PAGKATAPOS namin mag breakfast ay nag handa na kami for malling upang mamili nang mga kagamitan ko sa condo, kumuha ulit ako nang damit sa closet ni Brett na kong saan nakalagay ang mga damit ko dati buti nalang din at may mga underwares ko. Naka long sleeve lang ako na kulay puti hanggang hita ko, tinupi ko iyon hanggang siko, nagsuot na rin ako nang short panloob upang hindi makitaan mahirap na at marami pa namang mga bastos ngayon, at pinarisan ko ito nang sandal na kulay skin tone na two inches heels. Hindi naman ako ganoon ka liit 5'6 ang taas ko kaya hindi na ganoon ka taas ang sinuot kong sandal, sadyang matngkad lang talaga si Brett nasa 6'1 kasi ang tangkad nito. Kaya kapag nagkatabi kami ay nagmumukha akong bata.
Binihisan ko na rin si Red, nagulat ako nang ito na mismo ang pumili nang kanyang susuotin, nagpaayos rin ito nang buhok, natawa pa ako sa request nito. At his young age ay may alam na ito when it comes sa fashion, hmmmm naman rin ni Red ang pagiging fashionista ko. Sinipat ko ang itsura nito, no wonder para lang itong pinaliit na Brett gayang-gaya nito ang mga damitan nang kanyang daddy. Dahil may kahabaan naman ang buhok nito ay kinulot ko nalang, tuwang-tuwa naman ito sa kanyang hitsura.
"Mommy I want this." turo niya sa sapatos na kulay puti.
"Okay baby, baby sino ang nagbibihis at nag-aayos nang buhok mo?" tanong ko dito,
"Daddy po." sagot nito at nagpapacute pa sa salamin, napisil ko tuloy ang pisngi nito.
"May ibang girls ba si daddy mo baby?" tanong ko,
Ewan ko ba bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nahihiya naman akong tanungin si Brett, edi para na ring umasta akong asawa nito asawa agad Lavander? hindi ba pwedeng jowa muna? napailing nalang ako sa naisip.
"None po, but there's a lot of girls who like daddy." saad nito, naniniwala na talaga akong hindi marunong magsinungaling ang bata.
"Talaga baby?" paninigurado ko dito, tumango naman ito.
Bumaba kami at nadatnan namin si Brett na prenteng naka upo sa sofa, napalingon ito nang mapansing bumaba na kami. Pinagsadahan ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa kapagkuwan ay napakunit-noo ito, bigla akong nailang, nanliit tuloy ako sa aking sarili, para lang akong alalay nang mga ito.
"Lav, I think you're showing too much skin." puna nito sa suot ko, what's wrong with my clothes? I'm wearing the decent one.
"I don't think so, mahaba naman ito. Mas may maikli pa nga dito sa suot ko." sagot ko,
"Kong ayaw mong makahanap ako nang kaaway mamaya, you better change that." kunot-noong utos nito sa akin, inirapan ko nalang ito.
"Mas maiikli pa ang damitan ko sa Paris kaysa suot ko ngayon, at isa pa nakapag short naman ako. Wala rin akong ibang dress sa closet mo, alangan naman mag short lang ako." paliwanag ko pa dito baka sakaling makalusot pa. Actually may dress naman talaga ako sa closet hindi ko lang trip iyong mga style.
"Your wearing too shorts in Paris?" gulat na tanong nito, ano bang inaasahan nito? Paris is one of fashion country, bibihira lang ang mga taong conservative dito.
"Of course, anong inaasahan mong isusuot ko doon? I'm a designer of a well-known brand alangan naman balutin ko ang katawan ko." ako naman ngayon ang napakunot-noo dito, masyado naman siguro itong conservative huh.
"Huwag mo akong sisihin mamaya kapag nakasapak ako ha." banta pa nito, napiiling nalang ako.
"Don't worry naka short ako, at isa pa kasama ko naman kayo ni Red, wala naman sigurong magtatangka." saad ko nalang,
Sinipat ko rin ang kasuotan nito at napataas ang isang kilay ko. Naka maong short ito na tattered at pinarisan nang isang v-neck shirt at shoes, lumitaw ang kagwapohan nito sa simpleng damitan. No wonder maraming babae pa rin ang naghahabol dito kahit may anak na. Nakikita ko na ang magiging hitsura ni Red pag laki nito. Tiningnan ko si Red naka white polo shirt rin ito. Ano to color of the day ay white? Napakalinis tingnan naming tatlo sa suot namin, nagmukha tuloy kaming endorser nang tide at ariel, ngumiti ito sa amin nang anak niya pagkatapos nitong makipagtalo sa suot ko.
"Wow we have the same color daddy and mommy too." saad ni Red sa daddy niya, tinuro pa nito ang magkakapareho naming kulay na damit.
"Yes baby we have, are you excited? What do you want to buy when we get there?" tanong ni Brett sa anak.
"Yes daddy, can I have toys po? And ice cream?" pagpapacute nito sa ama, natawa naman si Brett sa ginawa nang anak.
"Ask mommy's permission first. If she allow you then we're good." baling ni Brett sa akin, nagkibit-balikat lang ako dito.
"Mommy?" tanong nito at nagpapacute pa, sino ba ang makakatanggi sa pagiging cute nito? Ang sarap papakin nang pisngi.
"Sure baby." sagot ko nalang kay Red, bigla naman ako nitong hinalikan.
"I love you mommy and daddy." jusko! napaka lambing naman nang anak ko.
Buhat ko si Red habang naglalakad, nakipagtalo pa ito sa kanyang daddy dahil ayaw nitong kunin siya sa akin, napatigil ako sa paglalakad nang may biglang sumigaw sa may pintoan. Napalingon naman ako dito, hindi ko ito masyadong naaninag dahil nakaharang si Brett sa harap ko.
"Hi Philippines! Good morning." napatingin ako sa may pinto, iniluwa dito ang isang babaeng naka dress.
Hindi ko ito nakilala agad, dahil sa nasa harapan ko si Brett, bigla itong humarap sa may gawi namin kaya namukhaan ko ito, ito iyong babaeng kumuha kay Red sa akin sa guardhouse noong nasa park, ang kapatid ni Brett. Ang ganda nito sa suot na dress na pina tungan nang cardigan at boots. Pang Paris ang datingan nang fashion nito, pwede itong maging model kong gugustohin nang dalaga, may potential. Napalingon ito kay kay Red na kumawala sa aking pagkakakarga, ayaw kasi nitong magpabuhat sa ama kanina kaya hinayaan nalang namin.
"Tita!" sigaw ni Red dito at tinakbo ang kapatid ni Brett at nagpabuhat.
"Hello my handsome pamangkin, come here give me a kiss, I have a give for you baby." mabilis naman itong hinalikan ni Red sa pisngi, ngumiti naman ang babae sa ginawa nang pamangkin.
"Aww ang sweet naman nang baby namin. Do you miss tita that much?" puri at tanong pa nito nang halikan ni Red ang pisngi, may inabot itong paper bag kay Red. I guess it's a present, na agad namang binuksan ni Red upang makita ang laman niyon.
"Yehey!" tuwang-tuwa na saad nito, it's a robot na remote control.
"Thank you tita, you're the best tita in the world." pasalamat nito sa tiyahin.
"Do you like it baby?" tanong pa nang dalaga sa pamangkin.
"Yes po." magalang na sagot nito.
"Next time I'll give you the latest toy." saad pa nito, napailing nalang ako for sure spoiled si Red sa tita nito.
Bumaling naman ito sa gawi nang kanyang kuya at ngumiti.
"Hi kuya," lumapit ito kay Brett at hinalikan sa pisngi.
"How's your flight Bea? Wala kabang jetlag? Hindi ka man lang nagsabi na ngayon ang uwi mo, sana ay sinundo ka nalang namin, napaghahalataan ka na tuloy." bati ni Brett dito at hinalikan sa noo ang kapatid bago inasar, napasimangot naman ito sa ginawa nang kapatid.
"Not that good, may jetlag ako, four hours lang naman akong nakaupo sa airplane. Kuya ikaw yata ang hindi makapag move on sa ating dalawa, it's been two years oh come on! Marami nang nangyare at masaya ako sa buhay ko ngayon." nakasimangot na sagot nito sa kapatid at napatingin sa gawi ko nang mapansin ako nito.
"Okay magpahinga ka muna, but before that kumain ka. Baka ginutom ka na naman. Aalis na muna kami, sasamahan ko lang si Lavi sa pamimili nang mga gamit niya sa condo." bilin ni Brett dito, at inaya na ako.
"Wait- I know you." sabay turo nito sa akin at nilapitan ako.
"Oh my geeee! Kuya." sigaw nito, nagulat naman ako.
"Ahmm hi? I'm Lavander Kris Williams" pakilala ko dito at inabot ang kamay, agad naman nitong tinanggap ang aking kamay. Napangiti naman ito nang nakakaloko sa kapatid.
"Yes, sa park right?" tanong nito sa akin, na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Brett na ngayon ay buhat na ang anak.
"Yes Bea, She's the mother of my child, huwag kanang maraming tanong, next time muna kami e hot seat." putol ni Brett sa kapatid sa kong ano man ang iniisip nito, napatawa naman ang huli.
"I know it! Sabi na kaya ka familiar sa akin, nakita ko na iyong iba mong pictures, at paintings. Alam mo bang head over heels sayo si kuya, oooops! Sorry na carried away lang hehe, bye family enjoy your date," napahagikhik ito at nagpaalam na sabay takbo sa dining area, napa iling na lamang si Brett sa inasal nang kapatid
"Don't mind her, dala lang siguro iyon nang jetlag niya." saad pa nito at nauna nang maglakad
"Let's go, Lavi?" pukaw nito sa akin nang makitang hindi ako sumusunod dito, sumunod nalang ako dito.
Hanggang sa sasakyan ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi nang akaptid nito, ganoon ba talaga ito kabaliw sa akin? So what's that mean? May gusto pa rin kaya ito sa akin hanggang ngayon? Head over heels pala ha, I don't know why pero naging komportable na ako sa lalaki at nawala na iyong takot ko dito noon.
Regardless of how it goes down, life goes on.