CHAPTER 4

2600 Words
Quielle “Sshhh,” aniya. Itinakip niya ang palad niya sa aking labi. “Come with me.” He whispered. Sa gulat ko, hindi na ako nakatutol. Hawak niya ako sa palapulsuhan ko. Mahigpit pero hindi masakit. Binaybay namin ang pasilyo palabas ng kusina. Dinala niya ako sa may pool area. Hindi naman madilim doon. Pero hindi abot doon ang sobrang liwanag. Huminto kami sa dulong bahagi nito, malapit sa cottage na naroon. “Bakit mo ako dinala rito?” Takang tanong ko. He looked pissed. Pabalang niya akong binitawan. Salubong ang mga kilay niya. Ang mga mata’y punung-puno ng iritasyon nang tingnan niya ako. Pero nang suklian ko siya nang nagtatanong na ekspresyon, umiwas siya at bumuga ng hangin. “You lied to me.” Aniya. “Hah?” He sighed again. “Ang sabi mo, hindi mo boyfriend si Quino.” May sinabi ba ako? “Sa hospital. Sinabi mo sa’kin na hindi mo siya boyfriend!” Parang napigtas ang pasensya niya nang matagalan ako sa pag-iisip. “O-Oo nga,” sagot ko nang may maalala. “Eh ano ‘yong pagpapakilala niya sa’yo?” Nakarinig kami ng kaluskos mula sa ‘di kalayuan ng pool. “f**k!” He hissed and pulled me again to a more secluded area. Sa patio. Binitawan niya ako matapos igiya paupo sa single couch. He remained standing. Tumingala ako sa kanya. Inis pa rin siya, actually, dumoble pa ngayon base sa itsura niya. “Eh…ahmm, ano…” kinamot ko ang sentido ko. “Totoo naman ‘yong sinabi ko sa’yo noon. Pero sinagot ko rin siya no’ng araw na ‘yon,” paliwanag ko. His jaw clenched repeatedly. Bakit siya nagkakaganito? “Ito lang ba ang itatanong mo sa’kin kaya mo ako hinila papunta rito? Pwede mo naman akong tanungin ng maayos doon sa loob kanina. Hindi mo na kailangang—-“ He cut me off from talking when he gently pulled me to stand up. Matangkad naman ako pero mas matangkad pa rin siya. Sa height kong 5’10”, hanggang baba niya lang ako. “Kanina pa kita hinihintay. I thought you were with Tita Ellie because Quino was with them. Pero ang sabi niya’y may sarili kayong lakad.” Tumango ako. “Oo,” “Ba’t ngayon mo lang sinabi sa akin na boyfriend mo na si Quino?” “Eh kasi…ngayon lang tayo nagkita. Saka…ano,” paano ko ba sasabihin ‘to nang hindi ako tunog namimilosopo? “What?” He asked, still irritated from what he found out. “Saka…ano sa’yo kung boyfriend ko na siya?” Mahinang tanong ko sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita. Ako naman ay tinitimbang kung tama nga ba ang tanong ko sa kanya. Baka mas mabwisit sa akin ‘to. Dapat kasi hindi na ako nagtanong pa eh! Bahala na! Aamin na lang ako sa kanya para hindi na siya mabadtrip! “Ano, ahm…” alangan kong sabi sa kanya. “Ano lang naman namin ni Quino,” natatawang sabi ko para mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nangunot ang noo niya. “Ano’ng ano?” “Ahm… ano, parang…usapan lang, gano’n ba. Parang trip lang gano’n.” Napalunok ako dahil alanganin pa akong umamin. Pero nilakasan ko pa ang loob ko. Hindi pwedeng malabo ang pagkakasabi ko sa kanya. “Habang…wala pa kaming boyfriend at girlfriend, kami na lang munang dalawa. Kapag meron na kaming nagustuhan, automatic na break na kami.” Paliwanag ko sa kanya. Amusement etched on his face. Hindi ko sure. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko base sa reaksyong nakikita ko sa mukha niya. Tama naman ako eh! “Ano’ng pumasok sa utak mo at pumayag ka sa gano’n? I thought you’re better than this Viennise Quielle!” Natahimik ako nang pagtaasan niya ako ng boses. Kaming dalawa lang ang nandito pero ramdam ko ang sobrang pagkapahiya. Hindi pa siya nakuntento sa unang sinabi niya, nagsalita pa siya na mas ikinabigat ng dibdib ko. Matalim niya ako tiningnan. “Were you just curious about things you both do? I saw him kissed you! Bakit? Atat kang mahalikan?” Medyo mataas pa rin ang boses niya. “Hindi laro-laro ang pakikipag-relasyon, Quielle!” Alam ko namang laro-laro lang namin ni Quino ‘yung pagiging mag-boyfriend namin. Hindi naman kami seryoso noong nagkasundo kami. Pero ewan ko, para akong sinampal ng kahihiyan. Nagbaba ako ng tingin. Gano’n ba ang tingin niya sakin? Uhaw sa halik? Atat sa haplos? Nanubig ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Ba’t ba ako pinapagalitan nito? I looked away as I try my best to hold my tears. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Nang salubungin ko ang mga mata niya, nagtapang-tapangan ako para hindi magmukhang kawawa sa harap niya. “Kung makapagsalita k-ka,” hindi maiwasang gumaralgal ang boses ko. “Ikaw nga eh! Nag-uuwi ka ng babae rito! Saka pakealam mo ba kung boyfriend ko siya at hinahalikan niya ako? Normal naman ‘yon ah!” Tinaasan ko rin siya ng boses pero sapat lang para walang makarinig sa amin. Mas nangunot noo niya sa iritasyon nang sagutin ko ang paratang niya. Hah! Kahit mag-away na kami, wala na akong pake! Kahit hindi niya na ako pansinin at palaging sungitan, makaganti lang ako sa mga pinagsasabi niya! Tingin niya sa akin? Malandi?! “Ikaw nga nakikipag-s*x sa mga babae mo pero hindi mo naman girlfriend!” Dagdag ko. Pero hindi ko na napigilan ang galit ko. Tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Umawang ang labi niya. Hindi siya agad nakapagsalita, lalo na nang makita niyang tuluy-tuloy na ang buhos ng mga luha ko. Kahit anong pahid ko sa pisngi ko, nababasa pa rin ‘yon ng luha. Pakiramdam ko, gumaan ang loob ko nang masabi ko ‘yon sa kanya. Kanina nga’y nagngingitngit ako sa kotse nang sumagi sa isip ko ‘yong araw na nag-uwi siya ng babae rito sa mansyon. Babaero talaga! “Hindi ako malandi, Sandro!” Mariing sabi ko. “Kaya huwag mo akong pagalitan dahil lang nalaman mo na boyfriend ko si Quino at nakita mong hinalikan niya ako!” Pwede naman akong umalis na do’n kung tutuusin. Bakit ko ba hinahayaang pagsalitaan niya ako ng ganito? Pwede ko siyang isumbong kay Tita Grae! O kaya kay Tito Alfie! Tingnan lang natin kung sino ang papagalitan kapag nalaman nilang inaaway niya ako. Kaso nahihiya akong gawin ‘yon. Kung tutuusin, anak pa rin ako ng tauhan nila. Magkaiba pa rin kami ng estado. Mabait sila sa akin. Pero parang hindi pa rin yata tamang malaman nila na nag-aaway kami ng anak ng isa sa mga amo ng tatay ko. Nakita kong unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lumambot iyon, siguro na-guilty sa mga pinagsasabi niya sa akin. Hmmp! Dapat lang! Inabot niya ang siko ko pero iwinasiwas ko ‘yon. Pupunta na lang siguro ako sa quarters ni Tatay para magpaalam na uuwi na ako. Hiramin ko na lang ‘yung gamit niyang motor. Marunong naman akong magmaneho. “Hey,” inabot niya ako ulit. “Wala akong sinabing malandi ka.” He softly said. Parang lumukso ang puso ko nang marinig ko kung gaano kalambing ang boses niya. Hindi ko mapigilang hindi maapektuhan. Ba’t ganito? Ano ‘tong nararamdaman ko? Pero dahil kinain na ako ng emosyon ko kanina at kung anu-ano na ang lumabas sa bibig ko, mas ginusto ko na lang ang umalis para hindi na humaba ang usapan namin. Huminga ako ng malalim. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinahid ko ang natitirang luha sa mga pisngi ko dahil desidido na akong umalis do’n. Pero hindi pa ako nakakahakbang, hinawakan niya ulit sa siko ko at pinaharap sa kanya. I don’t understand. My mind is protesting from his touch but my heart willing to stay. Ang gulo! Dumagundong ang dibdib ko nang hapitin niya ako sa baywang ko at isinandal niya ang noo niya sa ulo ko. My eyes widened as I fet his lips on my head. Hinalikan ba niya ako?! Hinalikan niya ako! “I’m sorry,” he said breathily. “Hindi ko sinabing gano’n ka.” He sound frustrated but controlled. Umiling ako. “Pero ‘yon ang punto mo,” Pwede akong humiwalay sa pagkakahawak niya sa akin. Pero may parte sa utak ko na gusto ko ang ginagawa niya. Hindi ko na alam kung paano mag-react sa nararamdaman ko ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako. Gusto ko ‘to. Bahagya niyang inilayo ang sarili niya sa akin nguniy hindi niya ako binitawan. Nagtagpo ang mga namin. Nawala na ang iritasyon sa mukhan niya. Napalitan na iyon ng malambot na ekspresyon. He looked sorry. Ako naman, parang nag-uumpisa na ring malusaw ang inis ko sa kanya. “Kung pagalitan mo ako, p-parang ang landi landi kong tingnan. Eh mas malandi ka nga eh! Wala akong naging flings tapos ikaw nag-uuwi ka rito!” Hindi ko mapigilang isumbat ‘yon sa kanya. I know he looked sorry but when I looked at him, I saw a ghost of smile on the corner of his lips. Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko? Tinulak ko siya para makawala ako sa pagyakap niya sa akin. Hindi niya siguro inasahan ‘yon kaya madali akong nakalaya sa mga matipuno niyang braso. He chuckled lightly. Nakakainis pakinggan pero ewan, para akong…kinikilig. “Are you jealous with my women?” Nanunudyong tanong niya sa akin. I glared at him. Kung nakakamatay ang matalim na tingin, baka nabuwal na ito sa kinatatayuan niya. “Women?” I crossed my arms as I looked at him with so much irritation! “Ang dami ah?! So totoo nga ang sinabi ni Quino!” He sneered at me. “Ano’ng sinabi niya?” It sounded dangerous. “Na you don’t do girlfriends! Fling lang! Tapos kung paratangan mo ako? Ano’ng tingin mo sa akin? Hindi ako malan—-“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang mabilis na paglapit niya sa akin. I felt his arms wrapped on my waist and rested in my back. At hindi ko pinaka-inaasahan ay ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko! Hinalikan niya ako! s**t! He kissed me on my lips! Magaan ang paghalik niya sa akin. Dampi lang iyon kung tutuusin pero sapat lang para maumid ang dila ko sa pagsasalita. “Baby,” he said softly. “Stop saying it. Hindi ka malandi.” Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I tried to assess myself from the way he holds me. Kung ibang tao ang gumagawa sa’kin nito, baka nasapak ko na. Pero hindi…si Sandro ang nasa harapan ko. At…hindi ko maikakailang gusto ko ang ginagawa niya sa akin ngayon! Bumaba ang tingin ko sa mapulang labi niya. Hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako. Basa iyon at bahagyang nakaawang. Parang may bumubulong sa aking halikan ulit siya at tikman ulit ang mga labi niya. Wala sa loob kong binasa ang sariling labi. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mataman ang tingin niya sa akin pero salubong ang mga kilay. Tila tinatantiya ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya. Inilapit ko ang sarili sa kanya para abutin ang labi niya. I gripped his shirt. Hinanda ko ang sarili sa gusto kong mangyari. Tumingkayad ako para maabot siya. I closed my eyes. Hinalikan ko siya. Kung kanina, mabilis niyang hiniwalay ang labi niya sa akin, ngayon, pinatagal ko ang pagkakalapat nito sa akin. Nang ihiwalay ko ang labi ko sa kanya, hindi ko inasahang hahabulin niya iyon at madiin niya akong hinalikan. “f**k,” he whispered his curse. “Kiss me.” He said like commanding me to answer it. Automatically, I brushed my lips against his. Nagmura ulit siya at sinapo ng isang kamay niya ang pisngi ko. Yakap niya ako ng humakbang siya ng kaunti at narinig ko ang pag-click ng kung ano. Then I knew, he turned off the lights from the patio. He nibbled my lips. He sucked and bit it gently. Hindi ako nagpatalo. Gumanti rin ako sa parehong intensidad. Mahina akong dumaing nang maramdaman ko ang mainit na dila niyang kumakatok sa labi ko. Para akong nauubusan ng hangin kaya ibinuka ko ang mga labi ko para humigop ng hangin. Pero kinuha niya iyong oportunidad para maipasok niya ang dila niya sa bibig ko. I moaned. Napadaing ako sa sensasyong dulot no’n. Ginaya ko ang ginawa niya at narinig ko rin ang mababang pagdaing niya. Para akong natauhan nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya. But he remained his arms snake on my body. Hindi ko siya itinulak. Hinayaan ko siyang hawakan niya ako sa paraang gusto niya. Habol namin ang hininga pero siya, nagpatuloy sa paghalik sa panga paakyat sa puno ng tainga ko. Para akong nakukuryente sa mga halik niya. Nakakapanghina. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko. At ang tagal naming naghalikan. Ramdam ko ang pangangapal ng labi ko. I took out my phone from my pocket and saw the name of the caller Quino. Tuluyan na akong humiwalay sa kanya. I gently pushed him. Nabitawan niya ako pero rinig ko pa rin ang malalim niyang paghinga. But I felt his touch again when he rested his forehead on my shoulder. “Don’t answer it,” he said. “H-Hinahanap niya na ako,” sagot ko. “Please stay,” aniya. Gusto kong siyang sundin. Gusto kong ulitin ang ginawa namin. I wanted to kiss him and hug him again. Inaamin kong nagustuhan ko ang ginawa namin kanina. Gustung-gusto. Namatay ang tawag ni Quino sa cellphone ko. Pero nataranta ako nang mabasa ang pangalan ng sumunod na tumatawag. Si Tatay! Hindi ko na sinagot ang tawag niya. Determinado na akong umalis. Tumatakbo na sa isip ko ang mga posibleng tanong nila sa akin at kung paano ko iyon sasagutin. Siguradong hinahanap na ako ni Quino dahil nagtanong na siya sa tatay ko! “Alis na ako,” nagmamadaling sabi ko sa kanya. “Baka pagalitan ako ni Tatay.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tuluyan na akong kumalas sa pagkakayapos niya sa akin. Ni hindi ko na siya tiningnan dahil mas nangibabaw na ang taranta at kaba ko. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang, muli niya akong pinigilan. Doon ko nakita ang itsura niya. Namumungay pa rin ang mga mata niyang tiningnan ako. He looked defeated, too. Sa hindi ko malamang dahilan, nakita ko sa mga mata niya ang pagsamo. “Then take this,” he said. May dinukot siya mula sa bulsa ng kanyang maong jeans. Bumaba rin ang tingin ko ro’n. When I saw it, my lips parted and became dumbfounded. It’s a necklace. The gold chain holds a white pearl and a small diamond cut was engraved on the center of it. Mabilis niya iyong naisuot sa akin. Hindi ko napigilang hawakan at humanga sa ganda nito. “It’s my gift for you.” He said. Nakangiti akong tiningnan siya. “Thank you,” nangingiti kong sabi. “Ang ganda.” “You like it?” Hindi nakatakas sa akin ang saya sa boses niya. “Oo. Ang ganda,” ulit ko. He advanced and kissed me on my head. “Go,” he whispered. “Ayokong mapagalitan ka.” Tumango ako. Pero bago ko siya tuluyang iwan do’n, tumingkayad ulit ako at pinatakan siya ng halik sa pisngi. He looked stunned. But I didn’t say a thing. Patakbo kong nilisan ang patio at iniwan siyang natigilan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD