Mari's POV After one month… Birthday ko na pero mabigat ang pakiramdam ko at hindi ako masaya. Halos nitong nakaraang araw ay wala kami masyadong naging pag-uusap ni Cloud. Sobrang naging busy niya at hindi na niya halos mahawakan ang kanyang phone. Wala na rin akong natanggap pa na text mula naman doon sa unknown number kaya panandalian na humupa ang pagtataka ko sa aking asawa. Nakita ko rin ang post ng kanilang group page sa isang social media at nasa mas rural area na sila ng kanyang team kaya sobrang mahirap siyang makausap. Kita ko ang kislap sa mga mata ni Cloud kahit na sobrang bakas na rin ang matinding pagod sa kanyang mga mata. Hindi mo maaalintana na talagang nagrereklamo na siya sa akin nung huli kaming nag-usap dahil sa pagod. Maraming beses akong dinapuan ng guilty nguni

