Chapter 5

2061 Words
Tahimik na bumaba si Dria sa hagdan. Bihis na siya para sa lakad nila ng Mommy niya. Dumiretso siya sa kusina. Naroon na ang mga magulang niya at hinihintay siya. "Good morning," pilit ang sigla na bati niya sa mga ito. "Morning, beautiful." As usual, masiglang bati ng Mommy niya sa kanya. Tumingin siya sa Daddy niya. "Morning," maikling bati nito. Nagkunwaring abala sa paglalagay ng pagkain sa plato nito. "Dad, I have to talk to you," diretso niyang sabi sa ama. Napilitan itong tumingin sa kanya. "About what, Dria?" Tumalim ang mga mata niya. "Can we do it in your office later?" Saglit siyang sumulyap sa Mommy niya indicating to her Dad na ayaw niyang marinig ng Mommy niya ang kung ano mang pag-uusapan nila. "Sure. Let's do that." Napaismid si Dria at hindi niya iyon itinago sa ama niya. "How's your meeting, Dad? Late ka na yatang nakauwi kagabi. Nag-enjoy ka ba nang husto?" This time, ang mga mata naman ng Daddy niya ang tumalim sa pagkakatingin nito sa kanya. Tumikhim ito bago siya sinagot. "Oh, the usual meeting that I do when I go out with clients. Take them to dinner, talk about business, their investments..." "Babae ba o lalaki ang negosyanteng kasama mo kagabi, Dad?" pagputol niya sa pagkukuwento nito. What's the use of listening to his blabbering kung alam naman niyang nagsisinungaling ito? Nahawa na ito sa pagiging sinungaling kay Samantha. "Dria!" pananaway ng Mommy niya sa kanya. Napapansin na nitong in-interrogate na niya ang ama. "Lalaki." Pilit na ngumiti ang ama niya sa kanila. "Don't worry, hon. Alam mo namang selosa iyang anak natin. Ayaw niyang nakikipag-meet ako sa mga babaeng kliyente natin. She gets jealous for you." Natawa pa kunwari ang Daddy niya. "Talaga! Kapag nalaman ko na may babae ka, dad, pasasabugin ko yung lugar kung saan kayo nagmi-meeting. Kapag nakita ko kayong magkasamang naglalakad sa kalsada, babanggain ko kayo ng kotse ko," pakikipagsabayan niya sa ama. "Oh, my. Nakakatakot naman itong anak natin, hon." Nagawa pa talagang gawing biro ng ama ang mga sinabi niya. Nakitawa naman ang Mommy niya. "Mommy is an ideal wife every man dreams of having for the rest of his life. I hope you know what you're going to lose if you betray her, Dad," seryoso nang sabi ni Dria sa ama. Nakita ni Dria kung paanong kumuyom ang kamay ng ama sa ibabaw ng mesa. "I know, Dria," matatag nitong sabi sa kanya. Dria saw the sincerity in her father's eyes. May bumangong pag-asa sa puso niya. Is he breaking up with Samantha? Makikipaghiwalay na ba ito ngayong nabuko na niya ang mga ito? "Oh, that's so sweet, hon." Napangiti si Dria sa kasiyahang bumakas sa mukha ng Mommy niya. "I don't want to lose her because I love her so much. Though, I admit I had moments of weakness, I will always choose your mom." Para na ring inamin ng Daddy niya ang naging relasyon nito kay Samantha ngunit nabawasan ang galit niya rito dahil sa mga huling katagang sinabi nito. He will always choose her mom. Para kay Dria, assurance iyon galing sa kanyang ama na tuluyan na nitong pinuputol ang ugnayan nito at ni Samantha. Mabuti naman kung ganon nga. Hindi na nila kinakailangang magkasakitang mag-ama. But still, she has to talk to him. She has to make sure na wala na talagang Samantha sa buhay nito. She has to make him promise na titigilan na nito ang kaibigan niya at titigil na rin si Samantha sa pakikipag-ugnayan dito. "And I will always choose you too, Shaun." Nagkatitigan pa ang mga magulang niya na parehong kumikislap ang mga mata at sa mga sandaling iyon ay dama ni Dria ang pagmamahalan ng mga magulang niya. "But we have to go, Dria. Mahaba pa ang biyahe natin papuntang Pampanga kaya kinakailangan na maaga rin tayong luluwas kung gusto nating makabalik mamayang gabi." "Why don't you join us, Dad? Bonding na rin natin," pag-iimbita ni Dria sa ama. "I wish I could but may scheduled online meeting ako mamayang 11 am, anak. I can't miss it. Kung sakaling hindi kayo makakabalik agad, susunod na lang ako sa inyo roon. Matagal na ngang hindi tayo nakakapamasyal na magkakasama. So pwede tayong mag-overnight doon." "Nice plan, hon. C'mon, Dria. Let's go." Uminom na ng tubig si Dria at nagpunas ng bibig bago tumayo. Hinintay niyang makahalik at yakap ang ina sa ama bago siya lumapit sa Daddy niya. "Stand by your promise, dad," bulong niya sa ama bago siya humiwalay sa pagkakayap niya rito. Nakangiting tumango ito sa kanya. At sa mga sandaling iyon, tila nawala ang lahat ng galit niya rito. She also realizes how much she loves her dad at that moment. "Bye, dad. I love you," paalam niya rito bago siya tumalikod para sumunod sa ina. ... Nakakapagod ang biyahe kahit sa buong tatlong oras ay nakaupo lang si Dria at ang Mommy niya sa loob ng sasakyan nila. Air-conditioned naman ang sasakyan nila pero napagod pa rin si Dria. Pinagtatawanan lang siya ng Mommy niya sa tuwing nagrereklamo siya. Nang makarating sila sa mall, saka lang tila nakahinga nang maluwag ang dalaga. And while her mother was in a meeting, nagpasya si Dria na mamasyal muna at mag-shopping na rin ng mga bagong damit niya. Pumasok siya sa Forever21 at namimili ng mga dress nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa likuran niya. May ilang babaeng namimili rin ngunit isang lalaki ang nakakuha sa atensiyon niya. Tumaas ang isang kilay ni Dria. Lalaki tapos namimili sa women's line ng Forever21? Pinag-aralan niya ang lalaki. Matangkad ito, maputi, payat, nakasuot ng glasses, at may nakakuwintas na mamahaling DSLR making him look like a nerd photographer. Is he... gay? A closeted gay? Pinagalitan ni Dria ang sarili. She's being judgmental. Pero sayang talaga, eh. Sayang kasi pogi pa naman yung lalaki and his style is typically her type kaya lang he turns out to be gay. Stop it, Dria. Hmm, malay ba niya kung ang binibili nito ay para sa sister nito o di kaya para sa girl friend nito. Pwede ring para sa pinsan nitong babae. Gosh, bakit ba pinapakialaman pa niya ang pamimili nito? Kung para kapatid, pinsan, gf o para sa sarili nito ang binibili nitong dress, wala na dapat siyang pakialam doon. Napailing na lang si Dria at ipinagpatuloy ang pamimili niya. Hanggang sa muli siyang napasulyap sa lalaki. All of a sudden, biglang nanlaki ang mga mata niya. She can now remember him! Schoolmate nila ito ni Samantha sa unang buhay niya! Naaalala niya ito dahil palagi itong nadadapa sa harapan niya noon. He's tall yet clumsy. And she finds him cute. Pero noon, in love na siya kay Anton kaya naman hindi niya masyadong pinapansin ang mga lalaki sa paligid niya kahit gaano pa sila ka-cute tulad ng isang ito. Bakit kaya ito biglang pumasok sa buhay niya ngayon? Hmm, siguro nami-miss niya lang ang mga pamilyar na mukha kaya kahit dito sa ikalawa niyang buhay ay nakikita niya ang mga ito gaya rin ng mga dati niyang kaklase na nakasama niya noon. Mula kasi nang mamatay ang Mommy niya sa unang buhay niya, lahat ng atensiyon niya ay na kay Anton na at sa buhay na sinisimulan nila nang magkasama. Nang matapos siya ay bumalik na siya sa jewelry shop nila. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa jewelry shop nila at nakisalo sa lunch na pinabili ng Mommy niya para sa mga empleyado nila roon. Pauwi na sila nang tumawag ang Daddy niya. Papunta na raw ito sa Pampanga kaya naman nagdesisyon sila ng Mommy niya na kumuha ng isang suite sa isang resort sa para sa bonding nilang mag-anak that weekend. Masaya si Dria dahil nagkaroon ulit siya ng pagkakataon na makasama ang mga magulang niya sa ikalawang yugto ng buhay niya. Nang dumating ang Daddy niya ay talagang nag-bonding silang tatlo. Nag-swimming, nagkantahan sa cottage nila, at nakinig siya sa kuwento ng mga magulang niya kung paano nagkakilala ang mga ito at kung paano nag-umpisa ang love story nila. At base sa kuwento ng mga ito, mahal na mahal talaga ng mga magulang niya ang isa't isa. Malungkot na napatingin si Dria sa mga magulang. Kung hindi lang pumasok si Samantha sa buhay nila, kung hindi lang ito nakipagrelasyon sa Daddy niya, sana hindi dumating ang mga trahedya sa buhay nila. Sana, hindi nagawang lokohin ng Daddy niya ang Mommy niya. Hindi sana namatay ang Mommy at Daddy niya dahil dito sa unang yugto ng buhay nila. Sana masaya pa sila. Sana mas nakasama pa niya ang mga ito nang mas matagal. Alam ni Dria na may kasalanan din ang Daddy niya dahil nagdesisyon itong patulan si Samantha. But it wasn't entirely his fault. Samantha is a seducer. Kahit siguro taong tuod ay kaya nitong akitin with her beauty and body. At hindi tuod ang daddy niya. Kaya naman ipinangako niya sa sarili niya habang pinapanuod ang mga ito na kumakanta ng duet ng theme song ng mga ito na hinding-hindi siya makakapayag na muling masisira ang pamilya niya. Pipigilan niya ang lahat ng paparating na trahedya sa buhay nila. Gagawin niya ang lahat para hindi na maulit ang ginawa ni Samantha sa pamilya niya. ... They spent the weekend in Pampanga kaya naman mas magaan na ang loob ni Dria nang pumasok siya kinaLunesan. Nakita niya si Samantha ngunit nag-iwasan silang dalawa. Halos ayaw nilang tignan ang isa't isa. Good, sa isip-isip ni Dria. Sana pati ang Daddy niya ay tigilan na rin nito. "Dria, ngayon lang yata kayo hindi magkasama ni Samantha. War kayo?" nang-iintrigang tanong kay Dria ng kaklase niyang si Rebbie nang maupo ito sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nasa school cafeteria at kumakain mag-isa. Ngumiti lang si Dria dito. Halata naman niya na pinag-uusapan sila ni Samantha ng mga kaklase nila buong maghapon. Nagtataka marahil ang mga ito dahil ni magtinginan ay hindi nila ginawa ni Samantha. Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot sa tanong ni Rebbie. She's not the type who opens one's closet kahit pa gaano kalaki ang kasalanan nito sa kanya. "Siguro, may nalaman ka na rin, ano?" Sa tanong na iyon ng kaklase, napatingin na si Dria rito. "Nalaman na ano?" Lumapit ito at ibinulong ang mga bagay na ikinagulat ni Dria. "It's an open secret na lover ni Samantha iyong si Prof. Santos kaya laging siya ang nagta-top sa mga exams natin." "Ano?!" gulat na sambit ni Dria. Sa pagkakaalam niya, malapit lang talaga si Samantha sa professor nila na nabanggit ni Rebbie. Pero hindi niya alam na may nangyayari na pala sa mga ito. "Totoo ba iyan? Pero halos kaedad na ng Daddy ko si Prof!" "Totoo iyon, Dria. May nakakita sa kanila minsan sa office ni Sir. Naghahalikan daw sila. Tapos alam mo ba, balita pa na gamit ni Samantha yung isang ATM ni Prof. Naiwan daw niya Minsan noong mag-withdraw siya sa atm machine doon sa may gate ng school. Noong kinuha ng isang estudyante para isauli kay Samantha, nakita raw nito na kay Prof. Santos yung ATM. Tapos ang sabi daw ni Samantha, inutusan daw siya ni Prof. Santos na mag-withdraw ng pera nito." "Baka naman inutusan lang talaga siya." Ngumiwi si Rebbie sa kanya. "Saan niya sinauli? Sa motel na pinupuntahan nila every Wednesday? Kalat na rin kaya yung schedule nila kasi may nakakita rin sa kanila na pumasok sa motel." Natigilan si Dria. Kaya pala every Wednesday ay hindi sumasabay na umuwi sa kanya si Samantha. Pumupunta pala ito sa motel kasama ang professor nila. "Kung ayaw mong maniwala, bahala ka. Pero ang masasabi ko lang, ngayong naumpisahan mo nang hindi magsasasama kay Samantha, ipagpatuloy mo yan. Dahil kung hindi, madadamay ka na sa kalandian ng best friend mo. Baka isipin nila na isa ka rin sa mga estudyante na pumapatol sa mga prof natin kapalit ng pera. I don't mean to offend you, Dria, pero ganon talaga ang mangyayari kapag palagi mong kasama iyong babaeng iyon." Tumango si Dria at nagpasalamat. "Salamat, Rebbie." Akmang aalis na ito nang pigilan ito ni Dria. "Sandali. Can I ask you a favor?" Kaagad namang tumango ang kaklase. "Pwede mo ba akong... samahan on Wednesday?" "Ha? Saan?" Lumunok muna si Dria. Nag-ipon ng lakas ng loob bago muling nagsalita. "Sa motel na pinupuntahan nina Samantha at Prof. Santos."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD