Mari's POV “Hindi ko alam na may bisita ka pala.” Nawala ang ngiti ni Cloud. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naningkit ang kanyang tingin kay Charlie. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng hindi nagsasalita. Wala dapat siyang maging kahit anong hinala dahil wala naman siyang alam sa relasyon namin ni Charlie pero kung makatingin siya ngayon ay tila alam na niya ang lahat. Kabado ako at natatakot na baka malaman niya. Kung malaman niya, anong gagawin ko? Teka. Handa na ba ako? Hinihintay niya na may sabihin ako. Alam ko ang pananahimik na iyon ni Cloud. I fiddled my fingers as I walked toward him. Hindi niya nakita ang pagkakaba ko dahil sa abala siya sa pakikipagtitigan kay Charlie. Hinaplos ko ang braso ni Cloud at nilingon niya ako. “Hindi ko alam na uuwi ka. Bakit hindi ka nags

