Chapter 33 Luna POV "May ibabalita ako sa inyo," sabi sa amin ni Kelly ng makarating siya sa kinatatayuan naming tatlo nina Kristal at Leo. Papasok pa lang kasi kami ngayon sa school. Kahapon kasi ay hindi na namin napasukan ang ibang mga subject dahil nag-imbestiga pa kami. Lumibot-libot kami sa paligid ng school at nagtanong tanong sa ibang mga tao. Pero wala kaming nakuha ni isang impormasyon. "Ano iyon Kelly? Sa tingin ko ay mahalaga ang sasabihin mo," sabi ko at nakatingin lang rin sa kanya sina Leo at Kristal. "A-alam ko na pati kayo ay magugulat," sabi ni Kelly habang hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga. Marahil ay tumakbo siya para lang maabutan kami. "Kumalma ka muna," mahinahong sabi ni Kristal kay Kelly. "Hindi ka namin maiintindihan kung hinahabol mo ang hininga mo.

