Chapter 34

1244 Words

Luna POV "Galing sa puso ko ang mga sinabi ko sa kanilang dalawa ni Prinsipe Henry. At handa akong patunayan iyon sa 'yo Luna ko," nakangiting sabi ni Leo habang kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Tila ba umurong ang dila ko sa mga oras na ito. Napatingin ako sa kamay ko na madahang hinahaplos ni Leo saka namumbalik ang tingin ko sa kanya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Sa tuwing tinitignan ko ang mga mata ni Leo ay nakakaramdam ako ng kapayapaan. Sa tuwing kasama ko si Leo pakiramdam ko ligtas ako. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito. "Luna?" tawag ni Leo sa aking pangalan kahit na magkaharap naman kaming dalawa. "B-bakit?" hindi ko alam kung bakit ako nauutal pero kinakabahan ako n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD