PATULOG na sana si Angel nang mag-ring ang telepono niya at tawagan siya ni Simon. Nakakunot ang noo ni Khalid habang nakatingin sa kanya nang sagutin niya ang tawag ng pinsan nito.
"Hello?"
"'Yung kaibigan mo na si Somia Kim, nandito sa bahay namin."
Nabigla din siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala na nasa bahay ng triplets ang dalaga. Mahigpit kasi ang pamilya nito kumpara sa mga Chen at Jang. Kung anu-anong katanungan ang umiikot sa isip ni Angel. Naisip niya na baka prank lang ang sinabi ni Simon.
"Weh? Ginu-good time mo lang ako e."
"Hindi noh. Totoo na narito talaga si Somia sa bahay namin. Saglit, ipapakausap ko siya sa iyo," anito sa kabilang linya.
Ilang saglit lang ay narinig na niya ang boses ng babae. "Hello, unnie."
Nanlaki ang mata niya nang mabosesan ito. "Somia? W-what are you doing here?" tanong niya.
Bigla itong umiyak sa kabilang linya. "Unnie, I'm so kawawa talaga. My Dad arranged a marriage for me kaya ako nagpunta dito but all of my money and IDs are gone. Nahulog sa ilog. Tapos, I met the chipmunks, ginugutom nila ako dito. Hu hu."
Angel "..."
Narinig na lang niya ang boses ni Alvin sa kabilang linya. "Anong ginugutom ka diyan?! Matapos mo akong lokohin na may pambayad ka nga d'yan tapos bigla mo pa ako pinahabol sa mga men-in-black."
May ideya na si Angel na tumakas ito sa ibang bansa. Nabigla lang siya na nagkita ito at ang chipmunks na ipinagpasalamat niya. Kapag nawala ito ay sigurado na magi-guilty siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Umalis sa'min. Masama kasi ang loob ko sa amin. Saka nagpadala ako sa 'yo ng message, hindi mo ba nakita?"
Napakamot siya sa ulo. Aminado siya na hindi niya pa nga nakikita ang mensahe nito. Hindi kasi siya nagtsek ng cellphone niya sa maghapon.
"H'wag kang aalis sa bahay ng triplets okay." Kapag may nangyaring masama dito ay hindi niya alam kung paano ang gagawin. "Pakausap ulit kay Simon."
Narinig niya muli ang boses ni Simon. "Ano ba naman ang mga kaibigan mo Angel? 'Yung isa sadista. Heto namang isa, masyado makulit saka pinasasakit niya ang ulo namin dito sa bahay. Daig pa namin ang may alaga na tatlong tuta."
Napangiwi siya. Kilala niya si Somia dahil bata pa lang ay sumusunod-sunod na rin ito sa kanya kaya nakaka-relate siya sa sinabi ni Simon.
"Please take care of her. Kapag may nangyari sa kanyang masama, hindi natin alam kung ano ang posibleng resulta. Bring her here tomorrow."
"Alright! Dahil kaibigan mo siya, kami na ang bahala."
Tinapos niya ang tawag nito saka hinarap muli si Khalid. Napalunok siya. "May kaibigan kasi ako na dumating at natagpuan siya ng chipmunks."
"Hmm."
Pansin n Angel na nitong mga nakaraan ay nagkakaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Khalid kaya pinakalma niya ang sarili saka sinabihan ito na mahiga na sila at may pasok pa siya sa kinabukasan. Bukas niya na iintindihin ang problema kay Somia.
Sigurado na makakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya nito.
Sumampa siya sa kama saka niya naramdaman na tumabi ito sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang na hindi niya naramdaman sa nakalipas. Sa ilalim ng madilim na gabi, kumakabog ang dibdib niya.
"Brother Khalid, are you still awake?" tanong niya matapos ang ilang minuto.
"Hmm."
"Our birthdays will happen next month? Is there anything you wish to have on your birthday?"
"None. Just spend my day with you and of course I am hoping na sana makasama ko ang pamilya ko kahit imposibleng mangyari."
Hindi niya ito sinagot. Maraming mga bagay ang nasa plato ngayon ni Khalid. At dumagdag pa sa iniisip nito ang kaso niya.
"Brother Khalid, hihilingin ko sana na huwag mong sasabihin sa akin kung sakali na malaman n'yo na kung sino ang gustong lumason sa akin."
Nabigla si Khalid. "Why?"
"It will hurt me more kapag nalaman ko kung sino ang taong iyon. Sa loob ng mga linggo na nagstay ako dito sa Pilipinas, wala pa akong natatandaan na nagkaroon ako ng atraso sa kahit na kanino."
Naramdaman niya na humigpit ang hawak ni Khalid sa kamay niya. "I will do my best to protect you."
Nakatulog siya sa sinabi nito.
Kinabukasan, hindi nila akalain na maaaksidente si Muriel. Isang van ang humarurot na sumagi sa babae habang hinihintay nito ang sasakyan ng MGM. Tumalsik ang katawan nito sa kalsada.
Naging laman ng balita ang kaso nito. Nasa hapag si Angel nang may tumawag kay Khalid. Ang manager ni Muriel.
"What?!"
"Master, hindi namin alam kung sino ang tao na nais na saktan si Muriel. Kagabi kasi lumabas sa balita na magnobyo kayo. Lumabas ang larawan ninyong dalawa sa internet na magkahawak ang kamay sa isang lobby sa ospital."
Sinilip ni Khalid ang cellphone niya para lang makita kung ano ang mga larawan na sinasabi nito. Hindi maipaliwanag ang mukha niya dahil sa mga nababasa sa online news at mga larawan na bumungad sa kanya. Saka niya inilipat ang tingin kay Angel Jang.
Lumilipad ang isip niya sa kung anu-anong bagay. Hindi niya maiwasan na maisip na baka terorista ang gumawa kay Muriel nang bagay na ito.
Una ay si Angel dahil napabalita rin na nobya niya ang dalaga sa school ng LIU.
"I am going…" paalam ni Khalid. "Mas maganda na magleave ka muna sa school ngayon." kinuha ni Khalid ang Jacket saka nagmamadaling umalis ng White Castle.
Nabigla na lang si Angel dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi niya maiwasan na masaktan nang makita sa internet na kaya ito nagmadali na umalis ay dahil nasa ospital si Muriel.
…..
NAGPASALAMAT si Angel na hinatid ni Simon si Somia sa White Castle kaya bahagya siyang naaliw ng kaibigan. Tulad ng inaasahan ay tinawagan siya ng magulang ni Somia para alamin kung kasama niya ang kaibigan at inamin niya agad na naroon ito sa bahay ng mga Hans.
Hindi niya papangarapin na magsinungaling kung ayaw niyang malagay sa alanganin.
Mukhang napanatag naman ang magulang ni Somia at sinabihan siya na susunduin ng mga ito ang dalaga sa susunod na araw.
Nakiusap siya na kung maaari ay sa kanya na muna si Somia kahit sa loob lang ng isang linggo dahil na rin sa medyo kinakain ni Khalid ang isip niya. Kung kasama si Somia, kahit papaano ay maaaliw siya nito.
Nagpaalam siya na ipapasyal si Somia sa lugar at pumayag naman ang mga ito.
Gayunpaman, kahit na kasama niya ang kaibigan ay lumilipad pa rin ang isip niya sa nangyayari kay Khalid para sa araw na iyon. Nasaan na ito? Inabot na ng hapon ngunit hindi pa ito nakabalik sa White Castle. Nakatingin lang siya sa cellphone niya at naghihintay ng tawag mula kay Khalid.
"Unnie, what's in your mind?" tanong nito na itinigil ang paglalaro sa laptop niya ng computer games.
"Nothing…" ngunit may bakas ng kalungkutan ang boses. "Do you want to go outside?" sa halip ay tanong niya dito. Nagliwanag ang mukha nito sa nadinig.
"Yes please. I want to go outside please. I need dresses and other things. Let's go to the mall!" sunud-sunod na sabi nito. Tumayo na ito at lumingkis sa braso niya.
Pinilit niyang ngumiti. Nais niyang lumabas ng bahay para kumalma ang kalooban niya.
Sa loob ng trenta minutos ay nakahanda na sila ni Somia. Iyon nga lang ay wala silang sasakyan na maghahatid sa kanila sa mall. Liblib ang lugar ng White Castle. Sa pinakalooban pa ng village ito makikita at walang ibang masasakyan na dumadaan.
Tinawagan niya si Alvin ngunit hindi ito sumasagot. Tinawagan niya si Simon ngunit may klase daw ito at gano’n din si Theodore. Ang ekstrang van sa bahay ni Khalid ay libre ngunit walang magmamaneho para sa kanila ni Somia. Nag-aasikaso kasi si Xia ng mga kailangan sa bahay na iyon.
"Paano 'yan? Wala pala tayong sasakyan," sabi niya sa kaibigan.
Sumimangot ito sa narinig. Eksakto naman na nag-ring ang cellphone ni Angel at nakita niya sa screen ang pangalan ni Gavin. Ilang araw niya rin na hindi ito nakita at nakausap. Sinagot niya ang tawag nito.
"Hello."
"Hello Angel Jang. Kamusta ka na? Akala ko ay babalik ka na sa klase ngayon. Hindi kita nadalaw sa ospital dahil alam mo na, ayokong mag-clash kami ni Khalid sa ospital."
"Don't worry, I understand. Baka bukas na ako bumalik sa pagpasok sa klase," aniya sa lalaki.
"That's good! Aayain sana kitang kumain kung libre ka ngayon," anito.
Sa palagay niya, nasa isip nito na naroon lang siya sa dorm kaya ganito ang salita ng lalaki sa kabilang linya.
"I'm here sa bahay ni Khalid." bigla niyang naisip na magpasundo dito. "Yeah, bakit hindi mo na lang kami sunduin ng kaibigan ko? 'Yon ay kung ayos lang sa'yo."
"Kaibigan?"
"Sunduin mo na lang ako. I'll send you the address," sabi niya dito. Pumayag naman ito na sunduin siya sa White castle. Ipinadala niya agad ang address kay Gavin matapos itong makausap.
"Ha'yan na, huwag ka nang malungkot. May susundo na sa atin na isang kaibigan," sabi niya dito.
Inabot ng fifteen minutes bago huminto si Gavin sa gate. Tinawagan nito si Angel para ipaalam na naghihintay na ito sa labas ngunit hindi niya akalain na haharangin sila ng mga guwardiya ng White Castle pagdating sa gate.
"Miss Angel, mahigpit ang bilin ni Master Khalid na hindi ka namin palalabasin," saad ng guwardiya.
"Tell your master, ako ang masusunod. Pupunta kami sa mall ni Somia."
"Miss Angel..." kakamot-kamot ang guwardiya.
"Open the gate!" naiinis na niyang sabi.
Wala nga sa bahay na iyon si Khalid pero ayaw siyang paalisin ng mga ito. May plano ba si Khalid na ikulong siya sa bahay nito? Naiinis na talaga siya kay Khalid. Napilitan ang guwardiya na palabasin sila ni Somia. Nakita nila agad ang sasakyan ni Gavin na naghihintay sa tapat kaya sumakay agad sila sa sasakyan nito.
"I'm sorry, medyo nahirapan pa kasi kami na makiusap sa guard na palabasin kami ng gate," sabi niya dito matapos nila makasakay ni Somia sa kotse nito.
"I never thought na sobrang higpit ng mga guwardiya sa bahay nila Khalid… Sa bahay kasi namin ay hindi naman ganito kahigpit," anito. Naalala niya na sa ibang bansa nga rin pala ito nakatira na katulad niya.
Hindi na rin nagtaka si Angel dahil maraming sikreto ang pamilya ni Khalid at normal lang na maghigpit ang mga Han.
Bilang anak ng isang Dark Guard, may kakaunti siyang nalalaman. Isa na nga sa mga iyon ang mga bagay na makikita sa loob ng bahay. Hindi maaaring ipasa sa iba ang mga bagay na makikita sa loob ng white castle.
Bawal kuhaan ng litrato o larawan ang bahay ni Khalid at pili talaga ang lahat ng taong bibisita sa loob.
Kaya nga nabigla siya noon na nakapasok si Muriel. 'Muriel?'
"By the way, narinig mo na ba ang balita? I heard Muriel and Khalid are dating kaya nadisgrasya si Muriel," saad nito.
"You heard?" bigla ang pag-angat niya ng mukha kay Gavin.
"Yeah, inamin ni Khalid na nagde-date na sila ni Muriel noon pa. Hindi mo alam ang tungkol doon?"
Natigilan si Angel sa nadinig. Wala, wala siyang alam. Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya habang nagre-research.
Mabilis na lumitaw sa paningin niya ang thumbnail ng mukha ni Khalid sa screen. Nakagat niya ang labi bago pinindot ang play. Ngunit para lang din masaktan sa mapapanood na pag-amin nito sa relasyon nito kay Muriel.