Chapter 2

1110 Words
Kinabukasan ay maaga siyang nagising para hindi sila mag-abot ng parents niya. Alas-sais ay nakagayak na siya papuntang school. Mukhang nagulat pa ang kanilang mayordoma na si Manang Selena ng makita siyang pababa ng hagdan. "Papasok ka na ba, Kaira? Ang aga mo ngayon ah. Kumain ka muna, maghahain ako." "No need, Manang. May aasikasuhin pa kasi kami ni Oceane sa project namin kaya kailangan kong umaga." Palusot niya sa matanda kahit alam niyang gumagayak pa lang ang kaibigan ng ganitong oras. "Ipapahatid nalang kita sa driver ninyo kung ganoon. Teka at sasabihan ko si Randy, gising na yun kanina pa." "Wag na din Manang, tumawag na yung security, nandoon na daw yung grab na binook ko." "Sige. Kung ganon mag-antay ka saglit at ipagagawa kita ng sandwich para may kakainin ka pagdating mo sa school." Hirit pa ng matanda kaya natawa nalang siya. Close siya dito lalo pa at ito halos ang nagpalaki sa kanya. Mas madalas niya itong kasama dahil laging nasa travel noon ang magulang niya. "H'wag na Manang. Uuna na po ako!" Sigaw pa niya dito ng nasa may pintuan na siya pagkatapos ay nag flying kiss pa dito. Natawa na lang ang matanda at walang nagawa kundi ang kumaway nalang din sa kanya. Tama nga ang hinala niyang wala pa sa school si Oceane. Konti pa lang din ang mga estudyanteng dumarating kaya nagpasya siyang kumain muna sa cafeteria nila habang nagre-review para sa exam nila mamaya. Matapos iserve ang pancake na may syrup at ang kape niya ay agad niyang kinain iyon. Ginugutom siya dahil hindi pa siya kumakain mula kagabi kaya tatlong pancake na malalaki ang inorder niya. Kalahating-oras lang mula ng dumating siya nang magtext si Oceane at tinatanong kung late na naman daw ba siyang siyang papasok kaya agad na siyang pumunta sa classroom nila. Nasa may pinto na siya ng makitang tumatawag ito sa cellphone niya kaya agad niyang kinancel. "Boo!" "Naknang!" Gulat na gulat si Oceane na napahawak pa sa dibdib nito. Natawa nalang siya ng hampasin siya ng kaibigan. "Walangya ka talaga Kaira! Ayaw ko pang mamatay, hindi pa nga tayo nagkaka-boyfriend." "Teka! Bakit ang aga mo ata ngayon? Papamisa na ba ako?" Natatawang tanong na nito na tila agad nakabawi sa nangyari. "Bagong buhay na ako ngayon." "Yung totoo? May problema na naman ba sa inyo? Kinagalitan ka na naman ng Daddy mo ano? I know you, Kaira, ganitong oras eh kagigising mo palang." Sunod-sunod nitong sinabi kaya pasimple niyang tinakpan ang tenga.Umupo siya sa tabi nito at inayos ang lagay ng bag sa gilid niya. Hindi pa dumarating ang iba nilang kaklase kaya malaya pa silang magchismisan ni Oceane. "He already knows about my scholarship, and he's so mad about it." "What? Kanino nalaman?" "Nabanggit ata ni Tito Sean kasi ipinagmamalaki na scholar ka dito." Nakita niya ang panlalaki ng mata ng kaibigan. "O.M.G. I'm sorry Kai, nakalimutan ko sabihin kay Tito na wag ipagsabi na pati ikaw scholar." Problemado na nitong bulalas ngayon. Kitang-kita niya ang pagsisisi sa mukha ng kaibigan kaya naawa naman siya agad. "It wasn't your fault, Oceane. Kilala mo naman si Daddy, ayaw niya ng napapahiya." "I don't get him, Kai. Sa totoo lang dapat nga proud siya sayo kasi scholar ka. Palibhasa kasi may paborito..." Umiiling na sinabi nito. Hindi na niya sinagot si Oceane, sinabihan na lang niya itong magreview na lang sila para mataas ang score nila mamaya. Tumahimik na din naman ang kaibigan marahil ay naramdaman na wala siya sa mood para pag-usapan ang nangyari. Nang dumating ang lunch ay sabay sila ni Oceane na naglakad papuntang cafeteria. Bahagya niyang minamasahe ang batok dahil medyo napagod siya sa dalawang oras nilang exam. "Anong meron?" Narinig niyang tanong ni Oceane kaya napatingin siya sa tinitingnan nito. Nakita niya ang kumpulan ng mga estudyante sa gitna na tila nanunuod ng kung ano. Narinig pa niya ang sigawan sa mga ito. "Jollibee nalang tayo Oceane. Baka mapahamak pa tayo diyan." Agad niyang sinabi kay Oceane ng marinig na may nagsusuntukan pala ang pinapanood ng mga ito. "Saglit, diyan ka lang. Silipin ko lang kung sino." Iniwan siya ni Oceane at dumiretso ito sa mga estudyante at nakisiksik sa mga iyon para makiusyoso. Napailing na lang siya sa ginawa ng kaibigan at napangiwi. Sa halip na sundan ito ay napagpasyahan niya sa bench na lang antayin ang kaibigan tutal naman ay siguradong susunod ito sa kanya. Ang mga benches nila na nakahilera ay wala masyadong estudyante kaya nagpasya siyang umupo sa may ilalim ng isang puno. Sakto at walang tao doon, malilim din at malamig ang simoy ng hangin. Pumikit siya at dinama ang pagdampi nito sa kanyang balat. Napakapresko, taliwas sa cafeteria na punong-puno ng mga estudyante kaya kahit naka centralized aircon ay mainit pa din. Pagmulat niya ay halos malaglag siya sa kanyang inuupuan ng makitang may estudyante na nasa ibabaw ng puno at mukhang natutulog. Akmang tatayo na siya at aalis doon ng makitang mabilis na tumalon ang estudyante. "Why are you here?" Baritonong boses ang narinig niya habang nakatalikod. "Are you one of my stalkers?" Agad kumalat ang inis sa kaibuturan niya. Napakakapal naman talaga ng mukha ng lalaking ito. Siya stalker? Oh please! Wala pa nga siyang nagiging crush sa buong buhay niya. "I'm asking you, who are you?" Mabilis ang naging waksi niya ng kamay nito ng maramdaman niya ang paghawak nito sa kanya. "Hoy, Mister, for your--" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita niyang ang lalaking umagaw ng necktie sa mall ang nasa harap niya. Mukhang nakilala din siya nito dahil muli niyang nakita ang naglalarong ngiti sa lalaki. "I think I know you." Tila nag-iisip pang sinabi nito pero hindi nawala ang bakas ng ngiti sa mukha. "Una sa mall, now dito?" Lumapit ang lalaki sa kanya kaya bahagya naman siyang napaatras. Tila nakagat niya ang sariling labi dahil naubusan siya ng sasabihin. "You're too young to be a stalker...hmm" Nanlaki ng husto ang mata niya sa sinabi ng lalaki. Kasabay nito ay hindi niya napigilan ang sariling kamao na suntukin ito. "f**k!" "That's what you deserve! You're so full of yourself! For your information, ang pangit mo!" Pagkatapos sabihin yun ay nagmartsa na siya paalis. Halos manginig ang buong katawan niya sa kayabangan ng lalaki. Napakakapal naman ng mukha nitong sabihin na stalker siya. Pakiramdam niya ay sobrang init ng mukha niya sa sobrang galit. Kahit ng makasalubong niya si Oceane ay mukhang nagulat ito sa itsura niya. "Oh, saan ka galing? Sabi ko sayo saglit lang ako tapos nawala ka naman." "Basta. Tara na at nagugutom na ako." Naiinis pa din niyang sinabi habang hinihila ang kaibigan palabas ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD