Mari's POV Bumawi si Cloud. Sabihin ko na ganun nga ang kanyang ginawa. Kahit pa sabihin na nakalimutan niya ang kaarawan ko ay hindi ko pa rin maitago ang saya na namutawi sa akin nang maramdaman ang kanyang presenya. Kaya lang sa likod ng mga kaganapan nung mga araw na iyon ay pasimple pa rin akong sumisilip sa aking phone para tingnan kung may message ba galing kay Charlie. He didn’t tell me where he would go. Hindi rin ako sigurado kung talaga bang aalis siya o naisip niya rin iyon para lang pagtakpan kung anong meron kaming dalawa dahil nasa harapan na namin si Cloud? “May tinatawagan ka?” Halos mapatalon ang aking balikat nang biglang may nagsalita sa aking balikat. Agad kong naitago ang aking phone at hinarap si Cloud. I tucked my hair behind my ear. “W-wala naman. May tining

