bc

Invisible Me

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
drama
bold
like
intro-logo
Blurb

Hanggang kailan mo kayang kumapit sa pagmamahal na hindi kailanman ibinigay sayo? Hanggang kailan mo kayang ibigay ang sarili sa taong sa una palang ay wala ng balak na piliin ka?

Hanggang kailan mo balak manatiling invisible para lang mahalin ka?

chap-preview
Free preview
Epilogue
Isang sampal ang natanggap niya sa nanggagalaiting ama pagkapasok palang niya sa kanilang bahay. "Wala ka ng ginawang tama na bata ka! Ilang beses ko bang sinabi sayo na diretso sa bahay ang uwi pagkatapos sa school?" Halos mabali ang leeg niya ng isa pang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya hindi pa man siya nakakabawi mula sa nauna. "P-Pasensya na, Dad. May activity pa po kasi kami sa klase kaya po natagalan ako." Nakayukong sagot niya dito habang piniligilan ang sariling humikbi. Second year high school siya sa Montessori Academy, isa sa mga prestigious school sa bansa. Mula elementary ay doon na sila ng ate niya nag-aaral. Ito naman ay fourth year high school at graduating sa taong iyon. "Puro ka palusot! Kanina pang alas-4 nandito ang kapatid mo at nag-aaral na sa kanyang kwarto. Ikaw itong mas mahina ang utak sa inyong dalawa pero ikaw pa ang may ganang maglakwatsa." Patuloy na sermon ng ama na ngayon ay inabutan na ng kanyang ina ng isang basong tubig para kumalma. Napatingin siya sa ina ngunit kagaya ng dati ay wala itong sinabi sa kanya. "Pumasok ka na sa kwarto mo at mag-asikaso ng sarili! Eksaktong alas-siyete ay kakain tayo." Narinig niyang sinabi ng ina habang patuloy nitong pinapakalma ang asawa. Nakayuko siyang nagpaalam at nagmamadaling tumakbo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Pagdating sa kwarto ay doon niya ibinuhos ang luhang kanina pa gustong umalpas sa kanyang mga mata. Umiiyak na napaupo siya sa dulo ng kanyang kama. "Stop it, Kaira! Hindi ka pa nasanay!" Pagkatapos niyang kumalma ay mabilis siyang nagpalit ng damit dahil limang minuto na lang ay alas-siyete na, kailangan na niyang bumaba sa dining area kung hindi ay paniguradong sermon na naman ang aabutin niya. Suot ang short na itim at abuhin na t-shirt ay mabilis na siyang bumaba ng hagdan. Pagdating niya ng dining ay nakaupo na ang daddy, mommy, at kapatid niya doon. Nakita niyang nagtatawanan ang mga ito ngunit ng makita siya ay agad napawi din. "Ano pang hinihintay mo Kaira? Umupo ka na at ng makakain na tayo." "O-Opo." Agad niyang inoccupy ang bakanteng upuan katapat ng kapatid niya. Mabagal na sumandok siya ng kanin at kumuha ng bowl para sa sinigang na salmon. "Mom, remember the painting contest I told you last time?" Sumubo siya ng mabagal habang nakayuko, pinapakinggan ang usapan ng mga nasa harapan niya. "I won the first place. I'll be representing Montessori at Spain by September." September? August na ngayon. Talented talaga ang kapatid niya, bukod sa pagpinta ay matalino din ito sa academics. "That's good news, Kaila. We're proud of you." Napasulyap siya sa daddy niya ng marinig ang sinabi nito. How she wished maging proud din ito sa kanya. "Congrats, Ate." Mahina niyang sinabi sa kapatid kaya napatingin sa kanya ang tatlo na tila naalalang nandoon siya. "Thanks." Nagpatuloy pa ang kwentuhan ng tatlo, siya naman ay hindi na sumisingit sa usapan dahil baka masira pa ang mood ng magulang niya na ngayon ay tuwang-tuwa sa mga achievements ng kapatid. She smiled wearily while continuing eating. Natapos niya ang pagkain na tila lutang siya sa mga nangyayari. Agad siyang nagpaalam sa mga magulang at kapatid ngunit tiningnan lang siya ng mga ito pagkatapos ay nagpatuloy sa kanilang kwentuhan. Narinig pa niya ang utos ng Daddy niyang kumuha ng champagne ang kanilang kasambahay para i-toast ang achievement ng Ate Kaila niya. Agad na siyang dumiretso sa kaniyang kwarto. Dati-rati ay nagpapahangin pa siya sa kanilang garden pagkatapos kumain ngunit ngayon ay pakiramdam niya'y naubos ang kanyang lakas. Ramdam pa niya ang sakit ng kanyang pisngi mula sa sampal ng Daddy niya kanina. She wasn't the favorite child but it's okay. Naiintindihan niya na mas mahal ng mga magulang niya ang kapatid niya dahil bukod sa panganay ito ay pwedeng-pwede ipagmalaki sa iba. Her dad’s a lawyer, her mom’s an artist, and her Ate Kaila somehow ended up a bit of both. Samantalang siya, hindi pa rin alam kung saan talaga siya magaling. She was always praised for her academics, but her parents were never impressed. Para sa kanila, hindi sapat ang matalino ka lang. Dapat may talento ka rin. Dapat magaling ka rin sa lahat ng bagay. Pero hindi siya ganoon, sure...she can draw and paint too but she has no reason to pursue painting. Hindi niya nakikita ang sariling magpinta balang araw lalo na ang maging abogado. She's just someone who still doesn't know what she wants in life. Nakatulugan niya ang pag-iisip ng kung ano kaya tinanghali siyang nagising. Mabuti na lang at nakaalis na ang mga magulang kasama ang kanyang kapatid. Her dad own a law firm. Ang mommy naman niya ang nagpapatakbo ng Tech Firm na minana nito sa kanilang grandparents. Tapos na ang first period ng makarating siya ng school. Nasiraan din kasi ang taxi na sinasakyan niya kaya napilitan siyang takbuhin ang school ng halos kinse minutos dahil inabutan na din sila ng traffic. Hindi na din siya nagpahatid sa kanilang driver dahil siguradong malalaman lang ng daddy niya na late siyang gumising lalo pa at palaging nagrereport ang kanilang mga tauhan dito. "Kaira Eloisa Montemar, bakit ka late aber?!" Sermon ng best friend niyang si Oceane ang bumungad sa kanya bago pa siya makaupo sa upuan katabi nito. Hindi pa dumarating ang kasunod nilang teacher kaya kanya-kanyang ingay pa ang mga kaklase nila. "Napuyat ako kagabi." Mahinang sinabi niya dito habang inaayos ang facemask na suot. Medyo namaga kasi ang kaliwang pisngi niya dahil sa ginawa ng Daddy niya, maselan pa naman ang kanyang balat kaya kahit konting kurot lang ang gawin ay agad iyong namumula. "T-Teka...umiyak ka ba buong gabi? Bakit mugto ang mata mo? Puyat ka ba talaga?" Naninipat na tanong nito na bahagya niyang ikinatawa dahil mas lalong sumingkit ang mata ng kaibigan. She’s half-Japanese, which gives her slightly almond-shaped eyes that complement her beautiful face. Pero fluent itong magtagalog dahil dito ito lumaki sa Pilipinas. Hiwalay na ang parents ng kaibigan niya kaya napilitan itong mag-apply ng scholarship sa kanilang school at natanggap naman ito. They were both scholars.Oo, scholar din siya. Bagay na hindi alam ng parents niya at wala din siyang balak sabihin. Her Ate Kaila knows pero hindi din nito sinasabi, she doesn't mind though. She loves her family, kahit minsan ay pakiramdam niyang galit ang mga ito sa kanya. Matitiis niya ang lahat, dahil tanggap niyang hindi siya ang paboritong anak. It's fine, everything's fine as long as she's with them.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook