Nakita namin agad ang mga wires sa labas pa lang ng pintuan kaya tumawag kami ng tulong para hindi magalaw ang timer. I am now here in the function room para alamin kung sino ang mga nagpunta sa kwarto ni Miss Jang."
"Okay. continue to investigate." saka niya pinutol ang tawag niya dito. Dumoble ang kaba sa dibdib ni Khalid. What is happening on earth right now? Bakit may bomba sa kwarto ni Angel?
Sunod na tinawagan niya si Simon.
"Simon, alamin mo kung sino ang may kasalanan sa naganap kay Muriel ngayong umaga," sabi niya sa lalaki.
"Augggh…. Bakit kailangan ko pang alamin? Hindi ko ba kailangang mag-aral? Why do I care about her?" naiinis na saad nito sa kabilang linya.
"Because I want to know kung sinusubukan lang ba ako ng salarin. Listen, may nakitang bomba sa pintuan ng dorm ni Angel."
"What?!" sabay na tanong ni Alvin at Simon. Iyon nga lang, nasa tabi niya si Alvin. Napababa ito ng sasakyan.
"Gusto kong malaman kung iisang tao lang ba ang may kasalanan nito."
"Alright! Alright! Anyway, kaaalis ko lang ng White Castle. She's sad."
Doble ang kaba niya sa mga oras na iyon. Ngayon naman ay hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Halo-halo ang emosyon at nasa isip niya. Posible na nakita na ng dalaga ang balita ni Muriel.
"Another thing, Kailangan natin malaman kung ano ang nangyari kay May Santos nang nakaraang taon. Paano akong nagkaroon ng super fan na tulad niya at kung bakit siya nagpakamatay nang dahil lang sa hindi ko siya pinapansin sa opisina?"
"Her parents said, she's lunatic," anito sa kabilang linya.
"Pero maayos ang relasyon niya kay Gavin."
"Hindi ba at ganoon naman ang mga nababaliw?" agad na buwelta nito.
Tinapos niya na ang tawag dito saka hinarap si Alvin. "Much better kung ikaw ang maging bantay ko sa pwesto ni Muriel." tinapik niya ito sa balikat.
Naiwan si Alvin na hindi maipaliwanag ang mukha. Halo-halo ang emosyon na makikita sa mukha niya. Pagkaguilty, kalungkutan at pagsisisi.
…..
MATAPOS makaalis ni Khalid sa emergency room sa ospital, hindi napigilan ni Muriel na ibato ang cellphone niya sa pader. Mabilis na nabasag iyon at halos naghiwa-hiwalay ang bawat parte nito.
Natatakot naman ang assistant.
"Calm down," saad ng Manager. "Ang mahalaga ay aalamin ni Master kung ano ang nangyari sa'yo. His family has the best group not just in the country but in the world. Don't worry about it at lilitaw din ang naganap. Aayusin ko na ang bills dahil pwede ka na daw umuwi." lumabas ito ng kwarto matapos nito iyong sabihin.
That is her biggest problem, ang malaman ni Khalid ang totoo! Kinakabahan siya at hindi alam ang gagawin kapag lumitaw dito ang mga ginawa niya. Kinakagat niya ang kuko at hindi alam ang gagawin habang nakaupo sa hospital bed na may berdeng sapin na mas madilim pa sa mga dahon.
Kinakabahan naman ang assistant niya sa isang gilid. "Mam Muriel, paano kapag nalaman ni Master na ako ang dahilan kung bakit ka nabundol kanina?"
Isang matalim na titig ang ipinukol niya dito. "Wala kang sasabihin. Naiintindihan mo?"
Kinakabahan naman ito dahil sumunod lang ito sa kagustuhan niya. Nangangatog din ang buong kalamnan niya tulad nito dahil malaki ang pagkakasala niya sa ginawa. She needs her medicine right away because she doesn't know what she will do in a next second.
Stress ang pakiramdam ng buong muscle at isip niya. Gusto niyang manakmal ng tao.
"Get out!" singhal niya sa PA. mabilis naman itong sumunod.
Nalaman niya ang lahat kay Alvin noon na may banta sa pamilya ni Khalid at ginamit niya iyon para sana mapalapit sa lalaki ngunit hindi niya akalain na aabot sa ganito. Ang lalong lumaki ang problema.
Ayon kay Alvin, lahat ng tao na napapalapit sa pamilya ni Khalid ay may malaking banta sa kung anong grupo. Hindi niya na inintindi kung anong klaseng grupo iyon. Basta simula pa lang daw sa magulang nito ay madalas na itong mapahamak.
Nang nagdaang gabi, inutusan niya ang assistant na ilabas ang larawan nila ni Khalid sa ospital at ilabas na may sikreto silang relasyon nito.
Nang umaga naman na iyon, Inutusan niya ang PA niya na sagiin siya ng sasakyan at kunwari ay tinakbuhan siya nito. At dinala siya sa ospital na kunwari ay huli na ito dumating sa tahanan nila at ang iba ay gawang kwento na lang ang ibinigay nila kay Manager.
Halos magdugo na ang ilalim ng labi niya dahil sa sobrang pagkakakagat niya doon. Ano ang gagawin niya ngayon? Hindi siya nag-isip ng mabuti sa plano niya ngayon at masyado siyang nagmadali.
Ano ang susunod niyang hakbang?
.....
NAGTUNGO si Khalid sa school ng LIU sa ladies dorm kung saan naroon si Miss Katya. Bahagya nang nagsisimula ang pag-ambon sa lugar kaya basa ang kapaligiran. Berdeng-berde ang mga halaman dahil tila nalinisan ang kapaligiran ng bahagyang pag-ulan.
Nang makarating siya ng LIU, wala nang pag-ambon ngunit bahagyang madilim sa paligid kahit pa nga katanghaliang tapat.
Hindi na siya nagdalawang-isip na tinungo ang workroom ng Admin office kung saan naroon ang sekretarya ni Anthony matapos niyang mag-park sa tapat ng main gate. Seryoso ang makikita sa mukha niya dahil hindi siya natutuwa sa nagaganap.
May nagtatangka sa buhay ni Angel Jang at gusto niyang alamin kung sino ang taong ito. He doesn't want to fail again this time.
Sunod na tinawagan niya si Theodore para hingin naman ang tulong nito na kunin ang resulta ng DNA ng sobrero at mask sa Tita Christen nila. "Go get the result. Lalabas daw ngayong hapon. Knowing Tita Christen, sigurado na may resulta na siya."
"Pwede bang magreklamo?" anito sa kabilang linya.
Sumasakit ang ulo niya sa chipmunks dahil hindi siya makakuha ng magandang tulong sa mga ito. "Please, this is for Angel Jang. May nangyari ulit na hindi maganda kaya kailangan kong makuha agad ang sagot."
Tingin niya ay epektibo ang sinabi niya dito kaya nagsabi na lang ito ng "okay".
Nag-angat ng mukha si Katya nang buksan niya ang pintuan. "Master Khalid, you're here."
Nilapitan niya ito. Agad naman na tinuro ng babae ang nasa screen. "This girl, siya ang naglagay ng bomba sa pintuan ng kwarto ni Angel Jang. Someone helped her to tampered the CCTVs sa hallway pero hindi nakaligtas ang pagpasok niya sa katapat na dorm room ni Miss Jang."
"Base sa bomb expert na tinawagan namin na nagtanggal ng bomba, it will take ten minutes to set-up the bomb," paliwanag nito.
Pinakita ng babae ang video kung saan nagkaroon ng glitch ang CCTV footage. "Stop!" utos nito sa tech guy.
"You see here, I think this was the time na ginalaw ang video. Play it again and forward to 10 minutes." utos muli nito.
Sinunod naman ng tech guy ang inutos dito ni Katya at nakita ang pag-galaw ng isang pintuan. "we checked the whole place during this same time at ang kwartong ito lang ang kahina-hinala."
Sunod na ipinakita nito ang araw na dinala si Angel Jang sa ospital. Ipinakita kay Khalid na nagkakagulo ang mga estudyante sa kwarto ng dalaga. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Khalid ang matangkad na si Muriel na nakasuot ng jacket. "Stop!"
Napalingon sa kanya ang dalawa. Nakakunot ang noo niya na pinalakihan ang screen sa parte ng dalaga. "Zoom this part."
Mas kita niya sa screen ang mukha ng babae. "What is she doing here? She's not supposed to be in this dorm." mahina lang na saad niya.
"Master Khalid, you have the same reaction as Alvin yesterday," saad ng tech guy.
"You mean nakita ito ni Alvin?" tanong niya dito.
"Yes, he asked me to forward this video on his phone." naguguluhan naman na sagot nito.
Lumamig ang mata niya sa narinig. Hindi niya pa nakausap ang pinsan nang nagdaang araw pero may hinala na siya kung bakit hindi ito nagpunta sa White Castle nang nagdaang gabi.
'He wants to protect Muriel.'
Kinuha niya ang cellphone at pinindot ang numero ni Alvin. "Where are you? Meet me here at LIU."