Mari's POV Napailing ako sa sinabi niya. He might be right but I want us to remain this way. Umalis na ulit ako doon. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa alam kong malayo na ako sa kanya. Hindi rin naman siya sumunod sa akin kaya hindi na ako nagkaroon pa ng problema nang makita ko si Cloud na hinihingal at panay ang lingon sa paligid. Nang magtama ang paningin namin ay kita ko ang malalim niyang pagbunto ng hininga. “Where did you go?” takang tanong niya. “Diyan lang naman…” Luminga ako sa paligid para masiguradong wala si Charlie at nang makompirma ito ay binalingan kong muli si Cloud. “nagpahangin lang saglit,” dugtong ko pa. Lumagpas din ang tingin niya sa akin pero panandalian lang naman. Lumapit siya, inakbayan ako para maibsan ang panlalamig ng aking katawan. Naramd

