CHAPTER 7: ABOUT THE GLOVES
“Sayo na ‘to.” Binigyan ako ni Aries ng sword pero hindi ko rin nagawang abutin, iniisip ko pa lang na papatay ako... nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot. Napabuntong- hininga si Aries. “Gamitin mo na nga lang ang special skill mo, ‘wag na ‘to,”
“Speed?”
Natawa ito saglit, “’Yung ginagawa mo kanina. ‘Yung ganito...” tapos itinaas- taas niya ang tuhod niya na parang sumisipa ng kung ano kaya naalala ko ang ginagawa ko kanina sa mga kalaban namin...
“Hindi ka nakakatuwa.” Inirapan ko ito at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Tinutukoy niya ay ‘yong pagsipa ko sa private part ng mga kalaban kanina, hindi ko kayang pumatay, okay?
Biglang may lalaking tumalon papunta sa harapan namin ni Aries. Naka- coat ito na kulay army green at kulay dilaw naman ang mga mata.
May hepatitis ba siya? Jaundice symptoms? Charot.
“Sino kayo?” mariing nakatitig ito sa ‘ming dalawa kaya sinubukan kong daanin siya sa maliit na ngiti, can we be friends na lang?
Kumibit- balikat si Aries, medyo nasa harapan ko ito kaya kitang- kita ko rin na bahagya itong natawa sa kaharap.
“Extra lang sana kami parehas dito, kaso itong kasama ko,” bahagya akong nilingon ng siraulo saka nilait, “Mataas ang pangarap, gusto maging bida rito,”
“Masama ba ang tumulong,” iritableng asik ko.
“Dadating naman ang bida sa eksena, kaso nauna ka na. Ngayon hindi na siya dumating at tayo na ang kaharap ng unang kalaban sa istorya,” tuluy-tuloy na kwento ni Aries, na may tonong nang- iinis talaga. “Tayo na tuloy ang bida rito, ano kaya ang magandang title?”
“Hailey and the Coward Prince,”
He chuckled.
True naman. Bakit ha.
Napalitan ang ekspresyon ng bagong dating na lalaki sa harap namin, mukhang hindi niya nagugustuhan na hindi niya maunawaan ang pinag- uusapan namin. Kaya sumenyas ito gamit ang kaliwang kamay saka sabay- sabay kaming sinugod ng mga goons.
Mano- mano na nakipaglaban si Aries gamit ang espada na hawak niya, magaling naman, may taekwondo skills yata ang devil s***h coward prince na ‘to.
Kita mo... magaling ka pala sa ganyan tapos ayaw mo pa tumulong kanina. Selfish!
Mabilis na nakaisip naman ako ng paraan para tulungan si Aries, literal na tumakbo ako ng mabilis para igapos ang mga paa at kamay ng mga goons na ‘to gamit ang mga lubid sa gilid ng lugar. Sa bilis ng kilos ko, hindi nila agad namalayan na they were being tied down.
After minutes, lahat sila nasa ground na. Napatakip pa ako ng bibig nang makakita ng duguan na lalaki sa gilid ni Aries.
“You know, you didn’t have to kill them, kaya ko naman sila. Murderer ka,”
“Ah talaga?”
Nagtaka ako sa ngisi ni Aries pero nang makita kong natanggal ng mga goons ang lubid gamit ang mga espada nila ay napaatras ako. Ang iba naman ay kahit sugatan, nakakatayo pa na parang hindi nakakaramdam ng sakit ng katawan.
Parang mentally absent at robot na gumagalaw hanggat kaya pa ng katawan. Weird!
Ang dami pa naman nila. Now, they looked more annoyed!
“Don’t kill them, okay? Pwede namang tumakas na lang tayo, hindi ka ba kinikilabutan.”
“Hindi ka makakatakas, tignan mo na lang ang barriers sa paligid. Idiot,”
What. Napukaw ng pansin ko ang kulay dilaw na barriers sa paligid. Pero kanina wala ‘to.
“Kaysa tayo ang patayin, edi mamili ka,” Nagbanat ito ng buto sa leeg at naghanda ng makipag-laban ulit. “Napaka- maawain mo naman para maging bida, baka hindi ka makaabot ng ending niyan,”
Psh.
Nang mag- umpisa na namang sumugod ang mga goons sa ‘min ay medyo mas marahas na sila. Sabay- sabay pang sumusugod! Nakakaiwas naman ako but Aries is...
“Nakakabanas na! Patulugin mo ang isang ‘yon, papikitin mo o dukutin mo ‘yong mata, mamili ka nalang!” sigaw ni Aries habang hinihingal na nakikipag-sagupaan sa mga goons na parang hindi nauubos sa dami. “Natapos ko na ang book na ‘to, and his power is from his eyes. He’s hypnotizing their bodies.”
Sino raw?
Umilag-ilag ako sa atake ng mga goons na sumusugod sa ‘kin saka napansin ‘yong lalaki kanina na naka-green coat. Nakatayo siya malayo sa ‘min, ‘yon lang at nakatayo lang pero kumikislap sa dilaw na kulay ang mga mata. He’s like controlling them, hypnotizing them or what.
Okay, cutie, time to sleep! Close your eyes na.
Mabilis ang kilos na lumapit ako rito pero nahuli niya agad ang mga kamay ko!
What the. Paano.
Tinitigan niya ako sa mga mata nang mariin. Parang may magnet, hindi ko maikurap ang mga mata ko at parang nahihilo ako sa mga tingin niya.
“Hoy tanga! ‘Wag kang magpa- hypnotize!” umalingawngaw sa paligid ang nakakainis na boses ni Aries pati ang pagtawag niya ng tanga sa ‘kin.
Alam mo ‘yung feeling? Nakakairita.
Pinang-isipan mabuti ng parents mo ang pangalan mo tapos tanga itatawag sa ‘yo. Mabuti sana kung baby o babe, matuwa pa ako.
Pinilit kong pumikit pero pakiramdam ko hinihigop niya ang lakas ko galing sa mga mata. Kawawa naman ang Aries na ‘to kung magiging hypnotized din ako, baka pagsisihan niya pang tumulong siya at ginawa niya ang right decision. Ha!
Inipon ko ang lakas ko saka hinatak ang mga kamay ko paalis sa pagkakahawak niya, tagumpay naman dahil nahubad ang suot kong pair of red silk gloves, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya saka inuntog ang ulo ko sa ulo ng lalaking cutie na may yellow eyes.
Malakas ang impact kaya nabitiwan ako nito sa magkabilang- kamay, nakita kong nagdugo ang noo niya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para itali ang mga kamay niya gamit ang lubid sa kanyang likuran.
Next thing ay ang pagpiring ko sa kanya ng tela na napulot ko sa tabi. You know, napaka- kalat ng tribe nila, ang daming useful resources sa paligid.
Pero bago pa ako makabitaw sa balat niya ay nakaramdam ako ng panghihina. Parang nawalan din ako ng pandinig at nagdilim ang paningin.
Ang nakikita ko nalang ngayon ay ang lalaki kanina na may dilaw na mga mata. He was beaten up by his father, inuutusan siyang gumawa ng masama at mandaya sa trabaho nitong palitan ng pagkain at mga sandata.
Bukod doon ay hindi makatao ang trato sa kanya ng kaniyang ama, maging ang mga tauhan nito. Pinapakain siya nito ng pagkain sa lupa, pinapainom ng tubig na marumi na. Humihingi siya ng tulong sa mga taong nakapaligid sa kanila pero parang bingi at bulag ang mga ito na walang pakialam sa kanya at sa trato ng tatay niya sa kanya.
Ang sunod na nakikita ko ay ibang eksena naman. Kung saan...
May matandang babae na lumapit sa kanya, binigyan siya ng nagliliwanag na kwintas na dilaw.
“Para saan po ‘to?”
“Kael, hijo, gamitin mo ‘yan para sila naman ang pwede mong alilain.” Mapaglaro ang ngisi ng matanda, tila walang gustong mangyari kung hindi mapuno ng galit at kagustuhan si Kael sa paghihiganti.
Nagpula ang paligid, puro sunog, krimen at p*****n. Lahat iyon... kagagawan na at dahil sa lalaking ‘to na may suot na... kwintas.
Kay Kael na nasa ilalim din ng galit, kagustuhang maghiganti at kapangyarihan ng kwintas.
Naghahabol ng hininga na nagdilat ako ng mga mata, naabutan ko pa si Aries mula sa likuran ko ngayon na hinatak ako palayo sa lalaking ‘yon.
Tinitigan ko ang mga kamay ko, n- nanginginig ang mga ito at masakit.
“Aries, it’s not his eyes. The... the necklace,” nanghihinang sambit ko. Napakurap si Aries sa tinutukoy ko, pero nang makuha niya ang ibig kong sabihin ay mabilis niyang sinangga ang atake ng lalaki na ngayon ay may hawak na espada, galit na galit ang tingin nito sa ‘kin.
Kael ang pangalan niya at may dahilan kung bakit masama siya ngayon.
May dahilan kung bakit kalaban namin siya ngayon at hindi lang basta villain character siya. Nasa ilalim siya ng matinding galit na emosyon.
Sa puntong iyon ay nawala ang hypnotize magic sa mga tribe men at sabay- sabay silang nagsi- bagsakan sa ground, siguro sa exhaustion at mga sugat na ngayon lang naramdaman dahil wala na ang hypnotizing magic.
Pero si Kael, may emosyon na siya ngayon kaysa kanina. Galit siya. “Minamaltrato siya ng tatay niya dati. Matindi. Kaya nag- ugat ‘yon ngayon sa malalim na galit sa mga tao sa paligid niya.”
Naglaban sila ni Aries, sabay lang ang lakas at bilis nila. Pero delikado para kay Aries dahil sa magic ni Kael.
“Tumabi ka, ikaw ang gusto niyang saktan!” warning sa ‘kin ni Aries pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, sa likuran ni Aries habang sinasangga at hinaharangan ang paglapit ni Kael.
Bakit ko ‘yon nakita? Isa ba ‘yon sa magic ko dito? Pero paano... bakit?
And then suddenly I heard Maggie’s voice. It’s also like a puzzle that needs to be solved.
“Kael!” tumango- tango ako, he stopped from fighting back against Aries, that’s right give me your attention. “Kael is your name, right?”
Naglakad ako palapit sa kanya. Naalarma si Aries kaya itinutok nito sa ‘kin ang espada niya. “Lumayo ka sabi, tanga ka ba?”
“Hindi niya sinasadya ang mga ginagawa niya ngayon. Wala siya sa katinuan, hindi mo siya kailangan patayin. I’ll help him!” Inis na sagot ko.
“What?!”
“Kael,” umpisa ko nang dalawang hakbang nalang ang pagitan namin. “Naiintindihan ko ang hirap at pait ng dinanas mo noon, pero tapos na ‘yon, wala ng kokontrol pa sayo para gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto ngayon. Mga krimen na labag sa loob mong gawin.”
“Hoy tanga-“
“Ssh!” inis na inirapan ko si Aries kaya pumameywang ito at lalong kumunot ang noo. Tawag nang tawag sa ‘kin ng tanga.
“Malaya ka na ngayon, Kael. Gawin mo ang tama ngayon, ‘wag kang pumayag na habang-buhay kang alilain ng galit mo. Hindi ito ang gusto mo, di ba? Hindi mo naman gusto makasakit ng iba gaya ng hirap na naranasan mo noon. Di ba?” Kinagat ko ang labi ko, kapag ito hindi gumana, yare talaga ako. Ang lapit ko pa naman sa kanya. “Di ba?” mabagal na pagpapaunawa ko sa kanya.
More like pagmamakaawa. Please, gumana ka.
“Kung halimaw sa paningin mo ang tatay mo noon, huwag kang maging siya ngayon. Kontrolin mo ang emosyon mo... huwag kang pumayag na kainin ka ng galit habang- buhay.” Mahinang paliwanag ko pa sa kanya. “Kael?”
Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. What to do, what to do. Isip, Hailey!
“Hailey, umalis ka na diyan,” mahinang babala ni Aries.
Umiling ako saka hindi pinag- isipan ang sunod na ginawa.
Niyakap ko si Kael.
Halatang natigilan ang katawan niya.
Ako rin e. Hindi ko siya niyakap dahil cute siya ha? Hays!
"Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon... bakit ganito?" rinig kong sambit nito kaya namilog ang mga mata ko. O- okay na ba? Nasa katinuan na ba ulit siya? Nasa tamang pag- iisip na ba ulit siya? "Pakiramdam ko ay nakalaya ako... pakiramdam ko, nakokontrol ko na ang sarili kong emosyon..."
Maya- maya ay naramdaman ko ang mga kamay niya sa likuran ko, tumutugon sa yakap. “M- Maraming salamat...” mahinang sabi ni Kael!
Kumalas ako sa yakap saka tinitigan ang mukha niya. Hindi na dilaw at walang emosyon ang mga mata niya!
“Okay ka na?” hindi makapaniwalang tanong ko, mabilis kong tinanggal ang kwintas niya saka tinapakan at binasag.
Nakarinig ako ng pagtawa. Walang iba, si Aries. Hindi masayang tawa pero tawang nang- iinis. May pagpalakpak pa at pagyuko- yuko.
“What’s funny?”
Bigla siyang tumigil sa katatawa, in that instant, nagswitch sya sa mukhang seryoso at hindi natutuwa. Kita mo, sira na ang ulo nitong prinsipe na ‘to!
“Wear your gloves back, aalis na tayo dito.” Masama ang titig nito sa ‘kin. “Yakap lang pala solusyon mo, pinagod mo pa ‘ko.” Nilagpasan niya si Kael pero tinitigan ng masama ang isa!
Grabe! Kakaiba ang ugali.
Napalingon kami ni Aries sa mga dumarating na yabag ng karwahe at mga kabayo. Sakay non ay ang mga mukhang kawal na galing sa palasyo.
Natatakot na tinignan ko si Aries mula sa malayo, ngumiwi ako at sa tingin ko ay nakuha naman niya ang gusto kong itanong. He chuckled and shook his head as a respond of ‘no, hindi sila kalaban,’
Nakahinga ako ng maluwag.
“Apricot Prime and Aries Miarr?”
Lumakad si Aries palapit sa kanila habang ang nagsalita naman ay bumababa ng kabayo at may hawak na scroll. Mabilis din akong tumabi kay Aries. Napanganga naman sa nakitang bilis ko ang mga kawal, hinangin pa ng bahagya sa bilis ko ang kanilang mga bigote.
“Call me Hailey, not Apricot,”
“Uh... paumanhin, binibining Apricot- este Hailey.”
Aries smirked to obviously tease me.
“Pinapatawag ba kami sa palasyo?” pagtatanong ni Aries, naiinip sa bagal magsalita ng lalaki sa harapan. “Ang tagal mo naman magbalita, gusto ko na magpahinga, e.” aniya habang nagbabanat ng mga braso.
“Tama ka, gino-“ naputol ang dapat niyang sasabihin nang ituloy ni Aries iyon habang nagbabanat ng buto sa mga hita, stretching sa beywang at leeg.
“Tama ka, ginoo, pinatatawag kayo sa kaharian upang maparangalan sa matapang na pagligtas sa mga mahihinang mamamayan laban sa mga bandido?” sunud- sunod na sambit ni Aries na sinubukan pang gayahin ang boses ng kawal, napanganga ang kawal dahil mukhang iyong mga salitang iyon nga ang balak niyang ipaalam sa ‘min.
“Paanong-“
Napahagikhik ako. Obviously, nabasa niya na ang librong ‘to, alam niya na ang mga linya. Pero ganoon siya katalino para ma-memorize?
Oh, come on!
Tinapik ni Aries ang balikat ng kawal saka nilagpasan ang iba pang kasamahan nito. Nilingon ako ng prinsipe saka inaya ng sumakay ng karwahe.
Kakaway sana ako kay Kael para magpaalam pero hindi ko na siya nakita pa sa lugar. Kibit- balikat na inabala ko na lang ang sarili sa tanawin na nadadaanan namin.
Lumubog na ang araw nang makarating kami sa bayan. Bukas na ang mga pailaw sa daanan at lumitaw lalo ang ganda ng paligid. Ang layo talaga sa modernong design sa Earth. Dito ay parang... classy na sinaunang set- up, pero medyo moderno titigan dahil sa pailaw at suot nilang naka- ayon sa yaman na taglay.
“Ang ganda,” Nilingon ko ang nakapikit na katabi ko habang umaandar ang karwahe. “Ano ang mas maganda, ito o Magic Paradise?”
“Ikaw,”
Nanlaki ang mga mata ko, hindi inasahan ang nakuhang sagot.
Dumilat ito saka tinitigan ang ekspresyon ko nang ilang segundo tapos... natawa. “Naniwala ka naman, syempre Magic Paradise.”
Psh! Kahit kailan talaga ang isang ‘to! Porke ba malakas ang dating mo at prinsipe ka sa inyo!
I made face at tumalikod na lang sa kanya para humarap sa bintana ng karwahe. “Maayos akong nagtatanong, e.” gigil na bulong ko.
Alam ko namang di ako kagandahan pero ‘wag mo na ipamukha, okay, at least I’m not coward like you!
“I’m not coward.”
Natigilan ako saka mabilis na hinarap siya ulit. Nakapikit ito at nakasandal ang ulo. “Mind-reader ka ba or what?”
He laughed inwardly. Nakapikit pa rin. “Tingin ko lang tinawag mo ‘kong ganon sa isip mo, mukhang tama naman.”
Napaisip tuloy ako, “Wala ka bang magic? Bukod sa sword, wattah wattah moves and high kicks,” mabagal na tanong ko habang minumwestra sa ere ‘yong mga nakita kong fighting skills niya kanina habang seryoso ang mukha.
Pagtingin ko sa kanya ay nakadilat na ito at natatawang inilingan ako. “Mukha kang tanga,”
Inis na pabagsak kong binaba ang mga kamay ko. “Nasasanay kanang tinatawag akong tanga, alam mo bang honor student ako sa Earth? Ha?!” bulyaw ko sa kanya na inilapit pa ang mukha ko para mansindak. He looked surprised, napaurong pa nga ng upo sa sulok.
There, there! Matakot ka sa nakatataas sayo! Prinsipe ka nga wala ka naman magic, talo pa kita!
Sinakop ng palad niya ang buong mukha ko para itulak ako palayo saka sinamaan ako ng tingin. “’Wag ka ngang palaging lumalapit sa ‘kin, naiinis ako sa ‘yo lalo. Isa pa, I am not allowed to use magic inside books. Itong pagpasok ko pa nga lang sa mga libro ay bawal na, pag gamit pa ng magic. Paparusahan na naman ako ng tatay ko kapag nagkataon na nahuli niya ako.”
“Pero ano ang magic mo?”
“Kaya kitang gawing patatas sa sobrang dami mong tanong,”
I pursed my lips. Unti- unting lumulunok ng laway saka lumalayo sa kanya. Pangit na nga ng ugali, pangit pa ng magic.
Ilang minuto pa ang lumipas, nakatulala lang ako sa labas. Natatanaw ko na rin ang mataas na palasyo mula sa kinaroroonan namin kaya napadungaw ako lalo sa bintana ng karwahe.
Maganda pa sa castle ng disney. Hay!
Matutupad na rin ang pangarap ko! Makakatira ako sa loob ng castle! Matamis na nangiti ako habang hawak ang dalawang pisngi.
“The next enemies are living inside that castle, stop daydreaming.”
Mabilis na nilingon ko si Aries. Napaka-panira talaga.
Napaka- enggrande ng buong paligid, napaka- layo sa castle ng disney kasi mas maganda ‘to!
Pinuri kami nang ilang beses ng hari pagdating, even the villagers outside the castle warmly welcomed us. Goods na goods para sa image ko! Hero na ang tingin sa ‘kin at hindi na magnanakaw!
Dinala kami sa enggrandeng hapag-kainan, ang daming pagkain, ang sasarap lahat sa isang mahabang lamesa na ako at si Aries ang nakaupo sa magkabilang dulo!
Masayang kinawayan ko ang prinsipeng kasama ko mula sa dulo pero hindi man lang ito ngumiti. Inis na inirapan ko nalang siya kahit parang hindi naman niya napansin dahil mahaba ang mesa na puro pagkain.
Yum!
Tapos ang sunod ay dinala kami sa malaking kwarto, kaharap ko naman ang silid para kay Aries. May sasabihin pa nga dapat siya pero hinila ko na ang mga chambermaid na kasama ko papasok sa closet ng silid ko. Ituturo raw kasi nila ang mga hinandang damit para sa ‘kin.
And O to the M to the G!
Pagbukas ko ng malaking closet ay puro magagarang damit pambabae!
Gowns, ang lakas maka- royal princess!
Nagkikislapan sa ganda ang mga high-heels at hihimatayin na rin yata ako sa mga nagkikislapang kwintas, singsing, mga hikaw at pulseras na pwedeng pagpilian!
“You know what, this is heaven!” hindi makapaniwalang sabi ko sa tatlong chambermaid na kasama ko. Nakangiti lang sila sa ‘kin at tinutulungan akong magsukat ng mga nagugustuhan ko suotin.
“Oras na po para magpahinga, binibining Apricot-“
“Nah!” tinaas ko ang isang daliri sa harap niya, “Call me Hailey!”
Yumuko sila, “Binibining Hailey,”
“Very nice! Good night, then!” hinatid ko sila sa labas ng silid saka tinanaw nang nakangiti ang kanilang pag-alis.
Nilibot ko ulit nang nakatingala ang itsura ng hallway, ganito sana ang bahay namin ni mom and dad. Feeling ko hindi na ako lalabas. Dito na lang ako every day!
Napapitik ako ng mga daliri. Sayang, wala ang phone ko! Instagrammable pa naman bawat sulok!
Nawala ang ngiti ko nang maalala si mom and dad. Siguro mag- aalala sila kasi 24 hours na akong wala sa bahay.
Or mapapansin ba nila? Late na sila umuuwi ng bahay at maaga rin umaalis ng bahay.
Bumuntong-hininga ako. Sana hindi na lang nila mapansin kagaya ng usual na nangyayari sa bahay, para hindi sila magworry.
Natulog ako nang mapayapa pagkatapos ipagdasal na sana makalabas ako nang safe mula sa book na ‘to, isama na rin si Aries na sana bumait na.
Hindi ko lang gusto makalabas sa book na ‘to. I also want to catch the secret lesson from this book. Catch and embrace the lesson, just like what Maggie said.
“Pwede bang iba nalang? Bakit pamilya ko pa?”
I could see dad and mom, shouting at someone. In the living room.
“Not my daughter, I am definitely rejecting your offer! Get out of this house!”
Mula sa itaas na palapag ay dinudungaw ko sila sa ibabang palapag. Nagpunta sa pintuan palabas ang kausap nila mom and dad, pero nakita kong hindi ito nag-iisa.
May kasama siyang batang lalaki.
Bago isara ni dad ang pintuan ay nagtama pa ang paningin naming dalawa, kumaway ito. Malungkot.
NAGISING ako mula sa pagkakatulog nang parang may bumara sa lalamunan ko. Napaupo ako para maubo, parang may something na dumaan sa lalamunan ko tapos nalunok ko?
“Rise and shine!”
“Aah!” tili ko nang makita ang bwisit na Aries sa silid. Tinakpan ko agad ng kumot ang dibdib ko, pati na rin mukha... baka may laway pa ako. “Lumabas ka nga! Bakit ka nandito?!”
“Para gisingin ka, ang pangit mo pala matulog.” He laughed in a mocking way. “Nakanganga ka pa, ganito kalaki o,” nagporma siyang bilog sa kamao. “Nagshoot nga ako ng maliit na papel tapos nilunok mo naman,”
I grimaced!!!
“LUMABAS KA NGA!”
GANOON- ganoon lang at tagumpay na nasira ni Aries ang umaga ko.
TO BE CONTINUED...