Chapter 14

1733 Words
"THIS taste so good." isa-isa nitong tinikman lahat, natatawa nalang ako sa mga reaksyon nang lalaki. "Finish your food Brett." turo ko sa mga pagkaing nasa plato nito, "I'm full, tumatanggap ba kayo nang catering?" tanong nito habang nakatayo, busog daw kasi ito kaya tumayo muna. "Yes, pero depende kong gaano karami. Limit lang kami nang good for 100 person, hindi na kasi kakayanin nang staff ko." sagot ko dito, agad naman itong napatango. "No wonder bakit ang dami niyong customers. The food taste different and the plating is unique, the staff are good also in handling customers." puri pa nito habang nakaharap sa glass wall ko kong saan tanaw ang lahat nang customer dito. "Hmmm." tanging sagot ko habang inuobos ang desert. After naming kumain nang lunch ay lumabas ako upang tumulong sa pagseserve, dahil nakikita kong marami talaga. Nagpresenta rin si Brett na tumulong, hinayaan ko nalang ito. "Here's your food maam," sabi ko sa isang customer na nakaupo sa single table, ngumiti naman ito sa akin. "You're not a staff right?" tanong pa nito "Yes maam, I'm just helping my staffs." sagot ko dito "I see, thank you." sagot nito, ngumiti lang ako at bumalik na upang kumuha ulit nang eseserve. Nang makitang kaya nang e handle nang staff ko ang numbers nang customers namin, ay napaupo na ako, naka heels kasi ako kaya madaling mapagod. Napatingin lang ako kay Britt na tumutulong sa mga ito, na impress ako sa ginawa nito. Wala itong kaarte-arte sa katawan, nakailang serve na rin ito, tiningnan ko ang wrist watch ko las dos na pala nang hapon.  Ilang sandali pa ay napagod na rin si Britt at naupo sa tabi ko. "Are you okay?" tanong ko dito, ngumiti naman ito. "Ang hirap palang maging server." komento nito "Yes, ang sakit sa paa." saad ko "Hmmm, pero nakakatuwa kapag nakita mong ang satisfaction nang mga customers." napatango ako dito "Buti nalang at marami kayong server, kahit papaano ay hindi ganoon kahirap sa bawat isa." komento nito "Sinadya ko iyon, may ilang customers kasing apurado sa pagkain nila kaya hindi pwedeng iilan lang ang server lalo na at may kalakihan ang resto." sagot ko dito "Nakaka proud rin ang staff niyo, kaya nilang mag multi tasking. Kahit hindi nila trabaho ay tumutulong pa rin ang mga ito. Alam nila ang goals nila at hindi sila nagbibilang nang trabaho." anito "Hoping na sana sa ibang branch soon ay kasing dedicated rin nila ang mga new workers." saad ko "Saang agency kayo nag request?"  "No, Lucy posting it on jobstreet and do the screening and interviews." sagot ko "May mga experience na ba lahat?" umiling ako "Hindi lahat may mga fresh graduate at may mga highschol grad kami dito." sagot ko alam kong nagulat ito, Hindi kasi ako nagbabasi sa education nila as long as they can communicate with customers and well dedicated ay tinatanggap ko na and most of them are highschools. Maybe 15 out of 30 staffs are highschool level. "Really huh,"  "I don't see any difference naman, kong ang pagiging dedicated lang naman ang paguusapan ay walang tatalo sa mga ito." sagot ko. Hinintay kong matapos ang lahat sa kanilang ginagawa, pumasok ako nang office upang ayusin ang mga envelop na naglalaman nang pera for their bonus. Every six months kasi ay nagbibigay ako iba pa iyong sa december na bunos. Nang makita kong mag aalas singko na nang hapon ay pinatipon ko na sila, tiningnan ko si Brett na nakatulog sa sofa bed ko. Alam kong napagod ito sa pagtulong kanina. Nang nakapag-ayos na ang lahat ay lumabas na ako. "Hello everyone, salamat sa pagiging hard working ninyo. Gusto kong malaman ninyo na sobrang proud ako sa inyo. And becuase of that ay may konting pasasalamat ako sa inyo." bungad ko sa mga ito, natuwa ako nnag makita ang excitement sa mga mata nito. Bigla namang dumating ang isang sasakyan na may dalang grocery at bigas. "Because of your hardworks, sana mapasaya ko kayo sa konting reward ko, each of you ay tatanggap nang tag-iisang sako nnag bigas at mga groceries." narinig ko namang nag-ingay ang mga ito "Maraming salamat po maam." sagot nang aming guards, may lima kaming guards. "Salamat po." "Maam malaking tulong po ito sa amin." "Salamat maam." Natuwa ako dahil sa simpleng bagay lang ay alam kong napapasaya ko sila, inangat ko ang paper bag na hawak ko na may lamang envelop. Tinawag ko ulit ang atensyon nila. "Bukod sa bigas at groceries, deserved niyo rin ito." sabi ko at nilabas ang mga envelop Binigyan ko ang bawat isa sa kanila, ang sarap sa pakiramdam makita ang mga ngiti at saya. "Maam ang laki po nito." saad nang isang server namin. "Deserved niyo. Sabi ko naman sa inyo dati kapag malaki ang kikitain nang resto ay mag matatanggap na early bunos, don't worry iba po iyong sa december ninyo. Iyang mga natanggap niyo ay sa 6 months na matataas ang sales natin." sagot ko sa kanila. "Grabi po sa lahat po ibang-iba po talaga kayo." naiiyak na saad nang isa sa mga cashier namin, "Maam, makakaipon na rin po 30,000 po ang laki po sobra."  "I'm glad masaya kayo sa munting pasasalamat ko. Keep up the good work everyone, dahil ito ako magdadamot kapag maintain ang taas nang sales natin ay magbibigay at magbibigay ako nang reward sa inyo." saad ko pa "You're welcome everyone. Kayo na ang bahala dito okay?" bilin ko sa kanila, agad naman nagsitanguan ang mga ito. Pumasok na ako sa office at pinagmasdan si Brett na mahimbing pa ring natutulog. Nakonsensya naman ako kong gigisingin ko ito, hihintayin ko nalang magising ang lalaki. Pinagmasdan ko ang gwapong mukha nang binata, bakit napaka perpekto nito, bakit kinailangan ko pang saktan ang lalaking ito na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Sana hindi pa huli ang lahat para sa amin, napailing nalang ako. "Brett," pukaw ko dito, "Hmmm." tanging sagot nito "We need to go home na, mag-gagabi na sa labas." sagot ko dito, agad naman itong nagmulat nang mata. "What time is it?" tanong nito nang hindi pa rin bumabangon "It's already 6 in the evening." nagulat ako nang bigla itong bumangon, "Why you didn't wake me up? Nakakahiya tuloy pinaghintay pa kita." napakamot nitong saad. "It's okay ang sarap kasi nang tulog mo, nakonsensya naman akong gisingin ka." sagot ko "Hindi na natin masusundo si Red, bukas nalang tayo nalang ang pupunta sa bahay nang parents ko." impora nito sa akin. "Okay lang, video call nalang natin." sagot ko nalang, wala naman kaming choice. "Aalis na ba tayo?" tanong nito sa akin "Yes, bakit? May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko dito "Wala naman, since its already dinner time naman, bakit hini nalang tayo kakain muna bago umalis." suhestiyon nito "Gusto mo ba? Pwede naman para pagdating sa condo matutulog nalang ako, uuwi ka pa ba sa bahay mo?" tanong ko dito, agad naman itong umiling. "No, parang tinatamad akong mag drive pauwi sa bahay. Wala naman si Red doon, pwede bang makituloy nalang ulit ako sa condo mo? Isa pa hindi na rin safe mag drive pauwi kasi gabi na." tanong nito Actually natawa ako sa mga rason nito, halatang nonsense naman pero hindi ko nalang pinansin. Bakit kasi hindi nalang sabihin na gusto niya lang akong makasama. "Of course you can. So kakain muna tayo dito bago uuwi?" pagkaklaro ko, agad naman itong tumango. Hindi na ganoon kapuno ang resto dahil gabi na, kadalasan sa mga customer namin ay nag tetake-out nalang nang pagkain. Lumabas ako upang sabihan ang aking manager na magpapahatid ako nang pagkain sa office. Naabutan kong nanunuod si Brett nang balita, napatingin ito sa akin nang pumasok ako. "May bagyo pala." saad nito "Saan ba?" tanong ko rin "Metro manila, may warning nga na may posibilidad na babaha dahil sa ulan na dala nito, at mahangin rin." sagot nito, tumabi ako dito upang makinuod. "So anong gagawin natin bukas, baka ma trap tayo sa baha at hindi natin makuha si Red." saad nito "Ayaw ko namang e risk ang anak ko Brett, safety first before anything else. Papakausapan nalang muna natin si Bea at ang parents mo. Dilikado rin kong talagang babaha hindi rin tayo makatawid." sagot ko dito "Wala namang problema kong doon muna si Red sa bahay nang parents ko, for sure hindi namn iyon pababayaan nila mom and dad. Masyadong spoiled si Red sa mga ito. tawagan nalang natin mamaya para hindi ito umiyak at maghanap sa atin." pahayag nito, tumango nalang ako. "Ilang araw ba ang bagyo?" tanong ko, hindi ko kasi naabutan  "Two days daw eh ayon sa pag-asa." aniya "What? Baka mag-iiyak na si Red niyan, ang timing naman nang bagyo nakikisabay pa talaga." reklamo ko dito "Well we can't do anything about it, maghintay nalang tayo kapag okay na." ano pa nga ba. Dumating na ang pagkain namin ni Brett, as usual ang dami na naman nitong nasasabi. Bandang 7:30 na nang umalis kami nang resto, medyo mabagal ang takbo nang sasakyan namin dahil madulas ang daan sa kakaulan. "For sure bukas baha na dito." komento nito habang nagmamaneho. "Yes, kapag nagdamag pa itong ulan ay paniguradong baha na naman." saad ko rin dito "Mabuti nalang at naisipan mong mag condo. Bahain pa naman sa area na ito." tanong nito "Lucy told me to get a condo, since mag-isa lang naman ako dito." sagot ko kay Brett "Good choice," komento pa nito  Hindi na ako umimik dito, napatingin nalang ako sa labas nang bintana. Parang palakas nang palakas ang ulan sa labas, hingi nga safe kong uuwi pa si Brett. Nakarating kami nang condo bandang alas otso y media. "May extrang damit ka pa ba?" pagtatanong ko dito nang makarating na kami nang unit ko. "I have one pair, why?" balik tanong nito. "Akala ko wala, wala pa naman akong extrang damit na magkakasya sa iyo." sagot ko dito "Why are you collecting those shirts?" kunot noong tanong nito. "Comfy kasi suotin." sagot ko dito Tumayo ako upang mag templa nang gatas ko, hindi ko alam sumunod rin pala ito. "Do you need one?" tanong ko "Pwdeng lagyan nang konting coffee?" tumango ako nagtempla na para dito. "May gagawin ka pa ba?" tanong nito "Wala naman, bakit?" sagot ko dito "Can we watch movie together?" alok nito "Sure, anong movie ba iyan?"  Nakita ko ang pag-iwas nito nang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD