"Today, ibibigay ko sa inyo ang magiging activity niyo next week para mapaghandaan ninyo," sabi ni Mrs. Bayona habang inilatag ang mga papel sa mesa na nasa kaniyang harapan. "Group leaders please come here in front and get one." Biology ang subject namin ngayong umaga. Every Wednesday kasi ay sa unang period ang biology namin. May conflict kasi sa schedule ni Mrs. Bayona dahil nagtuturo rin siya sa mga junior high students. Tumayo ako at pumunta sa harapan para kumuha ng isa. Nagsitayuan din ang ibang group leaders. "As you can observe, majority of the class are boys, right? I intentionally include atleast one per group because of this activity," aniya. Nang makakuha ay agad akong bumalik sa aking upuan. Binasa ko ang hawak na bond paper sa aking kamay at nanlobo ang aking mga mata

