Chapter 10

2089 Words

Nadatnan kong nakaupo sa harap ng T.V si Kuya nang makapasok ako ng bahay. Nanonood siya ng basketball, ang paboritong laro niya simula pa noon. Tinuturuan pa nga niya kami ni Janice noong mga bata pa lamang kami. Isa iyon sa mga hindi malilimutang pangyayari sa aking buhay dahil iyon ang naging dahilan kung bakit naging close kami ni Kuya. Noon kasing limang taong gulang pa lamang ako ay hindi niya ako pinapansin. Na para bang wala ako sa paligid. Sinabi sa akin ni Mama noon na kapatid na babae ang gusto ni Kuya. Excited nga siya noon nang ipinagbubuntis pa lamang ako. Hindi kasi inalam nina mama at papa ang aking kasarian noon habang nasa tiyan pa lamang ako. Para daw sorpresa. Si Kuya ay babae ang kaniyang hula dahil iyon daw ang kaniyang gusto. Ngunit nang mailabas ako at nalaman ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD