It's already 9:46 P.M at mag-isa ako ngayon sa rooftop ng senior high building. Ayaw kong makisabay sa kasiyahan ngayon sa loob ng gym. It was our acquaintance party. Lahat ng mga estudyante ay nagsasaya ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood makihalubilo sa kanila. Nagpaalam ako kanina kay Janice na magpapahangin lang at dito nga ako dinala ng aking mga paa. Buti na lang hindi naka-lock ang pinto rito sa taas. Buti na lang din at may kasama si Janice kanina nang iwan ko siya. Mga kaibigan niyang kasapi rin ng school paper. Dahil kung wala ay siguradong nagtitiis ako ngayon doon. Hindi nga sana siya papayag ngunit nang mapansin niyang hindi ko ramdam ang pumunta rito ay pumayag din siya. Alam ko kung ano ang iniisip ni Janice ngayon, na napipilitan lamang akong pumunta

