CHAPTER 03

3501 Words
"Donna!" Pareho kaming napalingon ni Ate Donna nang marinig namin ang boses ni Sir Ken. Tinapik ako sa paa ni Ate Donna sabay tayo. "Andiyan na si Kuya. Baba ka na rin," sabi niya sa 'kin. Nauna siyang pumasok sa bahay at bumaba. Sumunod ako. Nakita kong iniabot niya kay Sir ang mga folder na bitbit niya kanina. Maya maya ay dumating na rin sina Miss Irene at Terence. "Danny, kuhanin n'yo nga ni Yong iyong mga pagkain sa kotse para makapaghapunan na tayong lahat," sabi ni Miss Irene. Mabilis namang sumunod ang dalawa. "Sige po, Kuya, uuwi na po ako," paalam ni Ate Donna kay Sir Ken. "Kumain ka muna," sabi ni Sir sa kanya. "Sa bahay na lang po." "Sus, excited ka lang umuwi kasi namimiss mo na si Ramon!" tukso ni Sir sa kanya. Si Ramon ang asawa ni Ate Donna. "Si Kuya talaga!" natatawang sabi ni Ate Donna. Hindi na ito nagpapigil at umuwi na nga. Ang daming pagkaing iniuwi si Miss Irene- ilang box ng pizza, ilang bucket ng fried chicken at iba pa. Kami lang nina Kuya Yong at Kuya Danny ang naiwan sa lamesa. Sa siba ng dalawa, walang kwenta ang dami ng pagkain. Hindi sumabay sa amin sina Sir. May bitbit na ibang pagkain si Miss Irene para sa kanila. Sa kwarto na yata nila sila kakainin. "Kain lang nang kain," sabi sa akin ni Kuya Yong. "Tataba ka rito. Hindi madamot sa pagkain sina Kuya Ken. Magsasawa ka na lang." Ikinatuwa ko 'yon. Natapos na lang kaming kumain hanggang sa nakapagligpit na ako at lahat lahat, hindi na lumabas pa ng kwarto ang mga amo ko. Baka deretsong nagsitulog na lang din. Mabuti na rin 'yon at malaya akong makakagalaw sa loob ng bahay. Mahirap magtrabaho kapag nakamasid ang mga amo mo. Kinabukasan ay maagang nagising si Miss Irene at kinausap ako. "Nasabi na sa 'yo ni Donna 'yong trabaho mo rito sa bahay, ano?" tanong niya sa akin. "Opo Miss Irene," tugon ko. "Tungkol naman kay Terence," tumikhim ito, "malapit lang ang school niya rito, mamaya pasasamahan kita kay Yong para maituro niya sa 'yo kung saan. Sa umaga, dahil sira ang shower, kailangan mong mag-init ng tubig para sa ipapaligo niya. Tapos, ihahatid mo siya sa school at syempre susunduin. Every Saturday naman, may special advanced class siya. Nasa loob ng mall 'yon. Sasamahan mo rin siya at hihintayin hanggang sa pag-uwi. Maliban sa nga gawaing bahay, 'yan ang routine mo araw-araw." Tumango ako. "Sandali, ilang taon ka na pala?" "Twenty na po Miss Irene," sagot ko. "Ah,okay. Tungkol naman sa sahod mo, kensenas katapusan ka naming bibigyan. Starting salary mo is 3,000. Ok na ba sa 'yo 'yon?" "Ok na po Miss Irene," sagot ko. Doble ang laki no'n sa 1500 na sinasahod ko sa huli kong trabaho. Mas malaki na ang maipapadala ko kayna Nanay. "Kung magustuhan namin ang serbisyo mo, uumentuhan ka namin kaagad sa susunod na buwan." Na-excite ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang matuwa. "Naku, Miss Irene, pangako po, magsisipag po ako. Hinding hindi ko po ipapahiya ang sarili ko sa inyo." "We'll see," nakangiting sabi niya. Tumayo na siya. "Sige, maliligo na 'ko. Ako ang magbabantay sa shop ngayon. Itanong mo na lang kay Ken kung ano ang gusto niyang agahan pagkagising niya. Si Terence naman, iluto mo na lang din ng gusto niya," bilin niya sa 'kin. Mukha namang mabait si Miss Irene. Magaan ang loob ko sa kanya. Maamo kasi ang mukha niya at mahinahon na malambing magsalita. Isa't kalahating oras na siyang nakakaalis nang may tumawag na tao galing sa labas. Hindi ko kilala ang taong nakatayo sa labas ng gate. "Bakit po?" tanong ko sa lalaking 'yon. "Nandiyan ba si Ken? Pakisabi naman, ilipat niya ng pwesto ang sasakyan niya. Medyo nakaharang kasi. Itabi pa kamu ng kaunti," sabi nito. "Sige po." Nagmamadali akong umakyat at kumatok sa pinto ng kwarto nina Sir. Nakailang katok na 'ko, walang paramdam si Sir. Kumatok pa ako ng kumatok. Wala pa rin. Nagpasya akong tawagan si Miss Irene sa shop. "Tinatamad lang 'yan. Sige katukin mo lang," sabi niya sa 'kin. Kaya, sinunod ko siya. Ibinaba niya na rin ang telepono. Siguro ay busy siya sa shop. Mas nilakasan ko pa ang pagkatok ko. Nabigla ako nang bumukas ang pinto. Tumama ang paningin ko sa bandang baba ni Sir. Naka-brief lang ito. Medyo napanganga ako. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Ano?" nayayamot ang tonong tanong niya sa 'kin. Nagsasalubong ang may kakapalan niyang mga kilay at kunot na kunot ang noo. Hindi pa nito maibukas nang maayos ang mga mata, marahil ay inaantok pa. Napalunok ako. "Sir, itabi n'yo raw po ang sasakyan ninyo," sagot ko. Bumalik siya sa kwarto at ibinagsak sa pagmumukha ko ang pinto. Akala ko binalewala niya lang ang sinabi ko, pero bumukas uli ang pinto at iniabot niya sa 'kin ang susi ng sasakyan. "Oh, sila na ang bahala!" Tapos, binagsakan niya ulit ako ng pinto. Ibinigay ko ang susi sa lalaki at siya na ang nagtabi ng sasakyan ni Sir Ken, pagkatapos ibinalik niya sa 'kin ang susi. Hindi ko na muna 'yon isinauli kay Sir at baka pagalitan ako. Mukhang naisturbo ko kasi ang tulog niya. Binalikan ko ang ginagawa ko at maya maya ay tumunog ang telepono. "Pakigising si Sir mo. May itatanong lang ako sa kanya," sabi ni Miss Irene. Nakakatakot nang kumatok sa pinto ni Sir at baka masapak ako. Pero dahil sa utos 'yuo ni Miss Irene, sumunod ako. Nakailang katok ako ulit at isang malakas na bulyaw ang narinig ko kay Sir. Natakot na talaga ako. Bumalik ako kay Miss Irene. Tinawanan niya 'ko. "Hindi 'yan. Ganyan lang 'yan. Sige na, katukin mo ulit. Sabihin mo importante. O 'di kaya dalhin mo sa kanya ang telepono, at baka natatamad lang bumangon." 'Yon nga ang ginawa ko. Kumatok ako ulit. Bumukas ang pinto. Pagkabukas no'n bumalik sa kama si Sir. "Ano ba?" tila naiinis na sabi niya sa 'kin. "Kausapin ka po raw ni Miss Irene," sabi ko sabay abot sa telepono. Mabuti na lang at abot sa kwarto ang chord no'n. Kinuha niya sa 'kin ang telepono. Pati si Miss Irene binulyawan niya. "Ano? Ba't ba ang kulit mo?" sabi niya. Hindi ko narinig ang sinabi ni Miss Irene pero maya maya natapos din ang pag-uusap nila. Ibinalik sa 'kin ni Sir ang telepono at saka isinara ulit ang pinto. May sumpong yata si Sir. Nakakatakot pala siya 'pag galit. Tahimik akong nagtrabaho. Naapektuhan ako sa ikinilos ni Sir, mabait pa naman ang first impression ko sa kanya. Mag-aalas nwebe na nang bumaba si Sir. Katulad kahapon, mukhang inaantok pa ito, at maski pagbaba ay kinatatamaran. Siguro, ihing ihi na kaya napilitang bumaba. "Iluto mo ako ng breakfast. Gusto ko 'yong katulad ng kahapon, ha?" seryosong sabi niya nang madaanan ako habang papasok siya sa CR. Sinunod ko kaagad ang utos niya. Pagkalabas niya, nilapitan niya ako habang nagpiprito ng ulam niya. Kunyari hindi ko namalayan ang paglapit niya. Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumawa. Minsan talaga, mukha siyang may sapi. Tumingin ako sa kanya. "Natatakot ka ba sa 'kin?" tanong niya habang nakapameywang. Nakakailang na may kausap kang nakalimutang magdamit. Ang hirap magkunyaring komportable ka na may nakahubad sa harap mo. Model ba 'to ng brief at ipinangangalandakan 'yon? O kailangan ko nang masanay na araw araw gano'n ang makikita ko! Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang makipag-eye to eye kay Sir. "'Wag kang matakot sa 'kin. Malakas lang talaga ang boses ko. Tsaka, hindi naman ako galit sa 'yo," sabi niya. Nakangiti siya kaya ngumiti na lang din ako sabay marahang tango. "Itimpla mo ulit ako ng kape ha?" Mukha na naman siyang mabait. May sapi nga lang talaga siguro minsan. Bumalik na siya sa kwarto. Nakahinga na ako nang maluwag. Marami nang labahan. Nasa balkonahe ang labahan. Naroon din ang sampayan. Pagkasalang ko ng mga maong ni Sir sa washing machine, ay kinamay ko naman ang mga uniform ni Terence. Napalingon ako nang may marinig akong sitsit. Kumakaway sa 'kin ang isang babaeng siguro ay kasing gulang ko lang. Nginitian ko siya. "Hello!" sabi niya. "Ikaw ang bagong yaya ni Terence?" Tumango ako. "Anak ako ng may-ari ng paupahang bahay na 'to. Ako nga pala si Giselle." "Lynette,"sabi ko. Paupahan lang pala 'tong tinitirhan nina Sir. Napaisip ako kung bakit nangungupahan lang sila. Ngayon ko lang napansin na magkadugtong pala ang balkonahe kung saan ako naglalaba at ang balkonahe kung saan naroroon si Giselle. May harang lang sa pagitan. "Ilang taon ka na?" tanong niya sa 'kin. "Twenty." "Mas matanda pala ako sa 'yo. 21 na 'ko eh," sabi niya. "Kapag libre ka, pwede mo 'kong ka-chika." Mukha namang magiging kasundo ko siya. Natuwa ako kasi may makakausap na 'ko. "Kapag wala kang ginagawa, lumabas ka. May ihawan kami sa labas, pwede nang tumambay roon kapag gabi," sabi pa niya. "Sige," nahihiya kong sagot. Pumasok na siya. Narinig kong may tumawag sa kanya. Lunes na nang sumunod na araw. Maaga akong gumising dahil may pasok ang alaga ko. Nine pa ang pasok niya at nasa pre-elem pa lang. Naituro na sa 'kin ni Kuya Yong kahapon ang pinapasukan ni Terence. Dalawang kanto lang galing dito. Mukhang okay ang gising ni Terence kaya 'di ako nahirapang paliguan siya. Ako na rin ang nagbihis sa kanya ng uniform niyang kahapon ko pa naplantsa. Ang gwapo ng alaga ko, mukhang anak ng foreigner. Napakatisoy! Maganda ang mga mata nito na may mahabang mga pilik mata, matangos ang ilong at manipis ang mamulamulang mga labi. Mana talaga siya kay Sir Ken kasi nakita ko sa kwarto ang picture ni Sir noong bata pa ito. Parang ipinanganak lang siya ulit sa itsura ni Terence. Si Miss Irene ulit ang nagpunta sa shop at nanatili lang sa bahay si Sir. Kagabi medyo nakabukas ang pinto nila at nakita kong naglalaro si Sir sa computer. Madaling araw na siguro ito natulog, kaya baka hapon na magigising. Naglakad lang kami ni Terence papuntang school niya tapos umuwi na 'ko. Susunduin ko siya mamaya. Two hours lang naman ang pasok nila. Sakto lang na tapos na ako sa pagluluto ng tanghalian. Binigyan ako ng recipe book ni Ate Donna para matuto ako sa pagluluto ng mga madalas naming iulam. Sa awa ng Diyos, nakatulong sa 'kin 'yon. Mukhang makakain na ang mga niluluto ko. 15 minutes bago mag-alas onse, pinuntahan ko na si Terence sa school para sunduin. Saktong labasan na sila pagdating ko roon. Halos puro mga yaya lang ang sumusundo sa mga alaga nila. Pagkakita sa 'kin ni Terence, nagmamadali siyang tumakbo palabas ng gate. Kinabahan ako bigla. Kahit paminsan minsan lang ang dumadaan na sasakyan sa daan ay delikado pa rin. Ang bilis niyang tumakbo kaya binilisan ko rin ang pagtakbo. Mukha akong tanga habang hinahabol siya at sige sa pagtawag ng pangalan niya. Panay lingon pa siya at tawa ng tawa. Mabuti na lang, sa awa ulit ng Diyos, hindi naman siya napaano hanggang makarating na kami ng bahay. Tawa pa rin ng tawa sa 'kin si Terence. "Anong nakakatawa ro'n?" naiinis kong tanong sa kanya. "Paano kung napaano ka? Paano kung nahagip ka at nabangga ng sasakyan? Kasalanan ko!" Nanginginig ako sa inis kahit wala namang nangyaring masama sa kanya. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano ano. "I'll tell your Mommy and Daddy!" Sumimangot siya at nagpakita ng galit sa 'kin. "Why don't you just go home?" Nakakaasar talaga ang linya niyang 'yan. "I want to, but I can't!" sabi ko. "Do you think I like to work here? Do you think I like to take care of a naughty boy like you? No!" mariin kong sabi. Nabigla ako nang bigla niya kong duraan. "Bastos kang bata ka! Isusumbong talaga kita sa Daddy mo!" Aakyat sana ako para magsumbong kay Sir pero nakabukas ang kwarto nila at wala siya ro'n. Bumaba ako at binalikan si Terence. Ang sama ng tingin niya sa 'kin, as in nanlilisik ang mga mata niya. "Stop staring at me like that!" sabi ko sa kanya. "I don't like you. Go home!" Itinulak niya 'ko. Hinawakan ko siya sa braso at pinilit na paupuin. Ayokong gawin 'yon pero kailangan ko ring ipakitang dapat hindi niya 'ko tinatrato nang gano'n. "Listen!" sabi ko habang nakikipagtagisan ng tingin sa kanya. "Do you know that my mother and father are both armies?" Mukhang nagulat siya. Nanlaki ang mata niya at parang gusto niyang makinig sa susunod ko pang sasabihin. "We have a big tank and a lot of guns. We also have helicopters. I will call them now and tell them you're bad, that you're treating me very very bad. They will come here and get your Mommy and Daddy. Do you want that?" seryosong sabi ko sa kanya. Naiyak siya sa sinabi ko. "No!" sagot niya sa 'kin. "Only if you promise to be good to me," sabi ko. Hindi siya umimik. "No? Fine! If you can't be good to me, I'll let your Mommy and Daddy be taken by my parents. I'll call them now!" Kunyaring aakyat na ulit ako para tawagan ang kunyari ding army kong mga magulang pero pinigilan ako ni Terence. "No!", umiiyak niyang sabi. "Please don't let them get my Mommy and Daddy!" "You promise to be good to me?" naniniguradong tanong ko sa kanya. Tumango siya ng sunod sunod. "Ok, from now on, anything I say, you will follow. Ok?" Tumango ulit siya. "Good!" Sa isang iglap, biglang parang bagong maamong tupa ang maldito kong alaga. Buong maghapon niya akong 'di binigyan ng sakit ng ulo. Naging nice siya sa 'kin at biglang gumamit pa ng po at opo. Natawa ako kasi bata pa talaga siya. Naniwala siya sa sinabi ko. Natakot siya. Alam kong hindi tama ang ginawa ko, pero 'yon lang ang naisip kong paraan para magpakabait siya sa 'kin. At least, 'di ko siya sinaktan. Dumaan ang buong weekdays at medyo naging okay na kami ni Terence. Minsan kumakain siya, naupo ako sa tabi niya. Tiningnan niya 'ko sabay sabing, "I like you." "Really?" nagugulat kong sabi. "Yes. Because, you can talk to me. My old yaya, she can't talk English. She doesn't talk to me, and her cooking is bad," sabi niya na umarte pang kunyari ay nasusuka. Napa-wow ako roon. Doon ako pinakanatuwa sa sinabi niyang hindi marunong magluto ang huli niyang yaya. Ibig sabihin, pasado ang luto ko sa kanya Mukhang oo naman, ganado siya sa niluto kong humba, eh! Nakakatuwa naman. Naging magaan na ang loob namin sa isa't isa ni Terence. Sabado. May klase pa rin si Terence. Dahil parehong nasa shop sina Miss Irene at Sir Ken, pinauwi muna nila si Kuya Yong sa bahay para sunduin kami ni Terence gamit ang sasakyan ni Sir. Nagulat ako kasi ang lapit lang pala ng shop nina Sir. Isa iyong Car Parts and Accessories Shop. Malaki iyon. May iba pang tauhan doon sina Sir pero hindi stay in na kagaya nina Kuya Yong. Pagbaba ko nakita ko si Sir na may kausap na customer. Inaakbayan ko no'n si Terence. Nginitian ko siya. Napa-second look sa akin si Sir. Hindi ko alam kung bakit. Mukha siyang nakakita ng isang bagay na hindi niya mapaniwalaan. Nginitian niya rin ako. Nakasuot lang ako no'n ng simpleng blouse at maong. Wala pa kasi akong gaanong damit. Bibili ako sa unang sahod ko. Sakto lang ang tangkad ko, sakto lang din ang puti. Ayaw kong magbuhat ng bangko kaya sasabihin ko na lang na hindi ako maganda, hindi rin pangit. Sakto lang. Sinalubong kami ni Miss Irene. Hinalikan niya si Terence sa pisngi. "Are you excited, baby?" "Yes Mommy!" sagot ni Terence. Pumwesto sa may gilid ng kalsada si Miss Irene at tunawag ng taxi. Pinapasok niya roon si Terence. "Pasok ka na rin," sabi niya sa 'kin. "Alam ni Terence kung nasaan ang class niya. Don't worry hindi kayo mawawala. Sundan mo lang siya." Napanganga ako. "Po?" Natawa si Miss Irene. "Basta! Sumakay ka na at si Terence na ang bahala." "Sigurado po kayo Miss Irene?" nag-aalalang sabi ko. Mag-si-six years old pa lang si Terence tapos ipagkakatiwala nila sa 'kin ng gano'n? Tapos si Terence na raw ang bahala sa 'kin? Pati sina Sir Ken at mga tauhan nila natatawa. Sumakay na lang ako sa taxi. Sa likod kami, magkatabi ni Terence. Napapanganga pa rin ako. Hindi talaga ko makapaniwala. Umandar na ang taxi. Ang baho ng loob ng sasakyan. Nakakahilo. Pero kailangan kong tibayan ang sikmura ko dahil may bata akong kasama. "Saan po tayo ma'am?" tanong sa 'kin ng driver. "Saan daw tayo?" bulong ko kay Terence. "To *pangalan ng mall*," sagot niya. "Saan 'yon?" kunot ang noong wika ko. "It's a mall! It's big! It has lots of things that we can buy and also toys!" parang na-i-excite na paliwanag sa 'kin ni Terence. Kinakabahan ako habang nasa loob kami ng Taxi. Diyos ko, sa hirap ng panahon ngayon, ang hirap ng magtiwala sa kapwa mo. Napadasal ako. Siguro halos 20 minutes lang, huminto na ang taxi sa harap ng isang malaking establishment. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang malaking pangalan ng building na nakasulat sa taas niyon. "We're here!" masayang sabi ni Terence. Ini-unlock na niya ang pinto ng sasakyan at tumakbo palabas. Nataranta ako, hindi pa ako nakakapagbayad sa taxi. "Magkano po?" tanong ko sa driver. Halos isang daan din. Ibinigay ko ang isang daan at sinabing "keep the change po". Charot! Nagmamadali na kasi ako. Badtrip pa dahil hindi ko masara ang pinto ng taxi. Ilang beses kong isinasara, ayaw. Lumabas ang driver at malakas na isinara ang pinto. Ganun pala 'yon, kailangang lakasan? Nakapasok na sa mall si Terence. Nagpalingalinga ako. 'Di ko siya makita. "Yaya!" Parang mawawalan na ng lakas ang mga tuhod ko sa nerbiyos. Nakasakay na siya sa escalator. Oo, alam ko 'yon ang tawag sa umaandar na hagdan. Napapanuod ko 'yon sa TV. Kumaway sa 'kin si Terence. Tuwang tuwa pa siya sa itsura kong 'di na maipaliwanag. "Terence!" tawag ko sa kanya. Unang beses kong sasakay sa escalator pero hindi ako dapat magpahalata para hindi ako pagtawanan. Ginaya ko ang ginagawa ng mga sumasakay roon. Hahawak sa railing, tapos aapak sa hagdan. Dapat relax lang. Akala ko maliliyad na 'ko pagkaapak ko, buti na lang naibalanse ko kaagad ang katawan ko. Naninigas ako sa kinatatayuan ko sa takot na baka malaglag ako o ano. Pagkarating ko sa taas, hinintay ako ni Terence pero tinakbuhan niya ulit ako. Tumakbo na rin ako. Huminto siya sa harap ng isang area doon na may nakasulat na *** class. Lumingon siya sa 'kin. Ibig sabihin papasok na siya. Naupo ako sa nakahilirang mga plastic na upuan sa may labas ng klase at doon hinintay si Terence. Kaunti lang sila sa loob. Siguro wala pa silang bente na mga bata. Mukhang mayayaman at mukhang matatalino. Nakikita mula sa labas ang mga display nilang activities. Nakita ko ang mga gawa ni Terence. Diyos ko, ang advance nga ng pinag-aaralan nila! Parang pang-highschool na nga sa tingin ko. English at Math lang ang subjects nila at nasa top ng klase ang alaga ko. Nakaka-proud naman! Nakatulog ako sa paghihintay kay Terence. Nagising ako sa kalabit niya. "Done!" sabi niya. Hinatak niya ako at nagyaya papuntang food court dahil nagugutom na raw siya. Nagpabili siya ng waffle. Bumili na rin ako ng akin, 'yon kasi ang sabi sa 'kin ni Miss Irene. Tapos nagyaya pa siyang maglibot sa mall kahit saglit lang daw. First time kong makapasok ng mall at manghang mangha talaga ako. Ang daming mga nakakatuksong bagay. Ang saya siguro kung marami akong pera at lahat ng gusto ko ay mabibili ko. Tapos pinilit ko na siyang umuwi. Mabuti at hindi niya na ako tinakbuhan. "Saan tayo sasakay?" sabi ko sa kanya. Tumaas pareho ang kilay niya. Hindi niya yata gets ang sinabi ko. "I said, where are we going to get a ride?" "We wait here," sabi niya. Naghintay nga kami. Maya maya sumigaw siya. "There!" sabay turo sa isang taxi. Hinatak niya ako papunta roon, tapos siya na rin ang nagbukas ng pinto. Siya na rin ang nagsabi sa driver kung saan kami papunta. Napabilib ako ni Terence. Matalino at hindi basta basta. Nakakaaliw siya kasi habang nasa biyahe kami, para siyang tour guide na bawat madaanan namin ipinapaliwanag niya sa 'kin kung ano. "After that red building, you turn left and then straight and then after a block turn left again and it's our house already," sabi niya sa driver. Pati 'yong driver natuwa sa kanya. Kaya pala tiwalang tiwala sina Miss Irene at Sir kahit ako lang ang kasama ni Terence. Marunong pala talaga ang batang 'to. Nag-enjoy ako sa araw na 'yon. Isa sa pinakamasayang araw na magkasama kami ni Terence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD