CHAPTER 8: No Touch Binuklat ko ang librong nahanap ko mula sa pinagtataguan nila mommy at daddy na attic. Nandito lahat ng mga librong hindi talaga pwedeng basahin ko... o kahit man lang hawakan! Pero ‘di ba, kapag bawal... mas nakaka-excite gawin? Nasilaw ako nang magliwanag ang unang pahina ng libro. Wala itong laman kanina pero maniniwala ka ba sa ‘kin kapag sinabi ko sa ‘yong nakita kong unti-unti itong gumuhit mag-isa at gumawa ng mga salita? Totoo! “Pag-aari ni Samarita, diwata ng Timog na bahagi ng Point Mill at ni Martha, mangkukulam sa Hilagang bahagi ng Point Mill.” Pagbabasa ko sa mga letrang gumuguhit mag-isa. Biglang nagkaroon ng mga larawan, dalawa silang babae na mukhang magkaibigan sa mga larawan na lumitaw. Napa-palakpak ako sa mangha! Kaya ba ayaw ipakita ‘to nila

