KANINA pa ako napapabuntong-hininga habang nakatitig sa swimming pool. Nasa ikalawang palapag ako ng bahay ng Tito Lucio. Sa loob ng dalawang Linggo, hindi man lang ako nito hinayaang lumabas ng bahay para na rin sa kapakanan ko. Aaminin ko naman na nabuburo na ako rito ngunit wala akong magawa. Halos napapalibutan din ang buong bahay ng mga tauhan nito kasama ng mga Agent na ipinadala ng mga Hamish. Hindi pa rin dumarating iyong magiging Personal bodyguard ko raw. Kung ako nga lang ang tatanungin, kahit 'wag na sana itong dumating. Sa dami ba naman ng tauhan ngayon na nakabantay sa akin, sapat na siguro ito upang ma-protektahan ako. Lalo na' t hindi naman nga ako lumalabas sa compound na ito. Nalaman ko rin na halos retired na Scout Rangers ang mga nakatira sa Lake Subd. na ito.

