MATAPOS ang pakikipaghabulan ni Somia sa dalawang bodyguard, nakarating siya sa tabing-ilog. Pagod na pagod na siya at nagugutom pa. Inabot na siya ng gabi ngunit heto at nakikipaglaro pa siya ng mataya-taya sa dalawang bodyguard.
Napansin niya na mukhang nasusundan siya ng dalawang lalaki dahil sa cellphone niya. Sigurado siya na may GPS tracker ang bagay na iyon kaya naman ibinato niya iyon sa ilog. Ang problema, sumama ang bag niya sa cellphone.
"Ahh! Oh no!" Hindi niya alam kung paano ang gagawin. Lahat ng kailangan niya at mahahalagang gamit ay naroon sa bag.
Kung bakit ba naman kasi basta nakasabit lang ang mahabang strap ng bag sa isa niyang balikat. Nangangati na kasi ang leeg niya kaya naman basta na lang iyon isinabit.
Para siyang maiiyak na ewan. Kailangan niyang makausap si Angel Jang ngunit paano niya iyon gagawin ngayon na wala na siyang gamit kahit isa bukod sa sarili.
"Miss Somia!" tawag ng dalawang bodyguard sa kanya habang nag-aatubili siya sa pagkuha ng bag sa ilog.
Napapadyak na lang siya at tumakbo muli. Doon niya natagpuan ang isang lalaki na malalim na nag-iisip. Nakasandal ito sa kotse. Wala na siyang iba pang naisip na paraan kung hindi ang magpahatid dito sa LIU. Mukha naman itong mabait ngunit halatang iritable.
Kapag nagkita sila ni Angel Jang, sasabihan na lang niya ang kaibigan na bayaran ang lalaki.
.....
WALANG nagawa si Alvin kung hindi ang umalis muli sa LIU na sakay ang babae na nagawang sirain ang reputasyon niya sa school. Sabihin ba naman nito na nabuntis niya ito. Inihatid niya ito sa tapat ng isang motel. Sinabi kasi nito na hindi ito tagaroon.
"Baba," utos niya dito.
"H-hindi ako bababa!" kumapit pa ito sa strap ng seatbelt na halatang walang plano na lumabas ng sasakyan.
Naihilamos ni Alvin ang dalawang palad sa mukha. "Ano ba talaga ang problema mo?"
"I need to call my friend."
Nabubwisit na inabot ni Alvin ang cellphone sa dalaga. "O! Tawagan mo na ang kung sino 'yang kaibigan mo para naman makauwi na ko."
Nakagat nito ang daliri. Napansin niya na bigla na naman itong nag-isip.
"H'wag mong sabihin na nakalimutan mo ang numero?"
Napakamot ito sa ulo saka tumango habang kagat ang labi. Naiinis na si Alvin
"Anong pangalan ng kaibigan mo?" tanong niya dito kasabay ng pag-ring ng cellphone niya. Sinabi nito ang pangalan ng kaibigan ngunit hindi na niya naintindihan pa dahil sinagot niya ang tawag. Lumitaw kasi sa screen ang pangalan ni Muriel.
"Wait," sabi niya sa katabi saka sinagot ang tawag ng babae. "Hello?"
"Alvin, what do you mean?" tanong nito sa kabilang linya. "C-come here sa bahay. I'll wait for you. Let's talk."
Natulala na lang si Alvin at diretsong nakatingin sa cellphone na nagblack screen matapos mag-lock.
"Hello? Hello?" tanong ni Somia.
Nairita si Alvin na nilingon ang katabi. Hindi rin naman niya ito mapagalitan dahil ayon dito ay may kaibigan ito na taga-LIU. Nagpipigil na dinuro niya ang dalaga dahil sa inis ngunit walang masabi.
Nabigla na lang siya nang mag-ring muli ang cellphone. Si Simon ang sumunod na caller niya. "Yes?" malamig na sagot niya.
"Nasaan ka na? Dis-oras na ng gabi ah. Bumalik ka na dito sa apartment. Nagpadala ng pagkain si Angel," saad nito sa kabilang linya. Lalong na-guilty si Alvin. Nagawa pa siyang padalhan ni Angel ng pagkain dahil hindi siya nakarating sa White Castle para sa dinner.
Samantala, nag-iisip naman si Somia sa tabi ni Alvin. Sigurado na kahit tawagan niya si Angel Jang, hindi rin siya mahaharap ng dalaga dahil oras na ng curfew sa school nito.
Wala siyang magagawa kung hindi ang makiusap sa lalaki na manghihiram ng pera. "Nalaglag kasi sa ilog ang bag ko. Naroon ang credit card ko at iba pang korean won."
"Saan ka naman tutuloy? May ID ka ba? Sa hotel, kailangan ng ID and don't expect na ako ang magb-book ng hotel na kasama ka. In your dreams!"
"In your dreams too!" Agad na buwelta nito. Kumulo ang tiyan nito. Bigla nitong hinawakan ang tiyan at napahiya sa kanya. "Nalaglag sa ilog pati ang passport ko."
"Brother, I am super hungry. Hindi ka ba naaawa na baka mamatay ako sa kalsada?"
"Ikaw? Sigurado ka ba na hindi ako masamang loob? Paano kung dalhin kita sa masukal na lugar o kaya sa hindi mataong lugar? Sabihin na nating doon sa madilim na ilog? At itapon kita doon? Hindi pa nga kita natatanong kung sino ka at ano ang kailangan ng dalawang lalaki kanina sa 'yo."
Nagulat na lang si Alvin nang biglang ngumawa ang babae. "I'm hungry, mamatay na ako. I need shelter tonight, I need money, I'm so kawawa talaga."
Naiinis na nagpaandar muli si Alvin ng sasakyan ngunit hindi niya napigil ang sarili na huminto sa tapat ng bahay ni Muriel matapos ang ilang minuto na pagmamaneho.
"Wait here. Pakakainin kita mamaya," ani Alvin bago bumaba ng kotse.
Iniwan niya ang dalaga sa sasakyan. Nagtungo siya sa gate ng bahay at natagpuan si Muriel na naghihintay doon. Seryoso siya na nilapitan ito ngunit huminto isang metro ang layo niya sa babae.
"Alvin, makikiusap ako na huwag mong sasabihin kay Khalid na nagpunta ako sa ladies dorm. A-ang totoo, may kailangan ako ka Angel" bungad ng babae na alam niya na may halong kasinungalingan.
Diretso na tiningnan niya ito sa mata. Bakas ang hindi mapakali na mata nito. "Muriel, ikaw ba ang naglason kay Angel?"
Hindi ito nakasagot kaya malakas ang hinala niya. "Ano ang dahilan mo? Bakit gusto mong saktan si Angel Jang?"
Bigla siyang natawa na may halong pait. Bakit nga ba hindi niya agad nakita ang dahilan? Sumasama lang sa kanya ang babae kung saan naroon din ang pinsan na si Khalid. Kapag wala ang huli, sasabihin din nito na may ginagawa ito at kung ano pa.
Whenever she's with him, malamig ang pakikitungo nito. Sweet lang ito sa kanya tuwing kasama ang dalawa pang kapatid at si Khalid.
"Bakit nga ba hindi ko nakita agad ang rason. Gusto mo si Khalid, tama? You like him!" singhal niya dito.
"N-no… B-but please help me. Please keep this from everyone." Sinubukan nito na lapitan siya ngunit umatras lang din siya palayo dito.
"Ito na ang huling pagkakataon na hihingin mo ang tulong ko Muriel. Leave me alone." Tumalikod na siya sa babae at hindi niya napigilan na mapaluha. She broke his young heart.
Namumula ang gilid ng mata niya nang sumakay siya sa kotse saka siya umiyak. Nakalimutan niya na may katabi nga pala siya sa passenger seat.
…..
HINDI mapakali si Muriel matapos umalis ng sasakyan ni Alvin. Kinakabahan siya. Paano kapag lumitaw na siya ang naglason kay Angel Jang? Panay ang kamot niya sa kamay dahil sa sobrang tensyon at hindi mapalagay na kalooban hanggang sa magmarka ang mga diretsong sugat dahil sa kamot ng mahabang kuko niya.
Kailangan niyang gumawa ng paraan. Ang sabi naman ni Alvin ay iyon na ang huling magagawa nito para sa kanya, ang itago ang sikreto niya.
Kaya nga kaya siyang protektahan nito kumpara kay Angel Jang?
"Khalid baby, what am I going to do? Help me," sabi niya saka niyakap ang standee.
.....
HINDI alam ni Somia kung ano ang nangyayari sa binatang katabi dahil sa biglaan nitong pag-iyak pero hinayaan niya lang ang lalaki.
Napansin din naman siya nito matapos nitong makabawi. Bahagyang napahiya ang binata sa kanya saka sinimulan na paandarin ang sasakyan. Magaan ang pagmamaneho nito na ikinabigla niya.
Nag-aalala pa naman siya na baka hindi maayos ang isip nito at maapektuhan ang pagmamaneho nito na mukhang nakipaghiwalay sa girlfriend nito na nakita niya kanina.
Huminto ang sasakyan nito sa bahay na may asul na pintura. "Brother, is that your girlfriend? I'm sorry, but I think she's older than you. You like older girls?"
Doon tumingin ng masama si Alvin kay Somia. "She's just eighteen, okay? She's not that old."
Napangiwi ang dalaga. Para sa tulad niya na galing sa bansang metikuloso sa itsura, ordinaryong babae ang tingin niya sa babaeng kausap nito kanina. "Sorry, she looks like a single mom for me."
Lalong tumingin ng masama ang binata sa kanya. "She's single!"
"I know dahil nakipagbreak na siya sa 'yo."
Humugot ng malalim na hangin si Alvin dahil sa pagkainis. Makalipas ang ilang saglit, naisip niya na humingi ng payo sa babae.
"Tatanungin sana kita. Will you choose your first love over your family and friends?" malungkot na tanong niya sa dalaga.
Nag-isip naman ito. Naiinis ito sa pamilya sa kasalukuyan kaya ang sinagot nito ay tanging “Friends. It's because my friends will be forever my first loves aside from my family. Madalas kasi nalilinlang tayo ng atraksyon sa ibang tao." biglang napa "woah!" ang dalaga.
"I never thought that I'd think that way. I'm so brilliant!" napapalakpak pa ito na parang matured kung mag-isip samantalang halatang nag-alsa balutan ito sa pamilya.
Alvin "..."
"Brother, I'm hungry na talaga. Treat me to a good meal. I promise to treat you next time please…" Parang isang tuta ang tingin niya dito na hinawakan pa siya sa braso at niyugyog siya.
"Mga lalaki kami sa bahay, sigurado ka ba na gusto mong sumama sa akin?"
Biglang nagluha ang dalaga. "I'm so kawawa ngayon, brother. I need shelter. I don't have money. Hu hu."
Napangiwi si Alvin. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ka nambubudol? Wala ka nga'ng pera. Hmp! O siya, baba na. Don't worry mababait ang mga kapatid ko kahit mga lalaki kami sa bahay."
Napapailing na lang si Alvin. Nabibigla kasi siya na masyadong nagtitiwala sa kanya ang dalaga. Bigla niyang naalala na hindi pa pala sila maayos na nagkakakilala.
"I'm Alvin, by the way," pakilala niya nang makababa ng sasakyan.
"Somia," anito.
"We have extra room para sa kapatid namin na nasa ibang bansa kaya pwede mong gamitin iyon. But I'm not sure kung kasya sa 'yo ang mga damit niya sa cabinet."
Bumukas ang pintuan at lumitaw si Simon. Napansin nito si Somia. "Ang tagal mo naman dumating. Wow! Marunong ka na ngayon magpick up ng babae?"
Pinagbaling-baling ni Somia ang tingin sa dalawang lalaki. "Woah! Magkamukha kayo! Saka hindi ako pickup girl, brother."
Seryoso lang si Alvin. "He is Simon, my brother. I have one more brother, Theodore. I think he's already sleeping in his room."
Napaisip ang dalaga. "Chipmunks?"
"That's right!" sagot ni Simon.
"No, what I mean, kayo 'yung chipmunks ni Angel Jang," pagtatama ng dalaga.
Doon kumunot ang noo ni Alvin. "Kilala mo si Angel?"
"Yes, she's the friend I am referring to kanina."
Umawang ang labi ni Alvin. "You mean ang tinutukoy mong kaibigan ay si Angel?"
Tumango ito. "Nasabi ko kanina na si Angel ang kaibigan ko. Saka we have met years ago sa birthday niya. I'm Somia."
Sumeryoso si Alvin. Bigla siyang nagkaproblema na nasama niya ang kaibigan ni Angel sa bahay ni Muriel. Nahingan niya pa ng payo ang dalaga sa problema. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.
Naipangako pa naman niya kay Muriel na itatago niya ang lihim nito.
"*cough* pakakainin na kita." Inaya ni Alvin ang dalaga sa kusina.
"What happened to your investigation?" tanong ni Simon bago pa man niya madala si Somia sa kusina. Napalunok si Alvin.
"I didn't find anything suspicious."
.....
NASA terasa si Angel sa kwarto na inilaan ni Khalid sa white castle. Hindi kasi siya makatulog. Hindi niya kasi alam kung paano haharapin at tatanggapin ang panibago niyang nararamdaman kay Khalid. She likes Khalid, there is no question about it.
"Bonsai?" narinig niyang tawag ni Khalid. Nang lumingon siya ay nagtagpo ang mata nila sa ilalim ng liwanag ng mga bituin.
Kapwa kumabog ang dibdib nila at bahagya pang natigilan.
Tumikhim si Khalid nang makabawi. "Malamig na dito sa labas. C-can I sleep beside you?"
Tumango lang ang dalaga.