Nakauwi na si Aldwin from Italy,agad siyang pumunta sa hospital kung saan nagtatrabaho si J at nakita niya si nurse Anna..."Nars naka duty ba si Doc Jia Maegareth?ay hindi po 1 month vacation s'ya ngayon..Namatay po kasi Lola niya.."Ha?saan po nakaburol?Sa Batangas po ata,pupunta din kami doon mamaya pagkaout sa trabaho..'ah sige Nars Anna mauna na ako doon,maraming salamat...
At dali daling bumalik si Aldwin sa sasakyan kahit wala pa siyang pahinga..Kelangan niya damayan ang babaeng mahal na mahal niya..Nalulungkot siya para dito dahil naalala niya noong bata pa ito kung gaano kalunggkot nang malaman na ang lola Esperanza niya ang dahilan ngbpagkamatay ng magulang nito.Dahil na rin sa kwento ng Lola Norie niya kahit nasa anim na taon palang ito noon..Namasyal kasi sila ng lolo niya sa bahay nila J dahil bestfriend ng lolo niya ang lolo ni J at sinama siya ng matanda.Doon niya unang nakita si J cute na cute ito at biglang narinig niya ng may tinanong ito sa lola at ikwento ang lahat na nangyayari sa magulang niya bakit daw wala siyang mommy at daddy. Napilitan magkwento si Lola Norie kaya narinig din lahat ni Aldwin ..Awang -awa siya kay J noon gustong gusto niya itong lapitan.Umiiyak ito papunta sa playground niya at doon na niya ito nakausap..At umpisa noon hinding hindi nya na nakalimutan si J naging magkaibigan sila noong bata at nagawa niyang patawanin ito na sa murang edad ay may kimkim itong galit sa pamilya ng daddy niya..Saktong alas otso ng gabi narating ni Aldwin ang bahay nila J at nakita niya si Lyn ang kasambahay nila J pati ang Lolo nito na nakaupo sa tabi ng Kabaong ng asawa..
"Mano po Lolo,condolence po."Hijo mabuti nakapunta ka dito,si J kakatulog lang sa tatlong araw na pagpupuyat ngayon lang nakapahinga"...Ganun po ba,sige po hintayin ko nalang siyang magising.."Naku,puntahan mo nalang sa kwarto niya ang girlfriend mo..Hindi na po,hayaan ko nalang siyang magpahinga..salamt po..
Naupo si Aldwin sa sala,inaantok na din siya dahil wala pa din siyang tulog mula kahapon..Nakausap niya ang ina niya at binalita na nagresigned na siya sa trabaho dahil gusto nalang niya sa company nila at mabantayan si J.Tuwang tuwa naman ang ina nitong botong boto kay J .Gusto agad ng kasal hindi pa nga alam kung seryoso ba si J sa relasyon nilang biglaan.."Sir pinapasabi po ni Lolo akyat nalang daw po kayo sa gueatroom sa taas,inaantok na daw po kayo.."sige Lyn,maraming salamat...Hijo kumain ka muna ng hapunan abay alas onse na ng gabi..'Lyn pakihanda ng makain si Aldwin'...Kumain ka muna bago magpahinga,nakausap ko si Alfonso galing kapa daw sa italy at wala pangbpahinga,pupunta daw sila dito bukas kasama daddy at mommy mo.."opo,kakausap ko lang din sa mommy,si lolo Alfonso po baka susunod nalang dahil sa states pa magmumula.."hala sige punta na sa kusina at makakain na..Ako'y magbabantay ngayon at si Lyn dahil si J wala pang tulog.."Sige po.'
Nagising si J sa pagkahimbing na tulog dahil kumakalam ang sikmura niya..Hindi pa pala siya nananghalian kanina tanging kape at pandesal lang din ang almusal niya..May limang oras din siyang tulog 6 ng gabi siya umakyat para umidlip muna bawal sa lolo niya nag magpuyat.."alas onse na pala ng gabi.. Tenext niya si Lyn magpapadala nalang siya ng pagkain sa taas at nagreply agad ito..Pumasok muna siya sa cr at nagtoothbrush naghilamos at nagbihis na para pagkatapos kumain ay toothbrush nalang ulit at baba na.
Nakita ni Aldwin na may hinandang pagkain si Lyn,"para kanino yan Lyn?aj,kay ate J po gising na siya doon nalang daw po siya kakain sa taas.."pwede ako nalabg maghatid sa kanya?ok lang po,kasi titimplahan ko pa ng gatas si lolo para makatulog na si ate kasi magbabantay ngayon...ayaw niyang mapupuyat ang lolo niya..
Kakatapos magbihis ni J ng may kumatok sa pinto."Sige Lyn,bukas yan.....busy si J sa pagrereply ng text kay Yna kaya hindi niya namalayan kung sino ang pumasok...."Hi,J kumain kana....
Nagulat siya ng makita si Aldwin..."Ikaw?anong ginagawa mo dito?J relax lang faling akonsa hospital kanina tinanong kita kay Nars Anna,tapos ayon naikwento niya ang nangyari kaya sumugod agad ako dito..J sorry,nakita kita sa italy noong nakaraan,,sa italy ako nadistino,alam ko yong pagamot mo sa pasyente noon sa mall pagkatapis ng lindol..Kanina lang ako dumating,6 months akong nasa italy..Tinatawagan kita hindi mo sinasagot,pati text ko hindi mo pinapansin..J mahal na mahal kita!"Aldwin,sorry hindi ko alam akala ko kayo ni Camille,akala ko nagpakasal na kayo.."Hindi mangyayari yan J ikaw ang mahal ko mula pa noong bata pa tayo..Tuwang tuwa nga akonnoon ng nakita kita sa hospital e,dahil akala ko hindi na kita makikita hindi ko maalala ang lugar ninyo..Gusto ko itong puntahan noon ng sinama ako ng lolo dito...J sana ok lang sayo na maging tayo at girlfriend kita...Oo naman,mahal din kita Alds kaya ayaw ko ding mawala ka sa akin..Gumagaan ang loob ko 'pag andito ka,pagkasama kita...pero wala na ang lola ko ang siyang tumayong ina ko..
Tuluyang napaiyak si J at humagulgol ito sa dibdib ni Aldwin,yakap yakap naman ito ng lalaki.."Tahan na ok,lahat ng pagsubok ay malalampasan..May nawala man ay may kapalit din diba?andito na ako J hinding hindi na kita iiwan..kumain kana at sabay tayong bumaba at bantayan si Lola.."pero wala ka pang tulog,wala ka pang pahinga...J baka nakalimutan mo sundalo ang boyfriend mo kahit isang taon na walang tulog kayang kaya ko yan captain ata to!!sabay tawa sa babaeng seryosong nakatingin sa kanya.Napailing nalang si J at kumakain na,ngayon lang siya ginanahan sa pagkain at masaya siyang andyan si Aldwin sa tabi niya.."Tapusin ko lang tong pagkain ko relax ka lang diyan ok?nge,tulog na pala .".Tinitigan ni J ang mukha ng lalake,halatang pagod ito at kagagaling lang sa matinding misyon...Hinayaan nalang niyang makatulog ito sa kama niya at baba na din siya para ihatid ang pinagkainan..Kinumutan niya si Aldwin at bumaba na siya..
"Ate andyan po sila maam Yna at dalwang Nars po..sige Lyn salamat...pakidala nalamg nito sa kusina.."J bff condolence sorry ngayon lang kami nakadalaw kay Lola busy talaga...Ok lang salamat at nandito kayo..Kain muna kayo,tara sa kusina.."Lyn pakihanda nalang ng makain nila,salamat..Papatulugin ko muna ang lolo kain lang kayo dyan,Anna at Ian..."yes,doc J ni problem..
"Lolo pasok na po kayo sa kwarto ninyo ako na bahala dito 1 na ng madaling araw...'Sige apo,ikaw na bahala dito ha..opo Lo,tulog na po ha..Ilove you Lolo!!at niyakap ang lolo ng napakahigpit... I love you too,apo....buti andito ka kung wala hindi ko na alam ang gagawin ko..."kaya natin to lolo tayo pa ba?Nandito lang lagi ang apo ninyo para sayo...ok!!kaya tulog na ang mahal kong lolo.."S'ya sige,papasok na ako sa kwarto ko..goodmornight lolo!!
"Lola magpahinga lang po kayo,kasama nyo na po sila mommy at daddy dyan,wag po kayo mag alala ako na bahala mag alaga kay lolo...Uwi an na ako lagi dito sa Batangas..Bibili na ako ng sarili kong sasakyan para laginna ako umuuwe dito para kay Lolo.
Walang tigil ang pagpatak ng luha ni J,Sobrang lungkot niya sa nangyari sa lola niya."J tama na yan,nalulungkot din sinlola pag nakita kang ganyan..."Yna alam kong kaya ko,'di ko lang mapipigilan ang sarili ko,bata pa si lola e mag 71 pa lang yan,naturingan akong Doctor pero hindi ko siya nagamot.."J biglaan ang nangyari kaya wala kang kasalanan doon."Kasalanan ng Donya Esperaza na yon kung hindi siya pumunta dito Yna hindi nangyari ito sa lola ko..
Galit na galit si J kay Donya Esperanza,magawa pa kaya niyang mapatawad ang ina ng Daddy niya?